Davao City Vice Mayor Baste Duterte tests negative for COVID-19

by Arniel C. Serato
Mar 23, 2020
Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte is now out of danger from COVID-19 infection after isolating himself for 14 days.
PHOTO/S: Noel Orsal

Negatibo ang resulta sa COVID-19 test na isinagawa kay presidential son at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin kahapon, March 22, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na pinauwi na ng doktor ang nakababatang kapatid.

Tapos na kasing sumailalim sa 14-day self-quarantine si Baste.

Pahayag ni Mayor Sara sa local radio na Davao City Disaster Radio (DCDR) 87.5, “Giingnan siya sa doktor nga puwede siya mouili sa ilang balay (Sinabihan siya ng doktor na maari na siyang umuwi ng kanyang bahay).”

Inanunsiyo ni Mayor Sara na sumailalim si Baste sa self-quarantine noong March 16 matapos itong makaramdam ng pananakit ng lalamunan, ubo, at lagnat.

Ang mga ito ay sintomas ng corona virus disease-2019 o COVID-19.

Bumiyahe raw kasi si Baste sa Metro Manila kung saan may local transmission na ang virus.

Ito ang dahilan kaya isinailalim siya sa Person Under Monitoring (PUM).

Continue reading below ↓

Tinataguriang PUM ang isang tao kapag nagbiyahe ito sa bansa o lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Person Under Investigation (PUI) naman ang tawag kapag ang isang tao ay may direktang nakasalamuhang COVID-19 positive.

Sa kasalukuyan, ayon sa Department of Health, mayroon nang 462 positive cases sa Pilipinas; 33 deaths at 18 recoveries.

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte is now out of danger from COVID-19 infection after isolating himself for 14 days.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results