Claudine Barretto reveals scuffle at the wake with sister Marjorie, niece Julia

by Erwin Santiago
Oct 23, 2019
Claudine Barretto claims her niece Julia, daughter of Marjorie, also attacked her: “Alam mo ang masakit sa akin, alam ko na ang pakiramdam na yung anak ko, saktan ka nang ganun. Pinalaki mo…”
PHOTO/S: Mark Atienza / Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Pagkatapos magsalita ni Marjorie Barretto sa TV Patrol tungkol sa nangyaring gulo sa kanila ng kanyang ate na si Gretchen Barretto sa burol ng kanilang ama, nagpainterbyu naman ang bunso nilang kapatid na si Claudine Barretto sa DZMM kagabi rin, October 22.

Dito ay inusisa ng mga host ng programa na sina Jobert Sucaldito at Ambet Nabus si Claudine tungkol sa kumprontasyon diumano nila ni Marjorie sa burol ng kanilang ama noong October 17, Huwebes, isang gabi pagkatapos ng girian nina Gretchen at Marjorie noong October 16, Miyerkules.

Sa panayam ni Marjorie sa TV Patrol ay hindi natalakay ang isyung ito, ngunit base sa mga lumabas na report noon ay nagkasakitan din sina Claudine at Marjorie.

Dawit din daw sa kanilang engkuwentro ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Sa panayam ni Claudine sa DZMM kagabi, kinumpirma nitong nagkasakitan sila ni Marjorie.

Sinaktan at minura rin siya diumano ng pamangkin na si Julia.

Continue reading below ↓

Nagsimula raw ito nang dumating sa burol noong October 17 ang PEP.ph senior writer na si Arniel Serato, kasama pa ang isa pang senior writer ng website na ito.

Lahad ni Claudine, “Akala nila pinadala ko o pinadala ni Gretchen.

“Kaya sorry nang sorry si Arniel sa akin kasi ipinagpipilitan ni Marjorie na ipinadala.”

(Bilang paglilinaw, nagpunta si Arniel sa burol upang makiramay bilang kaibigan ni Claudine at hindi upang mag-interview.)

Patuloy ng aktres, “’Tapos hindi ko alam, nagpa-interview na pala si Gretchen.

“So, Marjorie went to my mom screaming na parang, ‘You tell Gretchen, ganyan-ganyan.’

“So, sabi ng mommy ko… ‘Why don’t you tell her yourself.’

“And then, all of a sudden… ‘tapos nag-start yun, una pala, si JJ, yung brother ko, pinagmumura niya, ‘tapos si Mommy…

“’Tapos kasama ko si Tina Yan, kapatid ni Rico, nakaupo lang kami dun, ‘tapos sabi niya [Marjorie], ‘I’m not the one who goes to a psychiatrist. I’m not the one who’s crazy.’

Continue reading below ↓

“Naggaganun, she’s taunting me.

“So, ako, tawa lang ako nang tawa.

“Ano yun, tinu-taunt mo lahat ng tao na may mental illness dahil lumabas ako na meron akong anxiety disorder? Di ba, tinu-taunt mo ako?

“So, akala niya mapipikon niya ako.

“’Tapos sabi niya, ‘You, ikaw, it’s your fault. You tell Gretchen… ‘

“Hndi ko na mataandaan kung ano yung exact words niya. ‘Sabihin mo sa ate mo…’

“’Tapos sabi ko, ‘Why don’t you tell her yourself?’

“Yun na ang sinabi ko. So, napipikon na siya…

“’Tapos, ayun na.... nakaupo ako nun, e. Sabi niya, ‘Ano, what, lalaban ka? Lalaban ka?’

“So, tumayo ako. Sabi ko, ‘Oo, lalaban ako.’"

Pagkatapos nito ay para raw siyang dinuro sa ulo ni Marjorie.

Continue reading below ↓

“Ayun na, sinampal ko siya. Sinampal ko siya talaga. Nagsabunutan kami.

“Kasi, di ba, huwag mo akong gaganyan-ganyanin. Instant reaction ko yun, e.

“Hindi sa gusto kong mambastos sa nakatatanda sa akin, pero huwag mo akong gaganyanin, lalo na’t nandoon yung mga anak ko.

