Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Eddie Garcia, Amalia Fuentes, Pepe Smith, other celebrities who died in 2019

by Jet Hitosis
Dec 28, 2019
Left to right: Movie legends Eddie Garcia and Amalia Fuentes, King of Pinoy Rock Pepe Smith, and Miss Philippines World 2012 runner-up April Love Jordan are among the Pinoy celebrities who passed away this year.
PHOTO/S: PEP Files

Tumatak ang 2019 sa entertainment industry dahil maraming legendary personalities sa larangan ng pelikula, musika, teatro, at kawanggawa ang namayapa sa taong ito.

Ang ilan sa kanila, nanggulat sa biglaan nilang pagpanaw.

May iba namang nakulapulan ng kontrobersiya ang pagkamatay.

Habang mayroon ding nasaksihan pa ng publiko ang mga huling sandali ng kanilang buhay sa pamamagitan ng social media.

Kasabay ng pagbabalik-tanaw, ilalahad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng mga personalidad na namaalam ngayong 2019.

BRIAN VELASCO

Continue reading below ↓

Umaga ng Enero 16 nang kumalat sa Facebook ang balitang nagpatiwakal si Brian Velasco, drummer ng Pinoy rock band na Razorback.

Sa pamamagitan ng Facebook Live, ini-record ng 41-anyos na musician ang pagtalon nito mula sa balcony ng isang condo tower sa Maynila.

Umapela ang pamilya at mga kaibigan ni Brian na huwag nang i-share, at tuluyan nang tanggalin sa Facebook, ang pinagpasa-pasahang video.

Kasunod nito, nanawagan ang netizens ng malasakit at pang-unawa para sa mga dumaranas ng depression.

Gayunman, nilinaw ng pamilya ni Brian na walang depression, kundi may bipolar disorder, ang professional drummer.

PEPE SMITH

Continue reading below ↓

January 28 nang pumanaw ang rock legend na si Pepe Smith, 71, dala ng cardiac arrest.

Hanggang sa mga huling linggo ng King of Pinoy Rock, aktibo siya sa gigs at shows sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay kahit noong November 2017 ay na-stroke si Pepe sa ikatlong pagkakataon.

Bagamat unang naging miyembro ng bandang Eddie Reyes and The Downbeats, sumikat si Pepe nang maging vocalist-drummer ng Juan Dela Cruz Band noong 1970s.

Kasama ang gitaristang si Wally Gonzalez at bahistang si Mike Hanopol, pinasikat ng Juan Dela Cruz Band ang mga awiting “Beep Beep,” “Balong Malalim,” “Himig Natin,” at marami pang OPM rock classics.

BENTONG

Continue reading below ↓

Atake sa puso ang ikinamatay ng komedyanteng si Bentong, o Domingo Brotamante Jr., noong February 9.

Fifty-five years old nang pumanaw si Bentong, na nakilala bilang co-host ni Willie Revillame sa dating ABS-CBN noontime show na Wowowee.

Naging host din si Bentong sa isa pang Kapamilya noontime show, ang Magandang Tanghali Bayan, at napanood sa ilang comedy films.

ARMIDA SIGUION-REYNA

Continue reading below ↓

February 11 nang iginupo ng colon cancer ang legendary singer-actress na si Armida Siguion-Reyna, sa edad na 88.

Bagamat pinakatumatak kay Armida ang TV show niyang Aawitan Kita—na umere ng mahigit 30 taon at isa sa longest-running musical TV shows ng bansa—nagbida rin siya sa teatro at pelikula.

Kabilang sa mga naging pelikula ni Armida ang Sa Pagitan ng Dalawang Langit, Atsay, Salome, Paradise Inn, Ang Totoong Buhay Ni Pacita M, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, at Filipinas.

Naging producer din siya sa pamamagitan ng pag-aaring Reyna Films.

Tatlong taong nanilbihan si Armida bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa termino ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Kinikilala si Tita Midz—palayaw nito sa showbiz industry—bilang pinakamuhasay na marahil na nailuklok na censors chief ng bansa, dahil hindi ito naniniwala sa sensura kundi sa classification.

