Julia Barretto refutes alleged physical confrontation with aunt Claudine 

by Rachelle Siazon
Oct 21, 2019
"It's not my battle," says Julia Barretto when asked about controversial word war between her mom Marjorie and aunts Gretchen and Claudine.
PHOTO/S: @juliabarretto / @marjbarretto / @gretchenbarretto / @claubarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

"Wala pong katotohanan."

Ito ang mariing pahayag ni Julia Barretto sa alegasyong pisikal na nasaktan niya diumano ang tiyahin na si Claudine Barretto.

Kaugnay ito ng napabalitang kumprontasyon sangkot diumano ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto sa burol ng yumao nilang amang si Miguel "Mike" Barretto noong gabi ng October 17.

Isang nakasaksi sa insidente na si Ruby Baguhin ang nagsabing kasali diumano si Julia nang magkasakitan ang ina nitong si Marjorie at tiyang si Claudine.

Si Ruby ay kinilalang kasama ni Claudine sa burol at siyang nagdala sa aktres sa ospital noong gabing iyon.

Nang tanungin hinggil isyu, giit ni Julia:

"Yung mga magkakapatid lang po makakasagot niyan. I cannot speak for them.

"Hindi ko po laban, e.

"I don't have the right to speak for any of them."

Nakapanayam si Julia ng ABS-CBN entertainment news reporter na si Mario Dumaual ngayong Lunes, October 21.

Continue reading below ↓

APPEAL FOR PRIVACY

Hindi na rin sinagot ni Julia ang naunang insidente kunsaan nauwi sa hindi magandang engkuwentro ang pagkrus ng landas ni Marjorie at ng nakatatanda nitong kapatid na si Gretchen Barretto noong gabi ng October 16.

Base sa hiwalay na ulat ng PEP Troika, nasa burol si Julia nang bumisita ang tiyahin niyang si Gretchen.

Sinasabing napasigaw umano si Julia noong mga sandaling nagkainitan ang mga kaanak nito, pero hindi raw malinaw kung anong nasabi ng Kapamilya actress noon.

Sa huli, sinabi ni Julia na aminado siyang marami ang nag-aalala sa sitwasyon ng kanilang pamilya lalo na't ipinagdadalamhati pa nila ang pagpanaw ng kanyang lolo.

Pero apela niya sa publiko, "I think it's also nice if everybody would give the family the privacy and the respect to resolve their issues."

WORD WAR WITH AUNT GRETCHEN

Nasangkot si Julia sa kontrobersiyal na alitan ng magkakapatid na Barretto nang ihayag niya ang suporta para sa inang si Marjorie noong October 18.

Continue reading below ↓

Tahasang sinabi noon ni Marjorie na pawang kasinungalinan umano ang ipinapakalat na impormasyon ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine tungkol sa mga naganap sa burol ng kanilang ama.

Pahiwatig ni Marjorie, inaalala niya ang kaligtasan ng kanyang mga anak sa oras na isapubliko niya ang tunay na dahilan ng sigalot nila ni Gretchen.

Sa comments' section, sinabi ni Julia:

"They are trying to destroy you, because you live a good life with 5 strong successful well raised children, a family that loves you so much, a peaceful quiet life...

"Don't worry. Everyone is behind you...

"The evil will never prevail."

Nang makarating ito kay Gretchen, nagpatutsada ang socialite-actress na katawa-tawa umano ang pagsuporta ni Julia sa sinasabing katotohanan ng ina nitong si Marjorie.

Ani Gretchen, matuto raw munang rumespeto si Julia sa ama nitong si Dennis Padilla bago ito magsalita tungkol sa pagiging mabuting anak.

"Love your father Not only when you need him for publicity."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's not my battle," says Julia Barretto when asked about controversial word war between her mom Marjorie and aunts Gretchen and Claudine.
PHOTO/S: @juliabarretto / @marjbarretto / @gretchenbarretto / @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results