Speaker Alan Peter Cayetano guarantees fairness in tackling ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Oct 29, 2019
House Speaker and Taguig-Pateros 1st District Representative Alan Peter Cayetano on franchise renewal of ABS-CBN: "Ia-assure ko ang lahat ng ating kababayan, ang mga kapamilya, ang mga newscaster, artista, and all concerned na magiging fair ang hearing sa Kongreso.”
PHOTO/S: Courtesy: Alan Peter Cayetano on Facebook / File

Magiging patas ang House of Representatives (HOR) sa pagtalakay sa mga nakahaing panukalang batas kaugnay ng franchise renewal ng network giant na ABS-CBN, ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa panayam kay Cayetano sa ABS-CBN morning program na Umagang Kay Ganda kahapon, October 28, sinabi nitong, “Ia-assure ko ang lahat ng ating kababayan, ang mga Kapamilya, ang mga newscaster, artista, and all concerned na magiging fair ang hearing sa Kongreso.”

Ngunit sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ngayong November 4, uunahin muna nilang ratipikahan ang proposed P4.1-T 2020 national budget, bago nila talakayin ang ibang usapin, katulad ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sabi pa Cayetano, “Pero ako, naniniwala na yung management niyo ay determinado na harapin itong mga issues na ito at makahanap ng resolution.

“So, hindi naman ako makasagot sa inyo ng definite ngayon na definitely hindi, o definitely maibibigay.”

Sa March 20, 2020 na magtatapos ang 25-year franchise ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Inupuan lamang ng Committee on Legislative Franchises noong 17th Congress ang panukalang batas ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago na House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant sa susunod na 25 taon.

Ngayong 18th Congress, may halos anim na panukalang batas sa Lower Congress— kasama na ang panukala ni Lipa, Batangas Lone District Representative Vilma Santos-Recto—na naglalayong magawaran muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa Senado naman, ang asawa ni Santos-Recto na si Senator Ralph Recto ay naghain din ng kaparehong panukala na naglalayong mapalawig sa susunod na 25 limang taon ang prangkisa ng Kapamilya Network.

Kahit may banta raw si Pangulong Rodrigo Duterte noon na haharangin niya ang renewal ng prangkisa ng istasyon, magiging patas daw ngayon ang Kongreso sa kanilang deliberasyon ukol dito.

Sabi pa ni Congressman Cayetano, “But, I can assure you na ang Kongreso magiging very fair.

"And I can assure you na importante sa atin ang free press, at saka ang balansyadong media sa buong bansa.”

Continue reading below ↓

May halos limang buwan pa ang natitira bago mapaso ang lisensiya ng ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
House Speaker and Taguig-Pateros 1st District Representative Alan Peter Cayetano on franchise renewal of ABS-CBN: "Ia-assure ko ang lahat ng ating kababayan, ang mga kapamilya, ang mga newscaster, artista, and all concerned na magiging fair ang hearing sa Kongreso.”
PHOTO/S: Courtesy: Alan Peter Cayetano on Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results