Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Robin Padilla on quo warranto vs ABS-CBN: "No one is above the law."

by Arniel C. Serato
Feb 13, 2020
Robin Padilla on quo warranto petition against ABS-CBN: "Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN? May pagkakasala ba talaga sila sa batas?... kung wala silang kasalanan it will be their glory and pride so let them fight it in our courts."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: ABS-CBN News on Facebook

Magkahalo ang naging reaksiyon ng netizens sa Instagram post ni Robin Padilla tungkol sa quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Base sa post ng aktor tila pabor siya sa paghahain ng Office of the Solicitor General (OSG) ng quo warranto petition sa Supreme Court (SC) laban sa Kapamilya network.

Ang OSG ang tumatayong abugado ng gobyerno.

Si Robin naman ay identified bilang isang Kapamilya dahil ang mga huling proyekto niya sa telebisyon ay ipinalabas sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga programa niya ay ang talent show na Pilipinas Got Talent (2016) at ang teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko (2018).

ROBIN'S DELETED POST

Sa kanyang deleted post sa Instagram at Facebook noong February 11, Martes, sinabi ni Robin na ang batas ay dapat patas sa lahat.

Wala raw sinumang mas nakakataas pa sa ating Saligang Batas.

Saad ng 50-year-old actor (published as is): "Mayaman o Mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay pantay sa harap ng Batas dahil ang hustisya ay walang tinitignan o tinititigan ANG MALI ay MALI at ang TAMA ay TAMA walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas.

Continue reading below ↓

"Panay na nga ang labag natin sa batas ng Dios napakapambihira naman kung pati batas ng tao lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…”


Sa 63-page complaint na inihain mismo ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court noong Lunes, February 10, idinetalye niya ang mga diumano'y nalabag ng ABS-CBN sa probisyon ng kanilang prangkisa.

Continue reading below ↓

Ito raw ang mga dahilan kaya dapat i-revoke ng SC ang prangkisa ng network.

Pinalagan naman ng ABS-CBN ang mga bintang sa kanila ng OSG at nanindigang wala silang nilabag na batas.

ROBIN ANSWERS "NILAGLAG" ACCUSATION

Pagkalipas ng ilang oras ay binura ni Robin ang kanyang Instagram at Facebook post.

Ngunit kumalat na ang screenshot nito sa social media. May isa pa ngang blog ang gumawa ng artikulo tungkol sa post niyang ito.

Ibinahagi ni Robin ang link ng nasabing artikulo sa kanyang Facebook account kahapon, February 12.

Sa kanyang caption ay sinagot ng aktor ang akusasyong "nilaglag" daw niya ang ABS-CBN, na naging tahanan niya ng ilang taon.

Sa Kapamilya network din kasalukuyang nagtatrabaho ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez bilang co-host ng It's Showtime.

Bahagi ng pahayag ni Robin (published as is), "God is great!!!

"Sabi daw ng netizens Nilaglag ko daw ang network ko wow!

Continue reading below ↓

"Mga kababayan kahit na sino kahit kaibigan ko kapatid ko kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko."

Nakulong si Robin ng tatlong taon sa National Bilibid Prison (NBP).

Taong 1994 nang mahatulan siya ng 21 taong pagkakakulong dahil sa salang illegal possession of heavy firearms.

April 1997 nang mabigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Nakumpleto ni Robin ang pagsisilbi sa conditional pardon noong taong 2003.

Noong November 2016, nabigyan siya ng absolute pardon ni President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Robin tungkol sa reklamong kinakaharap ng Kapamilya network (published as is):

"Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN? may pagkakasala ba talaga sila sa batas ?

"Ako ay may tiwala sa BATAS dahil naranasan ko ang talim at lambing ng BATAS sa buhay ko kaya ko sinasabi na dapat umiral ang BATAS dahil ang batas ang proteksyon ng lahat ng Pilipino mayaman man o mahirap

Continue reading below ↓

"no one is above the law and under it kaya kung wala silang kasalanan it will be their glory and pride

"so let them fight it in our courts Let the truth prevail

"wag tayong maging spoiler parang teleserye lang yan na pinanonood niyo abangan niyo ang mga revelation ayaw niyo ba malaman ang katotohanan?"

Kilala si Robin bilang masugid na tagasuporta at tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte, na makailang beses nang inihayag sa media na pipigilan niya ang anumang panukala na magpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa March 30, 2020 na matatapos ang broadcast franchise ng Kapamilya network.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa inaaksyunan ng Kongreso ang bills na may kinalaman sa pagbibigay ng panibagong 25-year franchise sa network.

WHY ROBIN DELETED HIS POST

Rebelasyon pa ni Robin, binura niya ang kanyang naunang post sa Instagram at Facebook dahil pinakiusapan siya ng asawang si Mariel, bilang respeto na rin sa istasyon na pinaglilingkuran nito.

Continue reading below ↓

"Inalis ko na rin ang mga post ko kahapon sa instagram at fb about the legal issue of Abscbn not the franchise issue bilang respeto ko sa asawa ko na si mariel

"she said to me im a kapamilya forever at sinabihan din ako ni kuya ipe salvador na magrelax at tumahimik dahil walang alam si mayor PRRD sa hakbang ng solgen kaya balik na lang ako sa aking journey towards spirituality.

"Peace be with you all may the wisdom and blessings of our only God be with those who are neglected weak and poor in shaa Allah"

Ang "Kuya Ipe" na tinutukoy ni Robin ay ang kaibigan at kapwa niya aktor na si Phillip Salvador.

Ang "PRRD" naman ay tumutukoy kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla on quo warranto petition against ABS-CBN: "Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN? May pagkakasala ba talaga sila sa batas?... kung wala silang kasalanan it will be their glory and pride so let them fight it in our courts."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results