Anak niya ang direktor na si Carlitos Siguion-Reyna, kapatid niya sa ama si dating Senador Juan Ponce Enrile, at daughter-in-law niya ang PEP columnist na si Bibeth Orteza.

Continue reading below ↓

KRISTOFER KING

Thirty-six years old lang nang pumanaw ang award-winning film actor na si Kristofer King noong February 23.

Sa initial reports ng pagkamatay ni Kristofer, isang diabetic, napaulat na saglit na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

Nakilala si Kristofer sa pagganap sa mga pelikula ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza, tulad ng Masahista, Foster Child, Tirador, Serbis, at Captive.

Continue reading below ↓

Malapit na kaibigan ni Coco Martin si Kristofer, na napanood din sa top-rating ABS-CBN teleserye ng una, ang FPJ’s Ang Probinsyano, noong 2016.

Makikita sa litrato ang pagpunta ni Coco, na unang nakilala bilang indie actor, sa lamay ng kapwa indie artist.

CHOKOLEIT

Naging traumatic para sa mga mahal sa buhay ang pagkamatay ng komedyanteng si Chokoleit, 48, noong March 9.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil nakuhanan pa ng video ang mga huling sandali ni Chokoleit—Jonathan Garcia sa tunay na buhay—habang pinipilit tapusin ang kanyang pagtatanghal sa isang show sa Abra.

Makikita sa video na hinihingal at nahihirapan nang huminga ang komedyante, na inaatake na pala sa puso, at dumaranas sa panahong iyon ng pulmonary edema.

Ilang taon nang stand-up comedian si Chokoleit sa mga comedy bars nang mabigyan siya ng break sa pag-arte sa Kapamilya teleseryeng Marina noong 2004.

Napanood din siya sa iba pang TV shows at maging sa ilang pelikula ng Star Cinema.

JOSE MARI GONZALEZ

Continue reading below ↓

April 16 nang pumanaw ang 80-anyos na dating matinee idol na si Jose Mari Gonzalez.

Pneumonia at cardiac arrest ang ikinamatay ng dating kongresista ng San Juan City.

Seventeen years old lang nang sumabak sa pag-aartista si Jose Mari noong 1950s, at nagbida sa Ulilang Anghel, Tawag ng Tanghalan, Mga Anghel sa Lansangan, at maraming iba pa.

Sa ilalim ng Sampaguita Pictures, naging matinee idol siya at nakatambal sa pelikula sina Susan Roces, Liberty Ilagan, at Amalia Fuentes.

Anak niya ang actress-turned-politician na si former Tacloban City, Leyte Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez, at ang dating aktres na si Ana Margarita Gonzalez.

GARY LISING

Continue reading below ↓

Umaga ng May 31 nang matagpuang walang buhay sa kanyang bahay ang comedian-author na si Gary Lising.

Bago pa man pumanaw sa edad na 78, matagal nang may heart problems ang beteranong komedyante.

Dalawang beses na siyang inatake sa puso, at hindi lang isang beses sumailalim sa angioplasty.

Kilala sa kanyang green jokes, naging bahagi si Gary ng sikat na TV gag show noong 1980s, ang Champoy, kasama sina Noel Trinidad at Subas Herrero.

EDDIE GARCIA

Continue reading below ↓

Isa sa pinakamalaking balitang yumanig sa showbiz industry ngayong 2019 ay ang pagpanaw ng multiawarded actor-director na si Eddie Garcia noong June 20.

Aksidente sa taping kasi ang sanhi ng pagkamatay ni Eddie, na umaarte hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay, sa edad na 90.

Napatid sa kable ang legendary actor, habang nagte-taping para sa teleserye ng GMA-7 na Rosang Agimat, noong June 8.

Nagtamo ito ng neck fracture at dalawang linggong na-comatose hanggang sa tuluyang bawian ng buhay ang mahusay na aktor.

Naglunsad ng magkahiwalay na imbestigasyon ang GMA at ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa aksidente.

Sa desisyon ng DOLE nito lang December 24, pinagmumulta nito ang network at anim pang kumpanya ng P890,000 sa paglabag ng tatlong probisyon ng Occupational Safety and Health Law.

