Ellen Adarna confirms relationship with Spanish guy; avoids discussing breakup with John Lloyd Cruz

by Rachelle Siazon
Apr 15, 2020
Ellen Adarna is proud of her new beau, who is believed to be the Spanish guy Carlos Lemus (left). This, in effect, confirms previous reports that she and boyfriend John Lloyd Cruz (right) have broken up.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ekomsi Instagram

Kinumpirma ni Ellen Adarna na ang Spanish guy na si Carlos Lemus ang bagong nagpapatibok ng puso niya ngayon.

Ito ay makalipas ang ilang buwang espekulasyon kung hiwalay na nga ba sila ng huli niyang nakarelasyon—ang big star na si John Lloyd Cruz.

Nakapanayam si Ellen ni Mo Twister sa April 3 episode ng podcast na Good Times With Mo.

Dito tinanong ang sexy star kung kailan siya handang umibig muli o kung mayroon na ba siyang nakilalang special someone.

Masayang sagot ni Ellen, "Yes, I am dating someone.

"He's from Spain. Afam! If you know what afam is."

Ang "afam" ay urban slang term para sa foreigner.

Nilinaw pa ni Ellen na hindi nakabase sa Maynila ang kanyang special someone.

"It's a long-distance relationship," dagdag niya.

Hindi tuwirang binanggit ni Ellen ang pangalan ni Carlos, pero ito ang Spanish guy na pinadalhan niya ng sweet e-card at virtual kisses noong April 2.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Ellen, hindi mahirap para sa kanya ang magkaroon ng long-distance relationship, kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Maituturing pa raw niyang advantage na malayo sila ni Carlos sa isa't isa dahil prayoridad daw ng aktres ang anak na si Elias.

Si Elias ay anak ni Ellen kay John Lloyd.

Sabi ng Cebuana actress, "It actually works well for me. I have to spend time with my son.

"It works well for me. I'm not hassled at all."

BREAKUP WITH JOHN LLOYD

Inusisa ni Mo kung kailan naman magbibigay si Ellen ng "tell-all interview."

Hindi tinukoy ni Mo kung para saan ang tell-all na hinihintay nito mula sa aktres.

Pero hindi kaila sa publiko ang kuwento ng kontrobersiyal na relasyon nina Ellen at John Lloyd, na pumutok noong September 2017 hanggang sa mapabalitang hiwalay na sila noong August 2019.

Pag-uusisa ni Mo, "You know what I'm talking about. At some point, are you gonna tell the story?"

Continue reading below ↓

Alanganing saad ni Ellen, "Hmmm... that's the hard thing."

Kung three years from now, maging handa na kaya siya?

Sagot ni Ellen, "Probably. When shit really hits the fan, I probably would. Hahaha!"

Tila maingat pa rin si Ellen na mapanatiling pribado ang naging relasyon nila noon ni John Lloyd.

Ni hindi niya binabanggit ang pangalan ni John Lloyd, at tinutukoy lamang ito bilang "father" ng kanyang anak.

Tulad nang tanungin si Ellen kung kailan niya ipapakita sa publiko si Elias.

Sagot nito, "There are pictures though. It's been circulating.

"But I don't want it coming from me or his father."

Si John Lloyd ay kasalukuyang nasa Cebu, ang lugar ng pamilya ni Ellen, habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon at ilang lugar sa bansa.

Namataan si John Lloyd na kasama si Elias sa Moalboal, Cebu, noong March 21.

Spotted din ang premyadong aktor sa isang fastfood drive-thru sa Cebu noong Sabado ng gabi, April 11.

Continue reading below ↓

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 5, 2019, quoted ang isang source na nagsabing "co-parenting" ngayon sina John Lloyd at Ellen sa pagpapalaki ng kanilang anak.

Si Ellen ay 32 years old, habang si John Lloyd ay 36.

BETTER VERSION OF HERSELF

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Mo kay Ellen, nabanggit ng aktres ang pinagdaanan niyang depression nitong dalawang taon mahigit.

"It started before I got pregnant," saad ni Ellen, na nabuntis bandang September 2017.

Ipinanganak niya noong June 27, 2018 si Elias, na ngayon ay one year at nine months na.

Bukod sa mga isyu niya bago siya nabuntis, nakadagdag daw sa depression ni Ellen ang pagkamatay ng amang si Alan Modesto Adarna a "few weeks before I gave birth."

Dugtong niya, "I was in a very, very bad place."

Na-diagnose daw ng doktor na mayroon siyang "depression, anxiety, at post-traumatic disorder."

Bagamat nakatulong daw ang mga gamot na nireseta sa kanya, tila laging manhid ang pakiramdam niya at hirap siyang mapanumbalik ang likas niyang kasiglaan.

Continue reading below ↓

Kaya raw masaya si Ellen na epektibo sa kanya ang 14-day retreat sa Bali, Indonesia, para tuluyan siyang makawala sa depression.

Pagmamalaki pa ni Ellen, "Of course, I'm a different person now. I'm a mother. It's, like, Ellen 2.0."

Masaya raw siya bilang full-time mom at sa pagtatrabaho sa family-owned business na chain of hotels sa Cebu at piling lugar sa bansa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna is proud of her new beau, who is believed to be the Spanish guy Carlos Lemus (left). This, in effect, confirms previous reports that she and boyfriend John Lloyd Cruz (right) have broken up.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ekomsi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results