Angel Locsin, Sheree, other celebs react to 'drawing, staged, fake' comments about Kim Chiu ambush

by Bernie V. Franco
Mar 9, 2020
Angel Locsin, Sheree, and director Jerry Lopez Sineneng react following claims that the ambush incident involving Kim Chiu (extreme left) was allegedly staged.
PHOTO/S: Instagram

Napa-react ang ilang artista at showbiz personalities sa mga kumukuwestiyon at pinagdududahan ang nangyaring pananambang kay Kim Chiu noong nakaraang linggo.

Noong May 4, Miyerkules, pinaulanan ng bala ang sinasakyang van ni Kim sa may Katipunan Avenue at C. P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Dalawang armadong lalaking nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek.

Bukod kay Kim, sakay rin sa van ang kanyang driver at personal assistant.

Nakaligtas at walang nasaktan sa tatlo sa nangyaring insidente.

Kinabukasan, March 5, nag-post sa Facebook ang dating TV-radio broadcaster na si Jay Sonza.

Ang buod ng mahabang post ni Jay, isang “malaking drawing” umano ang nangyaring pananambang kay Kim.

"Sa totoo lang napakaraming butas ang sanaysay ni Ms. Chiu,” bahagi ng post ni Jay.

Sabi rin niya: “I find the story incredible to believe."

CELEBRITIES REACT

Una nang nagpahayag ng pagkadismaya si Sunshine Cruz sa bintang na “drawing” ang pag-ambush kay Kim, co-star niya sa teleseryeng Love Thy Woman.

Continue reading below ↓

Bahagi ng tweet ni Sunshine: “Dahil walang natamaan at walang namatay drawing agad?!”

March 6, sa pamamagitan ng Instagram, nagpatutsada si Direk Jerry Lopez Sineneng sa nagsabing kaduda-duda ang pamamaril sa sasakyan ni Kim.

Hindi binanggit ng direktor ang pangalan ni Jay, pero malinaw na ang tinutukoy ng direktor at ang dating brodkaster.

Bahagi ng post ni Jerry: “Kaya nakakalungot na may taong nag-iisip pa nang ganito tungkol sa pangyayaring naganap kay Kim Chiu.

“Ang tanong, bakit mag-iimbento ng ganitong kuwento si Kim Chiu? Para saan? Para ano?....

"Hay....

“Ang pangyayaring ito ay

“HINDI po gimik...

“HINDI po isang publicity stunt ...

“HINDI po scripted...

“At higit sa lahat hindi po ito isang MALAKING DRAWING.”

Continue reading below ↓

Isa sa mga nagkomento sa post ng direktor ay si Angel Locsin

Sabi ng Kapamilya actressL “NAKAKALOKA”

Ayon naman kay Sheree, hindi kailangan ni Kim ng ganitong publicity stunt.

Komento ng dating Viva Hot Babes member (published as is): “why would @chinitaprincess risk her life for a publicity stunt. She doesn’t need that.”

Ganito rin ang sentimyento ng mga co-star ni Kim sa Love Thy Woman na sina David Chua at MJ Cayabyab.

Ani David (published as is): “NakapaBaliw ng sumumlat! Sana sya ma ambush para malaman nya”

Komento ni MJ (published as is): “Napagka hayup ng taong yan direk. Sana ma ambush sya tapos tayo naman magsabe scripted”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi rin nagpaawat ang direktor na si Gino Santos, na nagkomento sa previous post ng boyfriend ni Kim na si Xian Lim tungkol sa insidente.

Sinagot ng direktor ang isang netizen na nagsabing “staged” ang pananambang kay Kim.

Buwelta ni Gino sa basher: “comment on your real account and stop hiding. lets see you try..coward."

Continue reading below ↓

Sumagot ang basher at binatikos ang direktor kung bakit daw nito pinag-aaksayahan ng panahon ang komento niya kung hindi ito importante.

Sagot ni Gino: "it is.. it is.. f*cking coward"

Wala namang tinukoy na tao si Direk Jose Javier Reyes sa kanyang tweet noong March 6, pero makahulugan ito.

Tweet ng veteran director: “What joy is there mocking someone who narrowly escaped death except for bitterness in the mouth & desperation to be relevant in the soul? #behappier”

Continue reading below ↓

KIM CHIU OFFERS PRAYERS

Samantala, sa kanyang Instagram Story nitong Linggo, March 8, nag-post si Kim ng mga larawan na tila kuha sa simbahan.

Kalakip ng mga larawan ay ilang religious verses.

Ang unang verse, na nakasulat sa TV screen, ay ito ang nilalaman:

“Do not let your hearts be troubled, do not stay afraid.

Continue reading below ↓

“It is really I who you see I offer you all my peace.”

Ito naman ang nilalaman ng ikalawang verse, na nakaukit sa isang gold-plated metal sa may candle stand area:

“O St. Therese of the Child Jesus, obtain for me by your powerful intercession the grace yearn for so ardently at this moment Cast a glance of pity on me as I leave all my troubles in your hands. Amen.”

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin, Sheree, and director Jerry Lopez Sineneng react following claims that the ambush incident involving Kim Chiu (extreme left) was allegedly staged.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results