PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bela Padilla, JC Santos weigh in on ABS-CBN franchise renewal

ABS-CBN is racing against time as its franchise is slated to end in March 2020.
by Arniel C. Serato
Published Jan 17, 2020
Kapamilya stars Bella Padilla and JC Santos are both hopeful that ABS-CBN will get another 25-year franchise to broadcast.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi maiwasang tanungin ang Kapamilya stars tungkol sa kanilang pananaw sa nalalapit na pagkapaso ng prangkisa ng ABS-CBN.

Hanggang March 30, 2020 na lamang ang legislative franchise to broadcast ng Kapamilya network.

Sa grand presscon ng On Vodka, Beers, and Regrets nitong Huwebes, January 16, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media ang mga bida ng pelikula na sina Bela Padilla at JC Santos ukol dito.

Identified sa ABS-CBN ang dalawa.

Idinaan ni Bela sa biro ang kanyang sagot.

Aniya, “Shucks, oo nga, mawawalan na pala akong trabaho.”

Sundot naman ni JC, “Nalulungkot din ako.”

Pero wala pa naman daw sinasabi ang management sa kanila.

Sabi ni Bela, “Wala nga po, e, may sinabi na ba sa inyo?”

Dagdag naman ni JC, “Sana naman humaba pa. Sana both sides magkakapatawaran... hindi ko alam, e.”

Sabi pa ni Bela, “Wala po. Wala po.

"Ayaw ko siyang isipin na mawawalan na pala ako ng trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan ng ABS-CBN na makakuha ng panibagong prangkisa sa Kongreso at Senado na dapat pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang rival network nitong GMA-7 ay noon pang 2017 nabigyan ng panibagong 25-year franchise to operate.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring pagtalakay na ginagawa ang Committee on Legislative Franchises sa halos 12 panukalang batas na nakahain sa Kongreso na naglalayong mabigyan ng panibagong 25-taong prangkisa upang makapag-broadcast ang istasyon.

Sa pagbubukas pa ng session sa Lunes, January 20, posibleng maikalendaryo ang usapin ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Kahapon, January 16, nakatakda sanang maghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) upang ipa-revoke ang franchise ng network.

May mga nalabag diumano sa terms and conditions ng prangkisa ang ABS-CBN.

Pero sa ulat ng Manila Times ngayong araw, January 17, ipinagpaliban daw muna ito ng OSG dahil, ayon sa ilang cabinet officials, nais nilang ang Kongreso na ang mamahala kung bibigyan ba ulit ng legislative franchise ang ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars Bella Padilla and JC Santos are both hopeful that ABS-CBN will get another 25-year franchise to broadcast.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results