Is Chie Filomeno's latest post alluding to Dawn Chang's comment about dancing?

by Bernie V. Franco
Oct 11, 2019
Is Chie Filomeno's (left) tweet still alluding to her rift with former fellow GT member Dawn Chang?
PHOTO/S: Noel Orsal

Mukhang nagkatotoo ang sinabi ni Vice Ganda na abangan kung may miyembro ng GT na magre-react sa social media sa naging pahayag ni Dawn Chang sa It’s Showtime noong October 9, Miyerkules.

Ang GT—dating kilalang GirlTrends—ay ang all-female group na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show.

Former member ng grupo si Dawn, na isang dancer.

Pero kumalas siya nito lamang August 2019, ilang araw matapos mag-viral ang dance number ng GT dahil sa hindi sabay-sabay na pagsasayaw.

Sa dance-contest segment ng It’s Showtime nitong Miyerkules, nagbigay ng komento ang huradong si Dawn sa isang grupo ng contestants.

Komento ni Dawn, kapag nagpe-perform sa stage ay kailangang ibigay lahat dahil moment ito para mag-shine.

Sumegunda si Vice na may halong pasaring uli sa GT.

Aniya, “Tama kasi ang sinabi ni Dawn Chang, ibibigay ninyo yung lahat, talagang all out, talagang dance nang dance.

“Makinig kayo kay Dawn Chang.”

Continue reading below ↓

Sundot ni Vice, “Ano kayang comment ng mga GirlTrend mamaya sa mga sinasabi niya?

“Abangan natin kung may sasagot sa Instagram.”

CHIE FILOMENO COMMENTS AGAIN ON SOCIAL MEDIA

Tila nagkatotoo ang sinabi ni Vice.

Kinagabihan, isang netizen ang nag-tweet ng video ng dance number ni Chie.

Ang video na ito ni Chie ay kuha sa isang event ng isang brand ng mobile phone.

Caption dito ng netizen: “May gustong patunayan si @ChieFilomeno sa production number na to. Go girl!”

Sinagot ito ni Chie kinabukasan, October 10, Huwebes.

Ni-retweet niya ang post ng netizen.

At sabi niya sa caption: “Hehehe just be better than you were yesterday [smile and heart emojis]

“We’re not born perfect. Having to work hard for something and the outcomes amazing it’s fulfilling [heart emoji] thank you po”

Continue reading below ↓

DID DAWN AND CHIE EXCHANGE TIRADES?

This week ay muling nabuhay ang pagtatapat kina Dawn at Chie.

Lunes, October 8, may mga pahayag si Dawn na tila may pasaring sa nag-trending na production number ng GT noong August.

Nakatanggap kasi noon ng matinding pambabatikos sa social media ang GT dahil sa hindi magandang production number.

Dahilan naman ng ilang members ng GT, hindi sila nakapag-ensayo nang maigi dahil kulang sa oras at pagod sila sa ibang mga trabaho.

Noong Lunes, makahulugan ang komento ni Dawn sa isang grupo ng contestants.

Aniya, “Kasi ang pagsasayaw, hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puro awra, di ba?”

Sumundot si Vice at sinabi niyang tila pinariringgan ni Dawn ang mga dating kagrupo.

Natawa lang si Dawn at walang ginawang pagtanggi sa sinabi ni Vice.

Pero sa online segment ng It’s Showtime noong araw ring iyon, may references si Dawn sa GT, kagaya ng ayaw niyang mag-trending “for the wrong reasons.”

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Dawn na gusto niyang ituro ang kanyang kaalaman sa pagsasayaw sa mga taong nais matuto.

Makalipas ang ilang oras, nag-post sa Instagram si Chie ng kanyang rehearsal ng pagsasayaw.

Sa caption ay may pagdepensa siyang huwag hayaang masiraan ng loob sa sinasabi ng ibang tao.

Ginaya rin niya sa caption ang ilang katagang binanggit ni Dawn sa It’s Showtime sa araw ring iyon.

Dati nang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Chie at Dawn.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong April 4, 2019, inamin ni Chie na nakaaway niya si Dawn at isa pang dating kagrupo na si Erin Ocampo.

Ani Chie, sinisiraan umano siya nina Dawn at Erin sa iba pa nilang kasamahan.

Sinabi naman ni Chie na sinubukan pa rin nilang maging propesyunal bilang magkakatrabaho pagkatapos ng kanilang away.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Chie Filomeno's (left) tweet still alluding to her rift with former fellow GT member Dawn Chang?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results