Is Mika dela Cruz cryptic post alluding to person filled with regrets about past love?

by Rachelle Siazon
Oct 14, 2019
Mika dela Cruz posts cryptic message that reads in part: "papakabitter ka nalang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya mababalik."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagbitiw ng makahulugang mensahe si Mika dela Cruz tungkol sa isang taong nanakit ng damdamin ng isa pang taong nagmahal lang nang totoo.

Sa Instagram Story ni Mika noong Biyernes, October 12, makikita ang written text na kung sino pa raw ang nasaktan ay siya pang sumubok na maayos ang gusot noon.

Bahagi ng cryptic post ng Kapuso actress (published as is):

"sasaktan mo yung tao..

"wala lang sayo pero di mo inisip yung mararamdaman niya kasi alam mong hindi siya aalis, hahabulin ka naman.

"hindi niya kaya.

"tas pag finally pagod na yung tao sayo at sa ways mo..

"tsaka mo ngayon marerealize yung weight ng mga bagay na nagawa mo at di mo nagawa.

"tapos magsisisi ka.

"tapos kapag nakita mong ok na siya.masaya na siya sa buhay niya.

"maaring may iba man o wala. may bago man o wala."

Wala raw ibang maaaring sisihin ang isang taong nambalewala ng totoong pagmamahal kundi sarili nito.

Continue reading below ↓

Dire-diretso pa ring saad sa post ni Mika:

"ayaw mong aminin yung totoo.

"papakabitter ka nalang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya mababalik.

"hindi mo na maibabalik yung tao. yung dati.

"kasi alam mo sa sarili mo kahit anong ibang rason pa ang halungkatin mo..

"sa pagkakataon nayun ikaw yung naging rason.

"ikaw yung nagkulang.

"ikaw yung nagbigay ng kalahati hindi buo."

Sabi pa sa post ni Mika, hindi na mababalik ang bagay na tapos na.

"masakit, alam ko.

"mahirap tanggapin.

"kasi di mo mabago ang totoo.

"anong lesson? balik tayo sa una.

"wag mo siyang saktan :)"

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung sinong personalidad ang tinutukoy ni Mika, 20.

Pero hindi kaila na masaya si Mika sa piling ng boyfriend niyang si Nash Aguas.

Sinorpresa pa ni Mika ang Kapamilya actor na nagdiwang ng 21st birthday nito noong October 10.

MIKA-NASH-ALEXA CONNECTION?

Si Nash ay kilalang dating ka-love team ni Alexa Ilacad, 19.

Noong October 8, nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbabalik-tanaw ni Alexa tungkol sa mutual understanding nila noon ni Nash.

"No hard feelings" daw ang pagkaudlot ng apat o limang taong pagkakamabutihan nila ng kapwa-Kapamilya star.

Alam daw ni Alexa na wala na sila ni Nash nang magsimulang manligaw ang binata kay Mika, hanggang sa naging magkarelasyon ang dalawa.

Sabi pa ni Alexa tungkol kay Nash, "Honestly, the whole time, I always knew in my heart na may space sa puso niya si Mika."

Hindi na raw nagulat si Alexa dahil nagkatrabaho silang tatlo sa ABS-CBN kiddie gag show na Goin' Bulilit, kunsaan off cam ay kilalang "kiddie lovebirds" sina Mika at Nash.

Continue reading below ↓

MIKA AND NASH'S FIRST YEAR AS A COUPLE

Sa October 20 nakatakdang ipagdiwang nina Mika at Nash ang first anniversary nila bilang magkasintahan.

October 26, 2018 nang aminin ni Nash sa PEP.ph na isang taon niyang niligawan ang Kapuso actress.

Aminadong napaiyak daw si Nash nang sagutin siya ni Mika sa pamamagitan ng isang 15-page love letter.

Bata pa lang daw kasi si Nash ay "crush na crush" na niya si Mika, pero iniwasan daw siya nito dahil mahigpit itong pinagbabawalang makipagrelasyon noon dahil mga bata pa sila.

Nitong October 10, 2019, naging bukas si Mika sa pagsasabing going strong ang relasyon nila ni Nash.

Hindi lang daw boyfriend ang turing niya sa binata kundi "bestest friend" na mas inilapit pa raw si Mika sa Diyos.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mika dela Cruz posts cryptic message that reads in part: "papakabitter ka nalang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya mababalik."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results