Who is Matteo Guidicelli referring to in cryptic post about living outside the box?

by Arniel C. Serato
Mar 6, 2020
Newlyweds Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo-Guidicelli continue to be seen doing regular husband-and-wife duties like grocery shopping in Alabang. The two have been making headlines since the reported confrontation with Sarah's mom during the couple's secret wedding last month.
PHOTO/S: Courtesy to the owner / AshMatt : Mr. and Mrs. Guidicelli on Facebook

Tila may hugot ang ibinahaging quote ni Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram Stories kagabi, March 5.

Ang quote ay mula sa sikat na Hollywood actress-director na si Angelina Jolie:

"If you don’t get out of the box you’ve been raised in, you won’t understand how much bigger the world is."

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung sino ang pinatutungkulan ni Matteo, 29, sa kanyang ibinahaging quote.

Pero may isang blog na nagpapalagay na maaaring hugot ito ng aktor sa personal na karanasan ng kanyang asawang si Sarah Geronimo, 31.

ANG DINAANAN NI SARAH

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kilala sa pagiging overprotective sa Popstar Royalty—ang bansag kay Sarah—ang kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine Geronimo.

Partikular na si Divine, o kilala bilang Mommy Divine, na noo'y madalas na sinasamahan si Sarah sa trabaho.

Ito rin ang sinasabing nasusunod sa bawat aspeto ng buhay ng Popstar Royalty.

Ang pagiging strikto ni Mommy Divine ay naisiwalat nang maisapubliko ang unang heartbreak ni Sarah.

Hindi ito aprubadong mag-boyfriend si Sarah, na patuntong ng 19 taong gulang noon, dahil wala pa raw ito sa hustong gulang.

Tahasang sinabi rin ni Mommy Divine, sa panayam nito sa YES! Magazine noong 2011, na tanging siya at ang ama ni Sarah na si Delfin ang makakaalam kung kailan maaaring makipagrelasyon ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

At sinumang pumorma noon kay Sarah, ani Mommy Divine, ay hindi pa ang nakatakda para rito.

Ngunit na in-love ang dalaga kay Rayver Cruz, na naging unang nobyo at unang heartbreak nito.

Sa panayam kay Rayver ng YES! Magazine na nailathala sa March 2011 issue, sinabi ng binata na sa Skype lamang daw sila nagkaroon ng komunikasyon ni Sarah.

Wala din silang pagkakataong makapag-date.

Pag-amin pa ng baguhang si Rayver noon sa YES!:

"Sasabihin ko po 'yong totoo, nagkita kami ni Sarah—bilang ko 'yan—'yong isa 30 seconds, 'yong isa 30 minutes.’

"'Yong thirty seconds po, sabi ko, 'Hindi ko na kaya. Gusto kitang makita.' Sabi niya, 'Sige. Sige.'"

Si Rayver ay nasa bahay noon ng girlfriend ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz, at malapit lang iyon sa bahay ni Sarah.

Dagdag ni Rayver tungkol kay Sarah: "Ang mahirap lang do'n sa kanila, kahit maglakad siya, hindi kasi siya pinapayagan. So, parang talagang do'n lang siya sa bahay nila. 'Yon 'yong mundo niya.

Continue reading below ↓

"E, ang lapit lang po, isang kanto lang. Sabi ko, 'Baka puwede tayong mag-meet?' Kung hindi ako puwede pumunta sa inyo... Kasi makita lang ako do'n sa pader... mahirap na, e.

"So sabi ko, 'Baka puwede kahit sa kanto.' So, siya rin naman pumayag.

"Sabi ko, di ko naman siya pinipilit, pero gustung-gusto ko siya makita. So ayun nga, nakatakas naman po siya.

"Pagkakita ko sa kanya sa kanto, sa sobrang tagal naming hindi nagkita, inakap ko po agad!

"Hindi ko nga alam kung may thirty seconds or fiteen seconds lang yata. Mga gano'n. Basta ang bilis po. Niyakap ko siya. Niyakap ko. At least, nayakap ko siya."

Kinalaunan ay naghiwalay din ang dalawa.

May mga sumunod pang mga aktor ang na-link kay Sarah, pero wala sa mga ito ang nagtuloy sa relasyon.

SARAH'S NEWFOUND FREEDOM

Hanggang sa dumating sa buhay ni Sarah si Matteo taong 2013.

Ngayon, matapos ang halos pitong taong relasyon, tila nakalaya na si Sarah sa mga mapagmasid na mga mata ni Mommy Divine.

Sumuway ito sa mga magulang at itinuloy ang pagpapakasal kay Matteo, sa isang secret ceremony sa Victory Church - Every Nation sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, nitong February 20, 2020.

Continue reading below ↓

Nabahiran pa ito ng kaguluhan dahil sa nangyaring komosyon sa biglaang pagdating ni Mommy Divine sa venue ng reception sa Ministry of Crab, Shangri-La at The Fort, BGC.

Dito lumabas na tutol si Mommy Divine sa relasyon ng celebrity couple.

THE NEWLEYWEDS SPOTTED SHOPPING

Ngayong nagsisimula na sa bagong kabanata ng kanilang buhay sina Sarah at Matteo, hindi maiiwasang mainit sila sa mata ng publiko kahit saan sila mamataan.

Marami kasi ang masaya na sinunod ni Sarah ang dikta ng kanyang puso ngayong nasa tamang edad na siya.

Noong nakaraang linggo, namataan silang namimili ng kitchen utensil para sa condo na kanilang tinitirhan.

Kapitbahay nina Sarah at Matteo sa condo ang ABS-CBN anchor na si Karen Davila at ang manager nila sa Viva Entertainment na si Vic del Rosario.

Ito ay ayon na rin sa post ni Karen sa kanyang Instagram Stories noong isang araw kung saan kasama niya sa larawan ang bagong kasal at si Boss Vic.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa caption, “Kapitbahays! (laughing with tears emoji) @matteog @justsarahgph Boss Vic! Newlywed Happiness!”

Kahapon naman, March 5, spotted ang mag-asawa sa isang malaking grocery store sa Alabang upang mamili.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newlyweds Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo-Guidicelli continue to be seen doing regular husband-and-wife duties like grocery shopping in Alabang. The two have been making headlines since the reported confrontation with Sarah's mom during the couple's secret wedding last month.
PHOTO/S: Courtesy to the owner / AshMatt : Mr. and Mrs. Guidicelli on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results