Yeng Constantino posts bail to avoid arrest for cybercrime charges

by Arniel C. Serato
Jan 10, 2020
Pop Rock Royalty Yeng Constantino faces cyber libel case for allegedly shaming a local doctor in Surigao del Norte last year.
PHOTO/S: Arniel Serato

Nagpiyansa na ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Dr. Esterlina Tan.

Nagsampa ang doktora ng reklamong paglabag diumano ng singer sa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) in relation to Article 355 ng Revised Penal Code sa RTC Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte.

Kahapon, January 9, may nag-upload sa Facebook ng kopya ng warrant of arrest laban sa Kapamilya singer na lumabas noon pang December 12, 2019.

Ikinagulat naman ng kampo ni Yeng ang balita dahil wala raw itong kamuwang-muwang na may reklamo palang naisampa sa kanya sa Surigao del Norte.

Itinakda ni Presiding Judge Cesar B. Bordalba ng RTC Branch 31 ang piyansa sa halagang P30,000.

Ngayong hapon ng Biyernes, January 10, humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng update sa abugado ng singer na si Atty. Joji Alonso.

Ayon kay Atty. Alonso, nakapagpiyansa na sila para maiwasan ang pag-aresto kay Yeng.

Continue reading below ↓

“Our client Ms Yeng Constantino-Asuncion has posted bail and an Order approving the same has just been signed,” mensahe ng abugado.

Iginiit din nilang clueless ang kanilang kliyente tungkol sa kasong kinahaharap nito.

Ani Atty. Alonso: “We reiterate that our client has yet to receive a copy of the complaint filed before the Provincial Prosecutor's Office of Surigao del Norte, for the alleged violation of Sec 4 (c) (4) of RA 10175 in relation to Article 355 of the Revised Penal Code or 'cyber libel.'

“We shall be addressing the charges in the coming days.”

THE ROOT CAUSE OF THE CASE

July 2019, nauwi sa masamang karanasan ang dapat sana'y masayang bakasyon ni Yeng at ng asawa nitong si Yan Asuncion sa Siargao, Surigao del Norte.

Nadisgrasya si Yan matapos itong mag-cliff diving sa isang lagoon sa pamosong surfing destination ng bansa.

Dahil sa insidente ay nagkaroon ng temporary memory loss ang mister ni Yeng.

Continue reading below ↓

Isinugod ni Yeng ang asawa sa pinakamalapit na ospital doon pero, ayon sa singer, parang wala raw sa hulog ang attending physician nitong si Dr. Esterlina Tan ng Dapa Siargao Hospital.

Sa kanyang YouTube vlog, nagbitiw ng hindi magagandang salita ang singer laban sa doktora.

Hindi naman nagustuhan ng maraming netizens ang anila'y "doctor shaming " na ginawa ni Yeng, kaya na-bash nang husto ang singer.

Humingi ng dispensa si Yeng sa doktora, ngunit hindi ito tinanggap ng Philippine Medical Association (PMA), ang grupo ng mga doktor na kinabibilangan ni Dr. Tan.

Hanggang sa lumabas na lamang ang warrant of arrest laban kay Yeng.

Nagsampa pala ng cybercrime complaint ang doktora sa local court ng Surigao del Norte.

Sinikap ng PEP.ph na makahingi ng panayam kay Dr. Tan, ngunit ayon sa isang malapit sa kanya, ayaw muna nitong magsalita dahil ongoing pa ang kaso.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pop Rock Royalty Yeng Constantino faces cyber libel case for allegedly shaming a local doctor in Surigao del Norte last year.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results