Albay Governor calls on constituents to self-quarantine following Mulatto singer's death

by Arniel C. Serato
Mar 20, 2020
Sinabihan ni Albay Governor Al Francis Bichara (kaliwa) ang kanyang mga kababayan, partikular na ang mga nakapanood at nakadaupang-palad ng bandang Mulatto, kasunod ng balitang pagpanaw ng lead singer ng banda na si Joey Bautista (kanan).
PHOTO/S: www.albay.gov.ph / Joey Bautista on Facebook

Nanawagan si Albay Governor Al Francis Bichara sa kanyang mga nasasakupan na mag-self-quarantine.

Ito ay kasunod ng balitang pagpanaw ng Mulatto band lead singer na si Joey Bautista kahapon, March 19.

Pumanaw si Joey habang naka-confine sa isang hindi pa pinangalanang ospital.

May usap-usapang COVID-19 diumano ang sanhi ng pagkamatay ng singer, ngunit wala pang kumpirmasyon tungkol dito.

Mahigit isang linggo bago pumanaw si Joey, nag-perform ang Mulatto band sa isang bar sa Legazpi, Albay noong March 11.

Ito ang dahilan kaya nagbabala si Governor Bichara sa kanyang mga kababayan.

Sa kanyang Facebook account kahapon, nanawagan ang gobernador na mag-self-quarantine ang mga taong nakapanood sa gig ng banda.

Maging sa mga nakasama ni Joey sa eroplano papunta ng Albay at pabalik ng Maynila.

Nakasaad sa post ni Governor Bichara, na nasa salitang Bicolano: “Sa gabos na nag attendir kan okasyon na kung saen nag tugtog ang banda na MULATTO Band kan March 11,2020 pinapakiurunan na mag Self Quarantine pati tabi su mga nakalunad kaini sa eroplano pasiring Legazpi sagkod pabalik Manila.”

Continue reading below ↓

“Mag report po sa number na ini kin saro kamo sa nakasabay kan nasambitang banda.

(Translation: “Sa lahat ng nag-attend ng party kung saan tumugtog ang Mulatto band noong March 11 pinakikiusapan na mag self-quarantine pati yung mga nakasakay sa eroplano papuntang Legazpi at pabalik Manila. Mag report sa number na ito kung isa kayo sa nakasabay ng nasabing banda.”)

Narito ang mga ibinigay niya COVID-19 HOTLINES:

09456823542 - GLOBE
09983393704 - SMART

09452962163 - GLOBE 2
09205901975 - SMART 2

Continue reading below ↓

Sa comments section ng post ng gobernador, mababanaag ang pagkabahala ng netizens ng Albay para sa mga taong nakahalubilo ng banda.

Sa ngayon, wala pang datos mula sa Department of Health (DOH) kung kasama si Joey sa mga naging biktima ng COVID-19.

Kasalukuyang mayroon 217 positive cases ng COVID-19 at 17 deaths sa Pilipinas.

Walo naman ang naka-recover.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinabihan ni Albay Governor Al Francis Bichara (kaliwa) ang kanyang mga kababayan, partikular na ang mga nakapanood at nakadaupang-palad ng bandang Mulatto, kasunod ng balitang pagpanaw ng lead singer ng banda na si Joey Bautista (kanan).
PHOTO/S: www.albay.gov.ph / Joey Bautista on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results