PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes showbiz comeback confirmed

Julia Montes is all set to make a showbiz comeback this 2020.
by Bernie V. Franco
Published Jan 16, 2020
Kapamilya actress Julia Montes is set to make a showbiz comeback this 2020. This was confirmed by her manager Erickson Raymundo (right photo, left) and Dreamscape executive Deo Endrinal (right photo, right).
PHOTO/S: @cornerstone and @montie08 on Instagram

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-showbiz ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Ito ang kinumpirma ni Erickson Raymundo, talent manager ng 24-anyos na aktres, sa isang Instagram post nitong Miyerkules ng gabi, January 15.

Ipinost ni Erickson ang larawan nila ni Julia.

Pagkumpirma ng talent manager, magiging abala si Julia sa mga proyekto ngayong 2020.

Caption ni Erickson: "Welcome back @montesjulia08 ! 2020 will be a busy year for you and I can't wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Erickson ang head ng talent management company na Cornerstone Entertainment, Inc., na siya ring nag-manage kay Julia bago ito nagpahinga sa showbiz.

Kinumpirma rin ng head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal ang pagbabalik ni Julia.

Kalakip ng larawan nila ng aktres ang mensahe ni Deo sa kanyang Instagram post: “Sometimes, some people are just worth the wait. [heart, praying emojis] welcome back!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kay Deo, kasama rin sa larawan ang kanyang team na nagpa-picture din kay Julia at sa management team ng aktres.

Ang Dreamscape Entertainment ay content provider division ng ABS-CBN na nagpo-produce ng mga teleserye para sa network.

Kabilang sa mga teleserye ni Julia na iprinodyus ng Dreamscape ay ang Ikaw Lamang (2014), Doble Kara (2015), at Asintado (2018).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CELEBRITIES EXCITED FOR JULIA’S COMEBACK

Sa comments section ng post ni Erickson ay nagpahayag ng excitement ang ilang artista sa napipintong pagbabalik ni Julia, kabilang na si Bea Alonzo.

Ani Bea: “wow!!!!! welcome back @montesjulia08”

Nagpasalamat naman si Julia.

Nagpakita rin ng suporta sa kanya sina Isabel Oli at Alexander Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa post ni Deo, marami ring artista ang pinusuan ang tungkol sa pagbabalik ni Julia.

Kabilang na rito sina Maja Salvador, Angeline Quinto, Dimples Romana, Bing Loyzaga, at Neri Naig.

JULIA'S COMEBACK

Bago ang recent announcement ng pagbabalik-showbiz ni Julia, nagkaroon na siya ng pagpaparamdam sa huling bahagi ng 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang na-excite nang kumalat sa social media ang pagpapa-photo op sa kanya ng mga netizen na nakasalubong niya sa isang supermarket sa Greenhills noong October 2019.

Lalong na-excite ang fans ni Julia pagdating ng November 2019 nang mai-post ang pagpapagupit niya ng buhok. Inisip nilang hudyat ito ng paghahanda ng aktres para sa pagbabalik niya sa trabaho.

Kinumpirma naman ni Julia ang napipinto niyang showbiz comeback pagsapit ng December 2019, nang makipagbiruan siya sa mga kapwa artista at sinabi sa isang komento na magpapakita siya “soon.”

Kapansin-pansin din noong mga panahong iyon ang aktibong pagpo-promote ni Julia ng pelikula ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.

Sunud-sunod ang Instagram posts ni Julia sa Metro Manila Film Festival 2019 entry ni Coco na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

JULIA'S HIATUS

Ang pinakahuling teleserye ni Julia bago siya nagkaroon ng showbiz break ay ang Asintado.

Nang mawala sa limelight, naging tahimik si Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero napabalitang nagbakasyon siya sa Germany para makasama ang kanyang German father.

Pero sa kabila ng kanyang pananahimik, napabalita ang umano'y pagsisilang niya ng anak nila ni Coco pagdating ng March 2019.

Noong April 2019 naman ay kinumpirma ng showbiz insiders na isinilang ni Julia ang anak nila ni Coco, pero nanatiling tikom ang bibig ng kampo ng dalawang Kapamilya stars tungkol sa isyu.

Ngayong umaga ng Huwebes, January 16, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph kay Erickson Raymundo hinggil sa pagbabalik-showbiz ni Julia, pero hindi pa kami nakatatanggap ng sagot.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Julia Montes is set to make a showbiz comeback this 2020. This was confirmed by her manager Erickson Raymundo (right photo, left) and Dreamscape executive Deo Endrinal (right photo, right).
PHOTO/S: @cornerstone and @montie08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results