Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Solicitor General to ask Supreme Court to revoke ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Jan 16, 2020
The Office of the Solicitor General is expected to file anytime soon a quo warranto petition in the Supreme Court asking the high tribunal to revoke the legislative franchise of broadcast giant ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nakatakdang maghain ng reklamo sa Supreme Court ang mga abugado ng gobyerno upang kanselahin ang legislative franchise ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ayon sa eksklusibong ulat ni Jomar Canlas sa The Manila Times ngayong araw, January 16, ang Office of the Solicitor General (OSG) ang nakatakdang magsampa ng reklamo ukol dito sa Kataastaasang Hukuman.

Natapos na umano ang draft petition ng OSG tungkol sa reklamong nakatakdang isampa sa Supreme Court anumang araw mula ngayon.

Nakatala pa sa kanilang ulat, "petition for quo warranto" ang reklamong isasampa ng OSG sa Supreme Court.

Pangungunahan daw ni Solicitor General Jose Calida ang pagsasampa sa Supreme Court ng reklamong ito laban sa ABS-CBN.

Ayon pa sa report, may nilabag diumano ang network sa "terms and conditions" ng kanilang prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso.

Sa ilalim ng Rule 66 ng panuntunan ng korte, ang legislative franchise ng isang korporasyon o organisasyon ay maaaring kanselahin kapag may mga paglabag o maling nagawa ang mga ito.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa ulat: "There were several violations filed by ABS-CBN in their legislative franchise.

"A petition will be filed before the Supreme Court to revoke its grant."

Hindi naman daw idinetalye ng kanilang source kung anu-anong paglabag ang mga ito.

Pirmado na raw ni Solicitor Calida at Assistant Solicitor General ang draft petition.

THE ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Nakatakdang mapaso sa March 30, 2020 ang prangkisa ng ABS-CBN.

Noong 17th Congress, hindi natalakay ang panukalang batas (House Bill 676) na inihain ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago sa House Committee on Legislative Franchises.

Hindi raw kasi kumilos ang Committee on Legislative Franchises dito dahil sa alitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng pamunuan ng ABS-CBN.

Ito ay matapos hindi iere ng network ang political ads ni Duterte noong 2016 Presidential Elections kahit bayad na umano ito.

Sa ngayon, may halos siyam na panukalang batas ang nakahain sa Kongreso upang magarantiyahan ng panibagong 25-year franchise ang istasyon.

Continue reading below ↓

Pero sa pagbubukas pa raw ng sesyon ng Kongreso sa January 20 makakalendaryo ang pagtalakay rito.

May isa namang kahalintulad na panukalang batas ang inihain ni Senator Ralph Recto sa Senado.

May mga ilang artista na rin ang nakiusap kay Presidente Duterte upang payagan nito ang franchise renewal ng istasyon.

Kabilang sa kanila sina Yeng Constantino at Sharon Cuneta.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Office of the Solicitor General is expected to file anytime soon a quo warranto petition in the Supreme Court asking the high tribunal to revoke the legislative franchise of broadcast giant ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results