Ayon sa DOLE, nilabag ng GMA ang kawalan ng safety officer at first-aid responder sa lugar ng taping, bukod pa sa nabigong kaagad iulat sa kagawaran ang aksidente.

Continue reading below ↓

Umapela naman ang network kay DOLE Secretary Silvestre Bello III kaugnay ng naging desisyon ng kagawaran.

Dahil sa sinapit ni Eddie, isinulong sa Kamara ang panukalang “Eddie Garcia Bill,” na layuning tiyakin ang kaligtasan sa lugar ng TV at film productions.

APRIL LOVE JORDAN

Continue reading below ↓

Nagulantang ang publiko sa biglaang pagpanaw ng 31-anyos lamang na Miss World Philippines 2012 3rd Princess, April Love Jordan, noong June 21.

Liver cancer ang ikinamatay ng beauty queen, na naging finalist sa Binibining Pilipinas 2009 at Miss Philippines Earth 2006.

Nasungkit ni April Love ang titulo sa International Beauty & Model Festival 2009, at itinanghal na second runner-up sa Mutya ng Pilipinas 2006.

Ang biglaang pagpanaw ni April Love ang top story ng PEP.ph ng 2019, matapos makatala ng mahigit two million pageviews mula sa mga readers na naapektuhan ng pagkamatay ng 31-year-old.

JACQUI MAGNO

Continue reading below ↓

June 21 rin nang pumanaw ang iconic Pinoy jazz singer na si Jacqui Magno, 65, dahil sa pancreatic cancer.

Naging lead singer si Jacqui ng Circus Band noong 1970s.

Ang banda ang nagbigay-daan sa matatagumpay na solo careers nina Jacqui, Basil Valdez, Hajji Alejandro, Tillie Moreno, Pabs Dadivas, at Pat Castillo.

EDDIE BADDEO

Continue reading below ↓

Umaga ng August 16 nang pumanaw ang sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo, sa edad na 57.

Ito ay matapos ng tatlong taon niyang pakikipaglaban sa colorectal cancer.

Sumakabilang-buhay si Eddie ilang linggo bago ang launch ng kanyang coffeetable book, na bahagi sana ng selebrasyon ng kanyang ika-33 taon sa fashion industry.

Dekada '80 nang magsimula ang career ni Eddie sa fashion design, at naging stylist ng napakaraming celebrities.

SOPHIA CORULLO

Continue reading below ↓

Marami ang nalungkot at nanghinayang sa child actress na si Sophia Corullo, na pumanaw sa edad na anim, dahil sa dengue.

August 18 nang masawi ang bata, na nagsimula ang career noong 2018, nang manalo sa “Mini-Me” segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Nang panahong kumpirmahin ang pagkamatay ni Sophia, naka-confine pa sa ospital ang dalawa niyang kapatid, na inoobserbahan din sa dengue.

Isang araw bago pumanaw, August 17, ay napanood pa si Sophia sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

GINA LOPEZ

Continue reading below ↓

August 19 nang sumakabilang-buhay ang environmental activist-philanthropist na si Gina Lopez dahil sa brain cancer.

Hindi isinapubliko ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit ng 65-anyos, na dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary, kaya marami ang nabigla sa kanyang pagpanaw.

Kapatid ni Gina si ABS-CBN Corporation Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III.

Itinatag ni Gina ang ABS-CBN Foundation, at isinulong nito ang paglilinis sa Pasig River at ang pagpapatigil sa pagmimina.

Sa mga huling taon ni Gina, tinutukan niya ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga komunidad sa mga liblib na lugar, habang inaalagaan ang kalikasan.

Itinampok niya ang mga ito sa kanyang award-winning weekly travel show, ang G Diaries, sa ABS-CBN.

MONA LISA

Continue reading below ↓

Pumanaw habang natutulog ang hinahangaang aktres na si Mona Lisa noong August 25.

Siya ay 97 taong gulang.

Gumawa ng kasaysayan si Mona Lisa—Gloria Lerma Yatco sa tunay na buhay—bilang unang Pilipinang aktres na nagsuot ng swimsuit sa pelikula, sa Giliw Ko, noong 1939.

Napanood din ang respetadong aktres sa mga pelikulang Insiang, Itim, Pagputi ng Uwak Pag-itim ng Tagak, at Cain At Abel.

