UPDATED: Samantha Lo fails to make it to Top 20 of Miss Grand International 2019; Venezuela wins crown

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2019
Samantha Lo (left) of the Philippines is not among the Top 20 candidates of Miss Grand International 2019, held in Caracas, Venezuela; Lourdes Valentina Figuera (right) from the host country was crowned Miss Grand International 2019.
PHOTO/S: Miss Grand International

Bigo si Samantha Ashley Lo ng Pilipinas na makapasok sa Top 20 candidates ng Miss Grand International 2019 na ginaganap sa Caracas, Venezuela, ngayong Biyernes ng gabi, October 25 (Sabado ng umaga, October 26, sa PIlipinas).

Ang mga nakapasok sa Top 20 ay ang mga kandidata mula sa Australia, Panama, South Africa, Guatemala, Spain, Czech Republic, Costa Rica, Japan, Paraguay, Colombia, Chile, Dominican Republic, Puerto Rico, Venezuela, Ecuador, Brazil, Mexico, Peru, Ireland, at ang kontrobersiyal na si Coco Arayha Suparurk ng Thailand.

Ang pagkatalo ni Samantha sa international beauty pageant na sinalihan ang pangalawang dagok na kanyang naranasan matapos ma-detain sa Charles de Gaulle airport sa Paris at i-deport ng French immigration authorities dahil fake Philippine passport ang dala niya.

Nasira rin ang magandang relasyon ni Samantha sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) dahil sa kanyang mabigat na paratang na hindi siya tinulungan ng organizer ng Binibining Pilipinas nang magkaroon siya ng problema sa biyahe niya patungo sa Venezuela.

Continue reading below ↓

Itinanggi ng BPCI ang akusasyon ni Samantha sa pamamagitan ng isang official statement.

Ipinaliwanag ng BBPCI na humingi sila ng tulong sa Department of Foreign Affairs para maayos ang problema ni Samantha.

Napilitan din ang BPCI na ipagtapat na inamin ng mga magulang ni Samantha na isang "fixer" ang tumulong sa beauty queen para magkaroon ito ng Philippine passport.

Matapos makipag-usap ang BPCI officials kay Samantha at sa pamilya nito, hindi na umano nila ma-contact ang beauty queen at ang mga magulang nito.

Nalaman na lang nilang natuloy ang pagsali ni Samantha sa Miss Grand International 2019 dahil sa Instagram post ng dalaga.

Nagsalita si Samantha ng "I’m going to bring that crown home” dahil sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan, kaya ibinigay niya ang lahat sa preliminary competition ng contest.

Pero hindi ito sapat para makabilang siya sa Top 20 candidates.

UPDATE: Ang kandidata ng Venezuela na si Lourdes Valentina Figuera ang kinoronahang Miss Grand International 2019.

Continue reading below ↓

First runner-up si Maria Maro ng Mexico; second runner-up si Coco Arayha Suparurk ng Thailand; third runner-up si Carmen Drayton ng Panama; at fourth runner-up si Marjorie Marcell ng Brazil.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Samantha Lo (left) of the Philippines is not among the Top 20 candidates of Miss Grand International 2019, held in Caracas, Venezuela; Lourdes Valentina Figuera (right) from the host country was crowned Miss Grand International 2019.
PHOTO/S: Miss Grand International
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results