Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gapan mayor reaps praises for distributing one sack of rice, live chicken per household

by Arniel C. Serato
Mar 25, 2020
Mayor Emerson "Emeng" Pascual of Gapan City, Nueva Ecija personally distributes to his constituents one sack of rice and live chicken per household. He also allots 30,000 eggs each day to all residents.
PHOTO/S: Courtesy: Mayor Emeng Pascual - Serbisyo Publiko on Facebook

Pinapurihan ng netizens ang alkalde ng lungsod ng Gapan, sa Nueva Ecija, dahil sa kahanga-hanga raw nitong pagkalinga sa kanyang constituents ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Sa post ng isang taga-Gapan, inihalintulad niya ang kanilang mayor na si Mayor Emerson “Emeng” Pascual sa "viral mayors" ngayon ng Metro Manila na sina Pasig Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Isko Moreno.

Hindi lang kasi kilu-kilong bigas ang ipinamahagi ni Mayor Pascual sa kanyang constituents, kundi isang sakong bigas bawat isang bahay.

Nakalagay sa viral post ng netizen, na nagngangalang Omar, noong March 22: “50 Kilos of rice per family para sa taga Gapan.

“3000 pcs of eggs will be given daily to the residents of Gapan.”

Bukod pa rito, ibinigay raw ni Mayor Pascual ang naipon niyang suweldo simula nang manungkulan ito sa kanilang siyudad. Umabot daw ito sa P4.5 million.

“He donated his 4.5million salary na naipon simula ng naging Mayor sya ng Gapan dahil short ng 16million ang pondo para mkapag bigay ng 50kilos per family.

Continue reading below ↓

“He also added na dadagdagan nya daw po ng 1.5milyon ang naunang 4.5milyon para sumaktong 6Milyon.

“Ang natitirang 10milyon ay maaaring manggaling kay Kapitan Boy Pascual at kay Bokal Joy Pascual,” saad sa post.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

RICE GRANARY OF THE PHILIPPINES

Dagdag pa ng netizen, “He even closed the city to protect the residents of Gapan.

“If i'm not mistaken sya ang nag initiate na maglock down na nasundan ng mga katabing bayan sa Nueva Ecija dahil para sakanya ang Gapan ang first line papasok ng Nueva Ecija.

“That's our mayor right there working like a robot na hindi na nkakapag pahinga for the sake of his people.

“Nakiusap din sya sa mga taga Gapan na wag na sanang ibenta sa iba o sa labas ang mga inani nila dahil nangangailangan po ang bayan ng Gapan ng bigas pra po ang Bayan napo ng Gapan ang syang bibili ng mga bigas na iyan."

Continue reading below ↓

Pagmamalaki pa niya: “Kung may Vico ang Pasig, may Yorme ang Manila, may Emeng naman ang Gapan.

“Dagdag ko lang. Wala syang naging kalaban nung eleksyon.????
#VirusKalangBatangGapanKami

Ang post na ito ay mayroon nang halos 85K likes, 20K comments, at 52K shares.

Ang Nueva Ecija ang tinaguriang “Rice Granary of the Philippines.”

Continue reading below ↓

Ito marahil ang dahilan kaya madali lang ang access nila sa bigas.

Ang Gapan ay isang 4th class city, ayon sa census noong 2015.

Mayroon itong tinatayang populasyon na 110,000.

May tinataya namang 34,000 households ang siyudad, ayon mismo kay Mayor Pascual sa kanyang Facebook live.

GAPAN RESIDENTS PRAISE MAYOR PASCUAL

May iba pang papuri ang mga residente ng Gapan dahil sa tulong na ipinaabot sa kanila ng kanilang mayor.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

RICE, EGGS, CHICKEN

Samantala, mapapanood naman sa Facebook page ng alkalde ang pag-anunsiyo niya ng libreng isang sakong bigas bawat kabahayan, pati na ang personal niya mismong pamamahagi ng trak-trak ng bigas sa kanyang mga nasasakupan.

Continue reading below ↓

Bukod sa bigas at itlog, namahagi rin si Mayor Pascual ng mga buhay na manok para sa kaniyang mga kababayan.

Sabi niya sa kanyang post ngayong araw, March 25: “Manok pang sinampalukan at adobo para sa inyo.

"Yung hind pa nabibigyan ng bigas pipilitin ko po sa loob ng 7 araw lahat ng bahay may bigas na.

"Manghihingi po ako ng pang unawa 34 libo na ng bigas ang iniipon para sa inyo.

"Hiling ko lng po mga ingat tayo huwag lalabas ng bahay para sa ating kaligtasan..."

Continue reading below ↓

Nasa ikalawang termino na niy si Mayor Pascual bilang mayor ng Gapan.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Emerson "Emeng" Pascual of Gapan City, Nueva Ecija personally distributes to his constituents one sack of rice and live chicken per household. He also allots 30,000 eggs each day to all residents.
PHOTO/S: Courtesy: Mayor Emeng Pascual - Serbisyo Publiko on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results