Gretchen, Claudine Barretto attend 90th birthday party of Atong Ang's mother

by Nikko Tuazon
Nov 10, 2019
J.J. Barretto joins sisters Claudine and Gretchen at the 90th birthday of Atong Ang's mother on Saturday night, November 9, at the Manila Arena in Sta. Ana, Manila.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Magkasamang dumalo ang magkapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto sa 90th birthday celebration ng ina ni Atong Ang na si Catalina Ang.

Ginanap ang birthday party sa Manila Arena sa Sta. Ana, Manila nitong nakaraang Sabado, November 9. Ang bagong arena na ito ay pagmamay-ari ni Atong at pormal na nagbukas noong October 14.

Ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram ang ilang litrato kuha mula sa birthday party. Ang caption nito: "Catalina Ang celebrates 90 [birthday cake emoji] swipe left"

Continue reading below ↓

Nag-upload din si Claudine ng mga litrato mla sa event. Makikita sa mga in-upload nito na kasama rin nito ang kanyang ina na si Mommy Inday at ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si J.J.

Sa sumunod na post, in-upload naman ni Claudine ang selfie nila ng kapatid na si Gretchen. Sa caption, sabi nito, "The Best sister in the world @gretchenbarretto"

Continue reading below ↓

Kabilang naman sa kanyang huling post ang selfie nila ni J.J.

Continue reading below ↓

Ni-repost naman ni J.J. ang isa sa mga litrato sa kanyang Instagram account.

Sa caption nito, "Spending time with mom and the sis's [heart emojis]"

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Atong sa away ng magkakapatid na sina Marjorie, Gretchen, at Claudine nitong nakaraang buwan.

Isa sa mga naibunyag ay ang pagkumpirma mismo ni Nicole Barretto na naging boyfriend nito ang nasabing negosyante. Si Nicole ang panganay na anak ni J.J. Kinumpirma din ito ni Marjorie sa kanyang TV Patrol interview noong October 22, 2019.

Continue reading below ↓

Bukod dito, na-link din si Atong kina Gretchen at Claudine, na mariin namang itinanggi ng negosyante sa panayam nito sa TV Patrol noong October 24. Sinabi ni Atong na walang namamagitan sa kanila ni Claudine at kasosyo lamang niya sa negosyo si Gretchen at ang longtime partner nito na si Tonyboy Cojuangco. Hindi direktang itinanggi ni Atong kung may namamagitan nga sa kanila ni Nicole.

Ilang beses na ring namataan si Gretchen kasama ang longtime partner nito at si Atong matapos pumutok ang isyu. Nitong October 29, magkakasama ang tatlo sa party ng CATS Motors chairman na si Felix Ang. Muling nagkasama sina Gretchen, Tonyboy, at Atong sa isang dinner nitong nakaraang November 3.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
J.J. Barretto joins sisters Claudine and Gretchen at the 90th birthday of Atong Ang's mother on Saturday night, November 9, at the Manila Arena in Sta. Ana, Manila.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results