Bianca Umali sa real score nila ni Ruru Madrid: "Happy ako, happy siya, happy kami."

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 11, 2020
"Happy" ang salitang naglalarawan kay Bianca Umali, pati na rin sa rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid at sa nangyayari sa kanilang dalawa.
PHOTO/S: (Left) @rurumadrid8 / (Right) Screenshot from 24 Oras, GMA-7

Kamakailan ay nag-post si Ruru Madrid sa kanyang Instagram account ng pagbati sa kanyang rumored girlfriend na si Bianca Umali.

Marami tuloy ang nagsapantaha na umamin na ang aktor tungkol sa tunay na estado nila ng Kapuso actress.

Sa interview naman ni Aubrey Carampel ng 24 Oras kay Bianca, inalam mula sa aktres kung ano nga ang real score sa kanila ni Ruru.

Continue reading below ↓

Video: GMA News.

Sagot ni Bianca: "Happy ako. Yun lang po ang masasabi ko.

"Basta happy ako, happy siya, happy kami."

Mahigit isa't kalahating taon ding naging mailap sina Bianca at Ruru sa pagsagot tungkol sa tunay na estado ng hinihinalang relasyon nilang dalawa.

Bukod sa manaka-nakang pahaging o hints sa social media posts ng dalawa, may mga sightings, video clips, at photos ang dalawa na laging magkasama.

Nung tinanong noon si Ruru tungkol sa kanila ni Bianca, panay ang iwas ng Kapuso actor sa tanong.

Lumikha naman ng ingay ang diumano'y eksenang nangyari sa parking lot ng isang mall sa pagitan nina Ruru at Bianca: muntik na raw masagasaan ni Bianca si Ruru dahil sa selos.

Ang Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng report tungkol dito, na pinabulaanan naman kalaunan ni Ruru sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Happy" ang salitang naglalarawan kay Bianca Umali, pati na rin sa rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid at sa nangyayari sa kanilang dalawa.
PHOTO/S: (Left) @rurumadrid8 / (Right) Screenshot from 24 Oras, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results