Trina Candaza gives boyfriend Carlo Aquino a sweet kiss

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2019
On Saturday night, October 26, Trina Candaza finally posts photos with boyfriend Carlo Aquino on Instagram.
PHOTO/S: @trinacandaza Instagram

Hindi na nagpigil si Trina Candaza sa paghayag ng kanyang saloobin para sa boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Si Trina ang non-showbiz girl na naugnay kay Carlo mula pa noong January 2019.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Trina sa kanyang Instagram ang ilang sweet photos nila ni Carlo.

Sa isang litrato, makikitang masuyong humalik si Trina sa kanang pisngi ng Kapamilya actor.

Ang simpleng caption ng dalaga ay isang hand sign emoji na sa American sign language ay nangangahulugang "I love you."

Katabi ng emoji ay ang handle ni Carlo na @jose_liwanag.

Continue reading below ↓

Idinaan naman ni Carlo sa biro ang kanyang reply kay Trina.

"Sobra akong happy for you guys, komento ng binata kalakip ang tatlong laughing with tears emoji.

Sagot ni Trina, "sino ka?"

HAPPY TOGETHER

Noong July 30, nagpahiwatig si Carlo na maganda ang takbo ng pagkakamabutihan nila ni Trina.

Hindi man niya tahasang sinabi na girlfriend niya na ito, siniguro ni Carlo na masaya siya sa piling ni Trina.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Carlo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters, "'Tsaka para kasing kahit ano naman gawin mo—kahit nga wala kang gawin—may hate, may bash.

"So, bakit mo iisipin yung ibang tao kung masaya ka?"

Nasundan ito ng pag-post ni Carlo ng sweet photo nila ni Trina sa mismong 34th birthday ng aktor noong September 3.

Sa October 8 episode ng ABS-CBN talk show na Tonight With Boy Abunda, umamin si Carlo na girlfriend niya si Trina.

PAST ISSUE

Ilang buwan ding naging tampok ng espekulasyon ang ugnayan nila.

Una silang nakitang magkasamang nagbakasyon sa La Union noong January 2019.

Naungkat din ng netizens ang isang litrato nina Carlo at Trina na kumakain sa isang restaurant noong October 2018.

Ipinagtaka ito ng iba dahil noong panahong iyon ay nauugnay si Carlo sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nila matapos almahan ni Angelica ang umano'y pagpapaasa ni Carlo.

Continue reading below ↓

Kinalaunan ay inamin ni Carlo na nagkamali siya at humingi ng tawad kay Angelica.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Saturday night, October 26, Trina Candaza finally posts photos with boyfriend Carlo Aquino on Instagram.
PHOTO/S: @trinacandaza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results