LITO LEGASPI

Continue reading below ↓

Binawian ng buhay ang beteranong aktor na si Lito Legaspi noong September 8, dalawang araw bago ang dapat sana'y 78th birthday niya.

Cardiac arrest ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Taong 1959 nang nagsimula ang acting career ni Lito, na huling napanood sa GMA-7 teleserye My Special Tatay noong 2018.

Anak ni Lito ang mga aktor na sina Zoren, Brando, at Kier Legaspi.

MEL CHIONGLO

Continue reading below ↓

September 21 nang sumakabilang-buhay ang beteranong filmmaker na si Mel Chionglo, 73, dahil sa pneumonia.

Bago naging direktor, production designer si Mel sa mga pelikulang Itim ni Mike de Leon, Ina Kapatid Anak ni Lino Brocka, at Aguila ni Eddie Romero.

Taong 1981 nang una siyang magdirek ng pelikula, ang Playgirl, na pinagbidahan ni Gina Alajar.

Kabilang din sa mga idinirek ni Mel ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Dyesebel, Midnight Dancers, Burlesk King, at Lagarista.

Isa siya sa mga nagtatag ng Directors Guild of the Philippines Inc. (DGPI), na pinamunuan niya noong 2008.

Naging miyembro rin siya ng Appeals Committee ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), kunsaan nakatrabaho niya si PEP editor in chief Jo-Ann Maglipon.

TONY MABESA

Continue reading below ↓

Matagal nang iniindang sakit ang ikinasawi ng veteran theater, film, and TV actor na si Tony Mabesa.

October 4 nang pumanaw ang 84-anyos na founder ng Dulaang UP (University of the Philippines) at UP Playwrights.

Itinuturing na isa sa mga haligi ng Philippine theater, si Tony ang mentor ng ilan sa pinakamahuhusay na stage actors ng bansa, kabilang na sina Nonie Buencamino, Shamaine Centenera, Irma Adlawan, Banaue Miclat, at Eugene Domingo.

Nanalo siya ng 2018 Metro Manila Film Festival Best Supporting Actor award sa huli niyang pelikula, ang Rainbow’s Sunset, na pinagbidahan nila ni Eddie Garcia.

AMALIA FUENTES

Continue reading below ↓

October 5 nang pumanaw ang binansagang legendary actress na si Amalia Fuentes.

Sa edad na 79, nag-cardiac arrest ang dating movie queen.

Nang mamatay ang anak niyang si Liezl Martinez noong 2015, na-stroke at naging bedridden na si Amalia.

Taong 1956 nang magsimula sa showbiz si Amalia bilang ka-love team ni Juancho Gutierrez, sa mga pelikulang Movie Fan, Rodora, at Ang Senyorito At Ang Atsay.

Gayunman, mas sumikat ang love team nila ni Romeo Vasquez, na kalaunan ay napangasawa niya. Anak nila si Liezl.

Naging direktor, writer, at film producer din si Amalia.

Tiyahin siya nina Aga Muhlach at Niño Muhlach, at biyenan ni Albert Martinez, asawa ni Liezl.

CARLOS CELDRAN

Continue reading below ↓

Biglaan din ang naging pagpanaw ng 46-anyos na cultural activist na si Carlos Celdran noong October 8.

Naka-self-exile sa Madrid, Spain, si Carlos nang bawian ng buhay dahil sa “natural causes.”

Kilalang tour guide sa Intramuros, Manila, habambuhay na maaalala si Carlos sa kanyang “Damaso” stunt sa kalagitnaan ng misa sa Manila Cathedral noong September 2010.

Ang ginawa ni Carlos ay bilang pagtutol sa pakikialam ng Simbahang Katoliko sa noon ay mainit na pinag-uusapang reproductive health law sa bansa.

MICO PALANCA

Continue reading below ↓

Wala nang nababalitaan ang publiko kay Mico Palanca nang bumulaga ang ulat ng pagkamatay niya nitong December 9.

Forty-one years old lang ang nakababatang kapatid ni Bernard Palanca.

Nang araw na iyon, kumalat ang balitang nagpakamatay umano si Mico, pero hindi ito kinumpirma ng kanyang pamilya.