“Ayokong makita ng mga anak ko na okay lang na mambastos kahit na bastusin ka at saktan ka nang ganyan.

“So, yun ang nangyari.”

JULIA BARRETTO JOINS THE CATFIGHT

Kasunod nito ay binanggit ni Claudine ang pangalan ng pamangkin na si Julia.

Naiiyak na sabi ni Claudine, “Alam mo ang masakit sa akin, alam ko na ang pakiramdam na yung anak ko, saktan ka nang ganun. Pinalaki mo…”

Tinanong ni Jobert si Claudine kung totoong minura siya ni Julia.

Naiiyak pa ring sagot ni Claudine, “Oo…”

Marami raw nakakita ng pangyayari at may video raw na ilalabas ni Gretchen na magpapatunay nito.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Claudine, “Magsinungaling sila hangga’t gusto nila. Alam mo yun?

“Pero yun ang katotohanan.”

Bukod sa pagmumura sa kanya, kasama rin daw si Julia sa nanakit kay Claudine.

“Kaya I don’t understand she’s saying, ‘It’s not my battle, it’s not my battle.’

“It’s your battle. You were the one who laid your hands on the person who you call ‘Mama.’”

Sa naunang panayam kay Julia ay itinanggi niyang nakisali siya sa away na nangyari sa kanyang ina at Tita Claudine.

Pahayag ni Julia: "Yung mga magkakapatid lang po makakasagot niyan. I cannot speak for them.

"Hindi ko po laban, e. I don't have the right to speak for any of them."

Sabi pa ni Claudine tungkol sa pangyayari, “It’s painful.”

Alam daw niyang mali ang nangyaring gulo sa mismong burol ng kanilang ama.

Continue reading below ↓

Dagdag ng aktres, “Alam mo, ayoko na, ayoko na sanang ilabas ito, tahimik na ako, especially for Julia.

“Because, whatever people say, my heart breaks pag nasasaktan siya.

“Kaya lang, nasaktan din ako, e.

“Para akong nanay na nagtatampo, nagagalit.”

Ayaw raw sanang magsalita ni Claudine, ngunit napilitan daw siya dahil nagsalita si Marjorie.

Dahil daw sa mga natamo niyang galos sa nangyaring sakitan nila nina Marjorie at Julia kaya isinugod si Claudine sa ospital.

Inabangan daw siya sa ospital nina Gretchen, Tonyboy Cojuangco, at Atong Ang.

Sinabi rin ni Claudine na nahimatay rin si Mommy Inday dahil sa kaguluhang nangyari sa burol.

“She had a nervous breakdown, my mom. She was screaming and screaming.

“Sabi niya, ‘Tigilan niyo na yung anak ko, mag-isa lang siya sa buhay!’ Masakit yun, e.”

Pero kahit hinimatay si Mommy Inday, hindi raw ito ang isinugod sa ospital kundi si Claudine lang.

Continue reading below ↓

THE FIRST NIGHT

Ibinahagi rin ni Claudine ang mga nangyari sa unang gabi ng lamay para sa kanilang ama, noong October 16, kung saan naman nagpang-abot sina Gretchen at Marjorie sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lahad niya, “Okay na si Mommy at si Gretchen na nag-usap, nagyakapan, lahat

“Ang sumunod, sabi ni President Duterte [kay Gretchen], ‘Sino pa ba dito ang hindi mo kasundo? Yung naka-brown?’ Itinuro niya si Marjorie.

“‘Tapos sabi ni Gretchen ‘Opo.

“Tapos sabi niya [Duterte], ‘Halika na, ayusin ko na kayo.’”

May sinabi raw si Pangulo na ang pagkaintindi nila ay “magmano,” pero ang ibig sabihin pala ay “mag-shakehands.”

Kuwento ni Claudine, "So sabi ni Marjorie, parang, ‘Ako? Ako? Sir, magmamano kanino, sa ‘yo or sa kanya? Sa inyo po, magmamano ako, pero hindi sa kanya, hindi po ako magmamano.’

