Carlo Aquino admits fault in falling-out with Angelica Panganiban

by Rachelle Siazon
Jul 30, 2019
Carlo Aquino on Angelica Panganiban shutting down request for CarGel reunion: “Siguro yung emotions niya, valid yun. Kung yun ang nararamdaman niya, ibigay natin sa kanya."
PHOTO/S: Noel Orsal

“Hindi naman ako magso-sorry kung alam kong hindi ako nagkamali.”

Diretsahang inamin ni Carlo Aquino na mayroon siyang nagawang pagkakamali sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Pero kung anuman daw ang pinag-ugatan ng away nila ay ayaw nang idetalye pa ng aktor.

Noong Marso, kinumpirma ni Angelica na nang magkausap sila ni Carlo ay sinabi ng binata na “umasa daw ako” na magkabalikan sila.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ukol dito, balik-tanong ng aktor, “Sorry, ganun? Hindi ko alam, e.”

Pinaasa nga ba niya si Angelica?

Napatakip ng mukha si Carlo at sinabing, “Hindi ko na alam… Anong masasabi ko run?”

Pakiramdam daw ng Kapamilya actor ay hindi na kailangang depensahan ang sarili sa alegasyong pinaasa niya umano si Angelica.

“No na siguro... Humingi na ako ng tawad, e.”

Continue reading below ↓

CARLO ON ANGELICA’S “AYOKONG MAGING BOBO” TWEET

Nitong Martes ng tanghali, July 30, nakapanayam ng entertainment reporters si Carlo sa media launch para sa kanyang first solo concert na Liwanag in Concert.

Naungkat ang isyu tungkol sa kanila ni Angelica nang hingan ng reaksiyon si Carlo tungkol sa tahasang pagtutol ng aktres na makasama siya ulit.

Noong Linggo, July 28, nag-tweet ang isang fan ng tambalang Carlo at Angel (CarGel) na sana ay mabuo ulit ang magandang samahan ng dalawa.

Ayon kay Carlo, isang kasamahan sa trabaho ang nagparating sa kanya na sumagot si Angelica sa Twitter na hindi ito “bobo” para makipag-reunion sa binata.

“Para lang sa akin, kung may apoy, di mo na bubuhusan ng Gasul yun para lumaki pa,” sagot ni Carlo hinggil sa tweet ni Angelica.

“Huwag na natin siguro pahabain.

“Siguro yung emotions niya, valid yun. Kung yun ang nararamdaman niya, ibigay natin sa kanya.

'“Tsaka antagal na rin—six, seven months? Antagal na rin.”

Continue reading below ↓

Hindi kaila sa CarGel fans na noong January 2019 pumutok sa social media ang insidenteng namataan si Carlo na nagbabakasyon sa La Union kasama ang isang non-showbiz girl.

Ikinagulat iyon ng fans dahil magkasama pang nagdiwang ng Pasko sina Carlo at Angelica noong December 2018.

Dahilan ito para maghinala ang netizens na may namamagitan sa dalawa, lalo pa’t ilang buwan na noong napapansin ang pagiging malapit nina Carlo at Angelica on and off cam.

Pero lumalabas na may ibang babae na palang napupusuan si Carlo.

January 2019 din nang maiulat ang pagdistansiya ni Angelica kay Carlo, hanggang sa tuluyang nawalan ng komunikasyon ang dalawa.

CARLO ON SAYING SORRY TO ANGELICA

Gumawa ba siya ng effort para magkaayos sila ni Angelica?

Sagot ni Carlo, “Sincerely, nag-sorry ako sa kanya.

“And ayoko... hindi ko kailangan mag-sorry in public dahil napaplastikan ako pagka ganun.

“Personal, mas maganda yun.

“Ilang beses naman kaming nag-usap. So, I think, OK na yun for me.”

Continue reading below ↓

Anong nasabi sa kanya ni Angelica noon?

Sagot ni Carlo, “Ayoko na rin iano kung ano yung nangyari nung time na yun.

“'Tsaka hindi lang naman ako isang beses... hindi lang naman kami isang beses nag-usap.”

ON HANDLING BASHERS

Aminado si Carlo na dahil sa alitan nila ni Angelica ay nabuwag ang tambalan nilang CarGel, na napanood sa pelikulang Exes Baggage at Kapamilya daytime series na Playhouse.

Kasabay nito ay pinutakti si Carlo ng bashers na sinisisi siya sa nangyaring alitan nila ni Angelica.

Umabot sa puntong in-off daw ng aktor ang comments’ section ng kanyang Instagram para iwasan ang negativity na dala ng mga ipinupukol sa kanya.

“Kasi nung time na di mo na kaya, di ba? Pati yung attack sa mga malalapit sa ‘yo.

“OK lang yung kung sa akin, e.

“Pero kung sa mga taong wala naman kinalaman sa desisyon na ginawa ko sa buhay ko, bakit, di ba? Bakit mo gaganunin?

Continue reading below ↓

“So, in-off ko. In-on ko rin, eventually.

“Hindi pala sila titigil talaga kahit gaano na katagal.”

Hanggang ngayon ay hindi raw maiwasang makabasa si Carlo ng mga pambabatikos sa kanya, lalo na kapag pina-flood siya ng comments.

Mahirap man daw i-handle, tinanggap na lang ni Carlo na may mga taong “maligaya” sa “paglaganap ng galit.”

Dagdag niya: “Kasi, pag inisip ko, di ka tatayo... Lahat naman tayo nagkakamali, e.

“Sino ba naman yung taong perpekto? Sila din naman nagkakamali.

“Kami lang magnified, under scrutiny kami lagi ng mga tao.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on Angelica Panganiban shutting down request for CarGel reunion: “Siguro yung emotions niya, valid yun. Kung yun ang nararamdaman niya, ibigay natin sa kanya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results