Unang lumabas sa ABS-CBN weekly teen-oriented program, ang Tabing Ilog, si Mico, na huling napanood sa mga teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano (2016) at Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Dati siyang nobyo ng aktres na si Bea Alonzo.

CESAR APOLINARIO

Continue reading below ↓

Lymphoma, isang uri ng cancer, ang ikinasawi ng 46-anyos na journalist-filmmaker na si Cesar Apolinario nitong December 13.

Ilang buwan pa lang ang nakalipas mula nang ma-diagnose ang sakit ng GMA News reporter, na tumanggap pa ng Best Male Field Reporter award mula sa 17th Gawad Tanglaw noong Marso.

Bukod sa pagiging reporter, idinirek ni Cesar ang mga pelikulang Banal (2008), Puntod (Indie Movie of the Year 2009), at Dance of the Steel Bars (2013).

FOREIGN CELEBRITIES WHO PASSED AWAY

(From left) James Ingram, Gloria Vanderbilt, Toni Morrison/

Continue reading below ↓

Sinaksihan din ng 2019 ang pagpanaw ng ilang international celebrities.

Kabilang sa mga ito ang Grammy-winning R&B singer na si James Ingram (January 29), na namatay sa brain cancer, sa edad na 66.

Pumanaw rin ang 85-anyos na German fashion designer na si Karl Lagerfeld (February 19, pancreatic cancer); ang Riverdale actor na si Luke Perry, 52 (March 4, stroke); ang 49-anyos na frontman ng British band na The Prodigy na si Keith Flint (March 4, suicide); at ang Boyz N the Hood director na si John Singleton, 51 (April 29, stroke).

Sumakabilang-buhay ngayong 2019 ang Chewbacca actor ng Star Wars movies na si Peter Mayhew, 74 (April 30, heart attack); ang iconic actress-singer na si Doris Day, 97 (May 13, pneumonia); ang socialite-actress-author na si Gloria Vanderbilt, 95 (June 17, stomach cancer); at ang author at Nobel laureate na si Toni Morrison, 88 (August 5, pneumonia).

Continue reading below ↓

K-POP STARDOM AND SUICIDE

(From left) Sulli, Goo Hara, Cha In-ha/

Ginimbal ang entertainment industry ng South Korea ng magkakasunod na pagpapakamatay ng tatlong Korean stars sa last quarter ng 2019.

October 14 nang mapaulat ang pagpapatiwakal ng kontrobersiyal K-pop idol na si Sulli.

Dating miyembro ng bandang f(x) ang 25-anyos na si Sulli—tunay na pangalan: Choi Jin Ri—na naging target ng online bullying sa nakalipas na mga buwan.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil sa pagiging prangka at totoo sa sarili ni Sulli, na taliwas sa “K-pop mould” na nakasanayan sa South Korea.

Kasunod nito, naging paksa ng mga diskusyon ang depression na iniuugnay sa matinding pressure ng publiko sa mga K-pop stars.

Pero makalipas lang ang isang buwan, November 24, nag-suicide din ang dating miyembro ng K-pop group na Kara, si Goo Hara.

Si Hara, 28, ay malapit na kaibigan ni Sulli.

Noong nakaraang taon, isinapubliko ni Hara ang pamba-blackmail sa kanya ng dating boyfriend, na nagbantang ilalabas ang kanilang sex video.

Napatunayang guilty ang ex-boyfriend ng K-pop star, at hinatulan ng suspended sentence noong unang bahagi ng taong ito.

December 3 naman nang natagpuang walang buhay sa kanyang Seoul residence ang Korean actor na si Cha In Ha, 27 anyos.

Hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad kung nagpakamatay nga si In-ha, gaya nina Sulli at Hara.

Miyembro ng acting group na Surprise U si In Ha, na taong 2017 lang ang acting debut, sa pelikulang Deep Inside Of Me.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left to right: Movie legends Eddie Garcia and Amalia Fuentes, King of Pinoy Rock Pepe Smith, and Miss Philippines World 2012 runner-up April Love Jordan are among the Pinoy celebrities who passed away this year.
PHOTO/S: PEP Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results