Annabelle Rama warns Gretchen against dragging Ruffa Gutierrez into Barretto family feud

by Arniel C. Serato
Oct 28, 2019
Annabelle Rama on defending daughter Ruffa Gutierrez against Gretchen Barretto: "Hindi ko alam bakit. ’Fresh’ lang ang sabi ni Ruffa, magagalit na siya? Kaibigan ko naman siya, e. Mahal ko 'yan, e. Pero hindi ko alam bakit nagalit siya.”
PHOTO/S: Courtesy: @annabelleramaig on Instagram / Allan Diones / @stylelistinc on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Matapos depensahan ang anak na si Ruffa Gutierrez, winarningan naman ni Annabelle Rama si Gretchen Barretto na kung hindi ito titigil sa pagdadawit sa anak sa away ng pamilya Barretto, handa rin siyang makipaggiyera rito.

“It’s not worth it. Pero pag lumalaban siya, continue pa rin ako.

“Hindi naman ako magpapa-under maski kanino, ano?” pahayag ni Annabelle sa panayam sa kanya ng entertainment columnist na si Allan Diones sa 67th birthday celebration ng Gutierrez matriarch noong Sabado, October 26.

Pahabol pa niya, “Ayoko nang magsalita pa, kasi tumahimik naman siya, e. Kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko.

“Lahat ng hindi ko kabati, pasensiya na kayo, ‘Day, ‘no.

“Dapat kayo tumahimik na rin, mga naiinggit sa akin.

"Wala kayong magagawa, tuluy-tuloy ang suwerte ko.”

Sa tingin ba niya ay tumahimik na si Gretchen matapos niya itong buweltahan?

“I don’t know, ako, excited na ako lalaban.

“Kaya lang tumahimik na, wala akong magawa!” sabi ni Annabelle sabay pakawala ng malutong na halakhak.

Continue reading below ↓

DEFENDING DAUGHTER RUFFA

Nauna nang pinatutsadahan ni Annabelle si Gretchen sa kanyang Instagram noong Huwebes, October 23, matapos birahin ng huli si Ruffa na “sawsawera” raw sa away nilang pamilya.

Ito ay matapos magkomento ni Ruffa ng "freshhhhhh" sa selfie post ni Julia Barretto, anak ni Marjorie Barretto at pamangkin ni Gretchen.

Bahagi ng deleted post na ni Annabelle: “Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa’yo ang comment?!

“Dapat kang magalit sa mga nagpost ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane.

“Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa’yo.

"Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react!”

Ang tinutukoy ni Annabelle na boyfriend diumano ni Gretchen ay ang negosyanteng si Atong Ang.

Ayon kay Annabelle, walang masama sa komento ni Ruffa.

“Of course, pinagtanggol ko lang anak ko kasi wala naman siyang masamang comment against anybody.

“Sabi lang niya fresh, di ba?”

Continue reading below ↓

Ngunit matapos niyang pasaringan si Gretchen, nanahimik na ito.

Puro pagkain at pamamasyal nito sa San Francisco, California ang ipinu-post ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories.

Pero kung nagpatuloy raw si Gretchen sa kanyang parunggit, hindi raw ito uurungan ni Annabelle.

“Wala na, e, tumahimik na, wala akong kaaway na.”

Labis lang daw ipinagtataka ni Annabelle kung bakit biglang idinawit ni Gretchen si Ruffa sa away ng kanilang pamilya.

Kaibigan din daw ang turing niya kay Gretchen.

“Wala nga. Hindi ko alam bakit.

“’Fresh’ lang ang sabi ni Ruffa, magagalit na siya?

“Kaibigan ko naman siya, e. Mahal ko 'yan, e.

“Pero hindi ko alam bakit nagalit siya?”

Nauna na ring nilinaw ni Ruffa na hindi siya nakikisawsaw sa away ng pamilya ni Gretchen.

Ilang araw na ring walang pasaring si Gretchen, pati na si Claudine, sa kapatid nilang si Marjorie at anak nitong si Julia.

Marami ang umaasang gawing pribado na ng pamilya Barretto ang kanilang iringan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama on defending daughter Ruffa Gutierrez against Gretchen Barretto: "Hindi ko alam bakit. ’Fresh’ lang ang sabi ni Ruffa, magagalit na siya? Kaibigan ko naman siya, e. Mahal ko 'yan, e. Pero hindi ko alam bakit nagalit siya.”
PHOTO/S: Courtesy: @annabelleramaig on Instagram / Allan Diones / @stylelistinc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results