Ai-Ai delas Alas opens up about being a former mistress

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2019
Ai-Ai delas Alas on being a former mistress: "Hangga’t maaari, kung puwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi sabi nga nila, sa bawat pagpatak ng luha ng legal na asawa, yun ang pagbabayaran mo. So ako, ang tingin ko, marami akong pinagbayaran."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naging hot topic noong nakaraang linggo ang pagiging other woman o kabit dahil sa pag-amin ni Marjorie Barretto na may anak sila ni former Caloocan City Mayor Recom Echiverri at naging mistress siya.

Minsan nang naranasan ni Ai-Ai delas Alas na maging other woman nang makipagrelasyon siya kay Miguel Vera.

Pero ang kaibahan lang, hindi niya alam noon na may ibang asawa ang mahusay na singer.

Ang kanyang karanasan bilang other woman ang itinanong kay Ai-Ai nang humarap siya sa entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Tribu Babaylan, Quezon City, pagkatapos ng contract signing niya sa GMA Network kahapon, October 29.

Saad ng Comedy Queen, "Naranasan ko rin na maging escabeche, mahirap. Crayola ka nang crayola.

"Siyempre kung ano lang ang time para sa 'yo….

"Doon lang naman ako nakaranas na maging Cavite City.

"Pero, kumbaga, yung pagiging Cavite City ko, hindi ko pa masyadong alam.

Continue reading below ↓

"Alam ko na nung huli, pero go pa rin ako, so mali pa rin ako."

Inamin ni Ai-Ai na hindi madali ang pamumuhay niya noon.

Lahad niya, "Parang ang bigat-bigat ng buhay mo, 'tapos parati ka pang malungkot, hindi ka masaya.

"Seven years akong Cavite City, dalawa yung naging anak ko sa kanya."

Ang mga naging anak ni Ai-Ai kay Miguel ay sina Sofia at Nicolo.

Mensahe pa niya, "Try niyo na lang na huwag maging ganoon.

"Hangga’t maaari, kung puwedeng iwasan, iwasan na lang.

"Kasi sabi nga nila, sa bawat pagpatak ng luha ng legal na asawa, yun ang pagbabayaran mo.

"So ako, ang tingin ko, marami akong pinagbayaran."

Nang ipaalaala ng PEP.ph kay Ai-Ai na baka ma-offend ang mga kababayan natin sa Cavite dahil ito ang ginamit niya na pantukoy sa mga kabit, humingi agad siya ng paumanhin.

Paliwanag niya, “E, kasi, kaya lang naman sinasabi yung Cavite City, para medyo... pangsalitang bakla lang naman po.

Continue reading below ↓

"Pero sige, huwag na lang po yun.

"Iko-correct ko lang po, hindi po yun tungkol sa mga taga-Cavite.

"Nagkataon lang na yung gay lingo na Cavite City or escabeche para sa mga kabit.”

NO PEACE OF MIND

Ang kawalan ng kapayapaan ang sinabi ni Ai-Ai na dahilan kaya nagpasya siyang tapusin ang relasyon nila ni Miguel.

Pero ngayon, magkaibigan sila ng unang asawa ng ama ng kanyang dalawang anak.

"Kasi wala ka rin naman peace, e.

"Hindi rin naman siya sa 'yo umuuwi, dun pa rin siya umuuwi, e.

"Hindi ko naman kaya yung ganoon, so huwag na lang.

"Okey na lang yung maging magkaibigan kami na tahimik, yung hindi ako nakokonsensiya."

Bakit sa palagay ni Ai-Ai may mga kabit pa rin?

Saad niya, "Alam mo kasi, sa totoo lang, mga tao lang kami.

"Mahirap kapag nandoon ka na sa sitwasyon na yun, lalo na kapag minahal mo na yung tao.

Continue reading below ↓

"Mahirap kumawala sa tao na mahal mo kahit gusto mo, ang hirap-hirap.

"Di ba, marami... sa Tulfo na nga lang, ang dami-daming binubugbog," pagtukoy ni Ai-Ai sa public service program ni Raffy tulfo.

"Pero, di ba, ang tanong ng ating lahat, ‘Bakit gusto mo pa rin? Bakit sumasama ka pa rin?’

"'E, kasi mahal ko.'

"Mahirap i-explain yung 'kasi mahal ko.'

"Kasi gusto ko buo yung pamilya namin na, kahit escabeche ka, gusto mo pa rin na buo kayo.

"Mahirap ipaliwanag yun.

"Kabaliwan, pero mahirap ipaliwanag kapag hindi ka nandoon sa sitwasyon.

"Kapag wala ka sa sitwasyon, hindi mo maipapaliwanag.

"Huwag tayong mag-judge, wala naman tayo sa sitwasyon nila," apela ni Ai-Ai sa mga taong mapanghusga sa mga other woman.

Ngayon ay masaya nang namumuhay si Ai-Ai kasama ng kanyang mga anak at ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on being a former mistress: "Hangga’t maaari, kung puwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi sabi nga nila, sa bawat pagpatak ng luha ng legal na asawa, yun ang pagbabayaran mo. So ako, ang tingin ko, marami akong pinagbayaran."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results