Baste Duterte now considered PUM (Person Under Monitoring)

by Arniel C. Serato
Mar 17, 2020
Presidential son and Davao City Vice Mayor Baste Duterte goes into self-quarantine after visiting Metro Manila three weeks ago.
PHOTO/S: Noel Orsal

Itinuturing na ngayong isang PUM—Person Under Monitoring—ang presidential son at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Ang mga taong itinuturing na PUM ay ang mga nagbiyahe sa mga bansa o mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Hindi ito nangangahulugang positibo na siya sa nasabing virus.

Boluntaryo na ring sumailalim sa 14-day self-quarantine ang bunsong anak ni President Rodrigo Duterte na si Kitty at dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Nakaramdam daw ng sintomas ng corona virus disease-2019 si Baste matapos itong bumiyahe sa Maynila may tatlong linggo na ang nakaraan.

Ayon sa ulat ng Minda News kahapon, March 16, si Baste na mismo ang nag-isolate sa sarili matapos makaramdam ng sore throat, ubo, at lagnat.

Ayon naman sa kapatid nitong si Davao City Mayor Sara Duterte, pinayuhan daw niya ang kapatid na huwag nang sumailalim sa COVID-19 test dahil tatlong linggo na raw ang nakalipas simula nang bumisita siya ng Maynila.

Continue reading below ↓

Lagpas na daw kasi ito sa labing apat na araw na incubation period ng COVID-19.

Dagdag pa ni Mayor Sara, “I hope you get well soon Vice Mayor Baste, and I hope wala kay [you don’t have] COVID- 19.”

Kasalukuyang naka-partial lockdown ang Davao City.

Umiiral naman sa Luzon ang enhanced community quarantine upang masupil ang pagkalat ng COVID-19.

Ang iba pang mga personalidad na naka-quarantine ay ang ex-girlfriend ni Baste na si Ellen Adarna, Bianca Manalo, Meg Imperial, at si Senator Migz Zubiri na nag-positibo sa COVID-19.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential son and Davao City Vice Mayor Baste Duterte goes into self-quarantine after visiting Metro Manila three weeks ago.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results