Angel Locsin, Neil Arce celebrate "last Valentine's day as boyfriend and girlfriend"

by James Patrick Anarcon
Feb 15, 2020
Angel Locsin says her Valentine's day date with Neil Arce this 2020 is their "last" as boyfriend and girlfriend. The couple got engaged in June 2019.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Mukhang malapit nang mangyari ang kasalan ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Ito ay ayon sa Instagram post ni Angel kahapon, February 14, nang mag-spa date sila ni Neil para sa Valentine's day.

Sabi naman ni Angel sa caption, ito na raw ang kanilang huling Valentine's day bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Saad niya, "celebrating our last Valentine's day as boyfriend and girlfriend"

Nilagyan din ni Angel ng wedding ring emoji ang kanyang caption.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Neil sa comments section, "Happy Valentine’s beautiful [kissing emoji]"

Noong June 29, 2019 unang naibalita ang engagement nina Angel at Neil.

Si Angel mismo ang nagbahagi ng magandang balitang ito tungkol sa kanyang buhay sa pamamagitan ng Instagram.

Ilang beses na ring nasabi ni Angel na excited na siyang pakasalan si Neil.

Continue reading below ↓

Kabilang na rito ang kanyang Instagram post noong January 3, 2020, kung saan unang nagka-clue ang kanyang followers na maaaring mangyari ang kanilang kasalan ngayong taon.

Sabi niya sa caption, "Can't wait to spend every New Year with you, @neil_arce Neil & Angel 2020"

Sa ngayon ay wala pang nababanggit ang couple kung kailan eksaktong mangyayari ang kanilang wedding.

Continue reading below ↓

Samantala, marami sa fans at celebrity friends ni Angel ang kinilig at nag-iwan ng comment sa kanyang Valentine's post.

Kabilang na rito sina Yasmien Kurdi, Chito Miranda, Bubbles Paraiso, at Vice Ganda.

Angel Locsin, Neil Arce

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin says her Valentine's day date with Neil Arce this 2020 is their "last" as boyfriend and girlfriend. The couple got engaged in June 2019.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results