Anne Curtis posts online petition for ABS-CBN franchise renewal; gets mixed reactions

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2020
Anne Curtis to netizens: "Please sign the petition. So many lives will be affected by the jobs that will be lost."
PHOTO/S: Courtesy: @annecurtissmith on Instagram

Umani ng suporta at pambabatikos mula sa maraming netizens ang paghihikayat ni Anne Curtis na suportahan ang online petition ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Layon ng grupo na makakalap ng isang milyong pirma upang mahikayat ang Kongreso na kaagad talakayin sa sesyon nila ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram Stories, Twitter, at Facebook ang petisyong ito ngayong Lunes, January 20.

Mensahe pa ng Kapamilya star: “Please sign the petition. So many lives will be affected by the jobs that will be lost (heart break emoji).”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTION

Hindi ikinatuwa ng maraming Facebook followers ng It’s Showtime host ang kanyang paghikayat sa kanilang suportahan ang nasabing petisyon.

Si Anne ay may lagpas 14 milyong followers sa Facebook.

Ayon sa netizens, iniidolo nila si Anne bilang artista, pero pagdating sa usapin ng franchise renewal ay hindi nila susundin ang pakiusap nito.

Narito ang mensahe ng ilan sa Facebook followers ni Anne:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May ilan din namang nagpakita ng suporta kay Anne:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa Twitter, may mga sumang-ayon at mayroon ding bumatikos kay Anne.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa March 30, 2020 na magtatapos ang franchise ng Kapamilya Network.

May halos dalawang buwan mahigit na lamang bago ito mapaso, kung saan umaasa naman ang mga taga-istasyon na mapalawig pa at muli silang mabigyan ng 25-year franchise to broadcast.

May humigit-kumulang 12 panukalang batas sa Kongreso na naglalayong mabigyan ng panibagong prangkisa ang istasyon, at isa naman sa Senado.

Nanganganib na magsara ang ABS-CBN dahil ilang beses nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng network.

Ito ay bunsod ng disgusto ng Pangulo mula nang hindi iere ng ABS-CBN ang kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections, kahit na bayad na umano ang mga ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis to netizens: "Please sign the petition. So many lives will be affected by the jobs that will be lost."
PHOTO/S: Courtesy: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results