Dawn Chang takes a swipe at former group GT

by Bernie V. Franco
Oct 8, 2019
Dawn Chang (left), a former member of the all-female group GT: "Kasi ang pagsasayaw, hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puro awra, di ba?"
PHOTO/S: Noel Orsal

“I don’t wanna trend for the wrong reasons.”

Bahagi ito ng binitawang pahayag ni Dawn Chang kaugnay ng dating kinabibilangang grupo, ang all-female group na GT o mas kilala dati bilang GirlTrends, na nag-trending noong August 2019 dahil sa hindi sabay-sabay na pagsasayaw.

Ang GT ay napapanood na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Ang grupo ay binubuo nina Chienna Filomeno, Joana Hipolito, Krissha Viaje, Mica Javier, Mikee Agustin, Sammie Rimando, at Dawn.

Noong August 2019 ay inanunsiyo ni Dawn na lilisanin na niya ang GT.

“I feel that we’re not on the same page,” dahilan ng former Pinoy Big Brother housemate.

VICE AND DAWN MAKE JOKES ABOUT GT’S CONTROVERSIAL DANCE NUMBER

Nangyari ang biruan sa episode ng It’s Showtime ngayong Martes, October 8.

Sa segment ng dance contest na “Sampu-Sample,” nag-joke si Vice nang magbibigay ng komento si Dawn bilang judge sa mga contestant.

Continue reading below ↓

“Ang galing sumayaw ni Dawn Chang, 'no?

“Kaya niya iniwan yung GirlTrends, e!” natatawang banat ni Vice.

Dagdag niya, “O kung di ka umalis, di sana trending ka din.

“Sana inantay mo yung number na yun, sayang…”

Sumunod na nagbigay ng komento ni Dawn.

Bahagi ng komento niya, “I can see the technique is there, gustung-gusto ko yun.

"Kasi ang pagsasayaw, hindi lang puro hataw, kailangan may technique.

"Hindi tayo puro awra, di ba?”

Panunukso ni Vice, “O, GirlTrends, pinariringgan kayo. Hanggang ngayon hindi pa tapos si Dawn Chang.”

Dugtong ng comedian-TV host, “Gusto ko yung hindi lang puro awra, may diin.”

Pagpapatuloy ni Dawn sa contestants, “Gusto ko yung pinag-aaralan niyo lahat ng klase ng sayaw.

"Kasi pag performer ka, kailangan marami kang alam.

“Meron kang forte, pero importante marami kang alam.”

Sa puntong iyon ay hiniling ni Vice kay Dawn na isayaw ang dance steps na isinayaw ng GT na naging kontrobersiyal.

Continue reading below ↓

Ginawa naman ito ni Dawn.

Hirit ni Vice pagkatapos, “Ganoon lang kadali, bakit hindi pa nagawa ng GirlTrends yun?

“Ganyan… di puro awra.”

DAWN TAKES A SWIPE AT HER FORMER GROUP

Naging makahulugan din ang sinabi ni Dawn nang tuksuhin siya ng kanyang mga kasamahan sa online segment ng noontime show, ang Showtime Online.

Binanggit kay Dawn ang malaman niyang pahayag sa “Sampu-Sample” segment.

Ang sumunod na sagot ni Dawn ay tila sagot na rin niya sa biro ni Vice na sana ay nag-trending din siya kung hindi niya nilisan ang grupo.

Reaksiyon ni Dawn, “Dapat kasi nagri-rehearse, yung eye for detail, dapat ganoon...

“Ayokong mag-trending. I don’t wanna trend for the wrong reasons.”

Nakatanggap ng pambabatikos ang GT dahil sa kanilang hindi sabay-sabay na performance sa noontime show noong August 14, 2019.

"Magulo, watak-watak, at hindi sabay-sabay" ang ilan sa deskripsiyon ng netizens sa grupo na nag-trending pa.

Continue reading below ↓

Ang ibinigay na dahilan ng mga miyembro ay puyat sila at pagod noon kaya hindi maganda ang performance.

Hindi na kasali noon si Dawn sa dance number at hindi nagtagal ay nagsabing iiwan na niya ang grupo.

MICA JAVIER DEFENDS GT

Sa presscon ng Los Bastardos noong September 18, 2019, nagbigay ng pahayag ni Mica tungkol sa kontrobersiyal nilang production number.

Saad niya, “I wasn’t happy about that performance.

“Sa totoo lang, kulang talaga ang rehearsals namin and, for us, we only do our job, what’s given to us by production.

“Kailangan naming gawin iyon to the best of our ability.

“Pero kung kulang ang rehearsal, hindi maiiwasan minsan may magkakamali minsan.”

Kahit daw mga magagaling na dancers ay nagkakamali rin.

Pero ani Mica, natuto na ang kanilang grupo sa pagkakamaling iyon.

“Kaya sa susunod naming prod, lahat naman ng girls want to do their best, even me.

Continue reading below ↓

“Of course, we don’t wanna be embarrassed, pero nangyayari talaga sa lahat ng tao na nadadapa.

“Anong gagawin namin?

“Kailangan bumangon pa rin kami.

"Learning lesson iyon para sa amin lahat we really have to step up and do better," pahayag niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang (left), a former member of the all-female group GT: "Kasi ang pagsasayaw, hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puro awra, di ba?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results