Continue reading below ↓

“‘Tapos nung nag-i-start na yun, sabi ko, ‘Marj, stop it.

“‘Tapos sabi niya, ‘Hindi niyo ho alam kung ano ang ginawa niyan sa akin at sa mga anak ko. Sinira niya buhay ng mga anak ko.’

“So, ako naman, kahit naman sigurong tao na nandun would stop her, right? Kasi, that’s disrespecting the President.

“So, sinabi ko, ‘Stop it, Marjorie.’

“‘Why Claudine if I don’t stop?’ sabi niyang ganyan.

“Sabi ko, Unbelievable. You’re unbelievable!"

“‘Tapos siya niya, ‘A, talaga, unbelievable, nagbabait-baitan lang kayo, ganyan-ganyan.’ Nagwawala na siya.

“‘Tapos sabi ko sa kanya, ‘How dare you do this in front of the President! Nakakahiya, nagpunta dito yung tao, nakiramay.’”

Hanggang sa nakisali na rin daw sa gulo ang pamangkin nilang si Nicole Barretto, anak ng kapatid nilang si Jay-Jay Barretto.

Continue reading below ↓

“Ayun, yun yung start ng gulo, hanggang sa bigla na lang si Nicole, sumugod.

“Nung sumugod siya, hinablot si Gretchen hanggang sa nagkaroon na ng malaking gulo.

“Nung medyo patahimik na, nakahinga na yung mga tao, biglang sumugod na si Gretchen. Dun naman niya hinila yung buhok ni Nicole.”

Kinontra ni Claudine ang pahayag nina Nicole at Marjorie na itinabi lang daw ni Nicole si Gretchen para hindi nito saktan si Marjorie.

Ayon kay Claudine, makikita ito sa video na ilalabas ni Gretchen.

Pagtatanggol pa ni Claudine, “In fairness kay Gretchen, makikita mo, nagpakumbaba siya, hindi siya lumaban.

“Sa huli na nga lang siya lumaban, e. Parang ang tagal bago nag-sink in sa kanya, e.

“Sa huli na, sa huli na siya lumaban, yung ate ko. Pero para siya ang manguna, hindi.

“At saka ang point ko, of all people na… sa dami ng mga pamangkin kong lalaki at babae, at malalaki, sa dami namin doon, bakit naman…

Continue reading below ↓

“Andun si Recom, ah, andun si Echiverri, katabi pa ni Senator Bong Go.”

Ang tinutukoy ni Claudine ay si dating mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri, na ama ng bunsong anak ni Marjorie.

IS THERE A CHANCE FOR RECONCILAITION?

Tinanong din si Claudine kung may pag-asa bang magkaayos silang magkakapatid?

Tugon niya, “You know, in fairness, ha, in all fairness kay Gretchen… nagpakumbaba siya.

“Tama yun, sinabi ni Marjorie araw-araw nandun ako sa ICU, ako yung nakabantay sa daddy ko, hanggang sa huling hininga niya.

“Gretchen was thinking of going, pero she didn’t have the strength, courage to face my dad yet.

“And pinagsisihan niya yun.

“Makikita mo naman, e, nagpakumbaba siya kay Mommy, lahat.

“It’s so sad na kailangang may mawala para lang may makabalik.”

Hindi pa raw nakakausap ni Claudine ang iba pa niyang mga kapatid kaugnay ng kaguluhang ito sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

“It’s so sad na hati kami, divided kami.

“It’s so sad na napahiya na naman kami, I mean, sa harapan ng Presidente.

“Hindi na bale yun. Pero yung second night, ganun na naman yung away, worst.

“Parang, wala na, talagang wala nang pag-asa.

“Maganda na lang yung pagkatapos nito, tama na.”

Nanindigan din si Claudine na hindi siya gagawa ng hakbang para magkaayos sila ni Marjorie at iba pang kaalitang kamag-anak.

“Hindi, hindi… ayoko na,” sambit niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto claims her niece Julia, daughter of Marjorie, also attacked her: “Alam mo ang masakit sa akin, alam ko na ang pakiramdam na yung anak ko, saktan ka nang ganun. Pinalaki mo…”
PHOTO/S: Mark Atienza / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results