Chie Filomeno responds to basher: "Perfect ang lahat dito sa Pilipinas? Judge lahat, e."

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2019
Chie Filomeno reacts to a netizen who mocked her throwback dance rehearsal videos.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pa tapos si Chie Filomeno, 23, sa pagre-react sa mga taong kinukutya siya pagdating sa pagsasayaw.

Sunud-sunod ang tweet ng Kapamilya actress nitong weekend na tila depensa sa sarili laban sa mga namba-bash pa rin sa kanya.

Ang pinaka nakakaagaw-pansin ay ang sinagot na netizen ni Chie na natatawa sa mga ipinu-post niyang dance video rehearsals.

Una, ibinahagi ni Chie noong Sabado, October 12, ang tweet ng isang netizen na ipinagtanggol siya.

Mistulang reaksyon ito sa pasaring ni Dawn Chang na ang pagsasayaw ay hindi “puro awra.”

Kalakip ng tweet ay ang video compilation ng dance rehearsals ni Chie kung saan makikita siyang todo-bigay sa performance.

Malinaw sa caption ng netizen na sinasabing magaling ding sumayaw si Chie.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, may isang netizen na nag-tweet na natatawa raw siya sa mga isini-share na throwback dance videos ni Chie na tila idinidiin ang talento niya sa pagsasayaw.

Nasa salitang Bisaya ang palitan ng tweet ng netizen at ni Chie.

Mensahe ng netizen: "ang mga retweeted with comments kay lingaw kaayo (ang mga retweeted with comments sobrang enjoy talaga)"

Hindi ito nagustuhan ni Chie, na sumagot tungkol sa pagiging judgmental ng mga tao sa Pilipinas.

Sabi ng Kapamilya actress: "Lingaw jud kaayo. Kay perfect man tanan diri sa Pinas no? Judge tanan eh. (Enjoy talaga ano. Kasi perfect ang lahat dito sa Pilipinas? Judge lahat e.)"

Continue reading below ↓

CHIE’S OTHER TWEETS

Bukod sa sinagot na netizen ni Chie, may mga nauna pa siyang tweet noong Sabado.

Sa isa niyang tweet ay may pinatutukuyan siyang hater online na kilala raw niya ang pagkatao nito.

Ani Chie: “When you clearly know who that dummy/hater account is”

Sinundan niya ito ng throwback dance rehearsal video na maganda ang kanyang performance.

Continue reading below ↓

Maikling caption niya, “Hi”

May tweet din siyang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting ugali.

“Be strong but not rude. Be kind but not weak. Be humble but not timid. Be proud but not arrogant.”

Continue reading below ↓

GT DANCE PERFORMANCE

Si Chie at ang kanyang mga kagrupo sa GT ay naging tampulan ng pangungutya dahil sa pagte-trending ng hindi sabay-sabay na pagsasayaw nila sa isang episode ng It's Showtime noong August 2019.

Ang GT—na dating kilalang GirlTrends—ay ang all-female group na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show.

Nitong October, muling nabuhay ang isyu nang magpakawala ng mga patutsada ang dati nilang kagrupo na si Dawn tungkol sa pinag-usapang dance performance ng GT.

Kabilang sa mga pahayag ni Dawn ay ang pagsasayaw ay hindi lang daw puro awra at ayaw niyang mag-trending “for the wrong reasons.”

Kasunod nito, may makahulugang Instagram post si Chie kalakip ng kanyang dance rehearsal video. Sa caption ay inulit niya ang mga katagang ginamit ni Dawn nang magpasaring ito.

Noong October 9, Huwebes, may ipinost ding reaksiyon si Chie hinggil sa isyu.

Sinagot niya ang isang netizen na nag-post ng video ng production number ng aktres sa isang event at sinabi ng netizen na may gustong patunayan si Chie performance niya.

Continue reading below ↓

Sagot ni Chie: “Hehehe just be better than you were yesterday [smile and heart emojis]

“We’re not born perfect. Having to work hard for something and the outcomes amazing it’s fulfilling [heart emoji] thank you po”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chie Filomeno reacts to a netizen who mocked her throwback dance rehearsal videos.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results