Gretchen Barretto hits back at Marjorie Barretto's "fake news, powerful boyfriend" allegations

by Rachelle Siazon
Oct 18, 2019
Gretchen Barretto (left) says she's ready for Marjorie Barretto's tell-all about their longstanding feud. Gretchen adds, "YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL? I PLEAD NO, IM SCARED...."
PHOTO/S: @juansarte / @marjbarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi nagpatinag si Gretchen Barretto sa mga pinakawalang mainit na salita laban sa kanya ng nakababatang kapatid na si Marjorie Barretto.

Kaugnay ito ng pag-alma ni Marjorie sa diumano'y pinapakalat na kasinungalingan nina Gretchen at Claudine Barretto tungkol sa insidenteng naganap sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto noong Miyerkules ng gabi, October 16, at Huwebes ng gabi, October 17.

Sa Heritage Memorial Park Chapel sa Taguig City nakaburol ang labi ng Barretto patriarch na pumanaw noong October 15.

Bandang alas-dose ng tanghali naglabas ng pahayag si Marjorie, na sinagot naman ni Gretchen pasado alas-dos ng hapon nitong Biyernes, October 18.

Kalakip ng Instagram post ni Gretchen ang screenshot ng apela ni Marjorie sa publiko na huwag sana siyang husgahan kaugnay ng balitang tumanggi siyang makipag-ayos sa nakatatandang kapatid.

Kontra-pahayag ni Gretchen (published as is):

"Quoting Marjorie Baldivia este’Echiverrie [praying emoji] WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE TRUTH & NOTHING BUT THE TRUTH [praying emoji]

Continue reading below ↓

"ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME

"( heres a video that was forwarded to me by @marisol0125 MY TRUTH .

"This video IS NOT FAKE NEWS AS BEING CLAIMED by Marjorie Baldivia Echiverrie."

Ang "Baldivia" ay ang tunay na apelyido ng dating asawa na si Dennis Padilla.

Ang "Echiverrie" na tinutukoy ni Gretchen ay posibleng si Caloocan Representative Enrico "Recom" Echiverri, na napababalitang kinakasama ngayon ni Marjorie.

Ipinahiwatig din ni Gretchen na handa siya sa sinasabi ni Marjorie na plano nitong paglantad ng katotohanan sa likod ng hidwaan ng kanilang pamilya.

Ani Gretchen: "( FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK .

"YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL ? I PLEAD NO ,IM SCARED.... [praying emoji]"

Continue reading below ↓

video clip of alleged altercation

Kalakip ng Instagram post ni Gretchen ang dalawang video clips kunsaan maririnig ang isang engkuwentro noong gabing bumisita si Gretchen sa lamay ng ama.

Isa sa mga nakiramay noong gabing iyon ay si President Rodrigo Duterte, na sinasabing humimok na magkaayos sana ang magkapatid na Gretchen at Marjorie.

Sa first video clip, magulo ang kuha ng camera na nakatutok sa mga taong nakapalibot sa isang umpukan sa kung anumang masinsinang pag-uusap ng ibang naroon sa loob ng chapel.

Maya-maya pa ay may maririnig na kumalabog na upuan at isang tila boses-lalaki ang mariing nagsabing, "Huwag mo ako hawakan! Huwag mo ako hawakan!"

Tila sa puntong ito, mahihinuha na may tensiyon sa paligid.

Isa pang boses-lalaki ang nagsalita ng "Susuntukin mo ako? Susuntukin mo ako? Wala kang respeto? Ha?!"

Sa second video clip na ibinahagi ni Gretchen, bahagyang maririnig ang pag-uusap nila ni President Duterte.

Pero hindi malinaw ang audio kaya hindi maintindihan ang eksakto nilang mga salita.

Continue reading below ↓

Maliban sa isang bahagi kunsaan maririnig ang boses ni Gretchen na "Sa 'yo po ako magmamano, Sir."

GRETCHEN ON "POWERFUL BOYFRIEND" ALLEGATION

Isa pang hiwalay na isyu na sinagot ni Gretchen ay ang tungkol sa pagkakaroon niya diumano ng isang "powerful boyfriend."

Diumano, ang impluwensiya raw ng boyfriend ni Gretchen ay "powerful in a very bad way."

Ang alegasyon ni Marjorie, hindi raw ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco ang tinutukoy niya kundi ibang lalaki.

Giit naman ni Gretchen, hindi totoo ang pinalalabas na masama ang kanyang "powerful boyfriend."

Ang dapat daw katakutan ay ang sariling boyfriend ni Marjorie.

Buwelta ni Gretchen:

"AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY ,ICountless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES , AM I CORRECT?

Continue reading below ↓

"I WAS INFORMED THAT @claubarretto WILL FILE A MOLESTATION CASE AGAINST YOUR POWERFUL BOYFRIEND.

"( ONLY REQUEST OF @claubarretto IS FOR HIM TO NOT BE IN THE WAKE DUE TO TRAUMA [praying emoji"

Narito ang kopya ng Instagram post ni Gretchen:

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) says she's ready for Marjorie Barretto's tell-all about their longstanding feud. Gretchen adds, "YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL? I PLEAD NO, IM SCARED...."
PHOTO/S: @juansarte / @marjbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results