Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

John Lloyd Cruz to Bea Alonzo: “Minsan di ko na alam kung ano pa tayo.”

by Jet Hitosis
Apr 28, 2020
John Lloyd Cruz (right) to Bea Alonzo (left) : “Nandoon ka nung nagmahal ako. Nandoon ka nung nasaktan ako. Nandoon ka nung wala akong matakbuhan. Nandoon ka nung kailangan ko ng kaibigan. Nandoon ka nung kailangan ko ng kausap."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram, PEP file

Magtuturo lang sana si Bea Alonzo sa kanyang Instagram followers kung paano gumawa ng bagoong rice.

Pero umabot ng kalahating oras ang Instagram Live ni Bea, 32, sa tagal ng pag-uusap nila ng aktor na si John Lloyd Cruz, 36.

Kilig na kilig namang nanood ang fans, na halos dalawang dekada nang nakasubaybay sa kanilang love team.

Lunes ng gabi, April 27, nang mag-live ang aktres.

Ibinahagi ni Bea sa kanyang 7.6 million followers ang bagoong rice recipe niya.

Katatapos lang noon ni Bea magluto ng bagoong rice meals para sa frontliners ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).

Bahagi ito ng tuluy-tuloy na pagtulong ng organisasyong I Am Hope, kung saan co-founder si Bea.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Matapos idetalye ang kanyang recipe, nabanggit ni Bea na nakakalungkot na mag-isa lang siyang nagsasalita at walang kausap.

In-invite ng aktres ang ilang kaibigan na mag-live kasama niya, pero tinanggihan siya ng mga ito.

Hanggang sa may isang tumugon—si John Lloyd.

EIGHTEEN YEARS OF FRIENDSHIP

Nagkumustahan ang dalawa, at inalala ang pagkakaibigan nila sa nakalipas na 18 taon.

Para patunayang kilalang-kilala nila ang isa’t isa, hinamon ni Bea si John Lloyd na tanungin siya ng kahit ano tungkol sa aktor at sasagutin niya ito.

Tama ang sagot ni Bea sa lahat ng tanong ni John Lloyd.

Mula sa gustong kulay ng aktor hanggang sa paborito nito sa lahat ng nagawang pelikula.

Hanggang sa nagtanong si John Lloyd: “Kailan ako pinakamasaya?”

Sagot ni Bea: “Kapag kasama mo si Elias.”

Tinukoy ng aktres ang anak ni John Lloyd sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

August 2019 nang nagkahiwalay sina John Lloyd at Ellen.

Continue reading below ↓

Tumagal ng mahigit dalawang taon ang kanilang relasyon.

JOHN LLOYD ADMITS BEING LONELY

Bagamat sumang-ayon kay Bea na masaya siya kapag kasama ang anak, inamin ni John Lloyd na malungkot pa rin siya.

Andun pa rin daw kasi ang pakiramdam ng pag-iisa kahit may mga kasama siya.

Seryosong sabi ng aktor: “Pero iba pa rin, e.

“Parang may pag-iisa pa rin.

“Parang ito yata ang pinakamalungkot na uri ng pag-iisa.

“Iyong tipong pinapalibutan ka ng mga tao… [pero] nasasabi mong mag-isa ka pa rin,” anang aktor.

Hirit ni Bea: “Pero try mo pa rin maging masaya, kahit para kay Elias lang.”

Kasunod nito, inamin ni John Lloyd na dahil sa mga nangyayari sa mundo sa ngayon ay natatakot siya para kay Elias.

Pag-amin ni John Lloyd: “Natatakot ako na dito ko siya palalakihin sa ganitong mundo."

Idinugtong ng aktor na kung hindi sa sakit pumapanaw ang mga tao, namamatay ang mga ito dahil sa krimen.

Continue reading below ↓

“Iba na iyong mundong ginagalawan natin.

“Ibang-iba, e. Nakakatakot.”

“DI KO NA ALAM KUNG ANO PA TAYO…”

Nagpatuloy ang pag-uusap nina Bea at John Lloyd, na kadalasang nauuwi sa kulitan.

Dumating pa sa puntong nagpalitan sila ng linya mula sa mga dati nilang pelikula.

Partikular na ang mga klasiko nang dialogue sa blockbuster movie nilang One More Chance noong 2007.

Sa pelikula, gumanap sila bilang Popoy (John Lloyd) at Basha (Bea).

Umpisa ni John Lloyd: "She loved me at my worst... you had me at my best.

"Binalewala mo lang lahat ng iyon."

Sagot ni Bea: "I just made a choice, Poy."

"And you chose to break my heart," ganti ng aktor.

Continue reading below ↓

Pero sa kalagitnaan ng batuhan nila ng linya, biglang sumeryoso si John Lloyd.

Naglitanya ang aktor kung paanong kasa-kasama niya si Bea sa napakarami nang pangyayari sa kanyang buhay.

“Nandoon ka nung nagmahal ako.

“Nandoon ka nung nasaktan ako.

“Nandoon ka nung wala akong matakbuhan.

“Nandoon ka nung kailangan ko ng kaibigan.

“Nandoon ka nung kailangan ko ng kausap.

“Pag binabalikan ko lahat ng iyan, minsan di ko na alam kung ano pa tayo…kung sino tayo.

“Pero okay lang, kasi iyong mahalaga, yung nandoon ka.

“Iyon lang, sapat na iyon,” mahabang sabi ni John Lloyd.

Napaisip si Bea, ‘tsaka nagtanong: “Anong movie 'yan?"

Sagot ni John Lloyd: “Wala, gusto ko lang sabihin.”

JOHN LLOYD PLAYS THE GUITAR FOR BEA

Saglit na umalis si John Lloyd palayo sa camera.

Pagbalik ay may bitbit na siyang gitara.

Tumugtog ang aktor habang kumakanta ng "You Are My Sunshine."

Ang classic song ay orihinal na inawit ni Jimmie Davis noong 1939.

Continue reading below ↓

Sumabay si Bea sa pagkanta ni John Lloyd.

Nakangiti ang aktres habang pinapanood ang paggigitara ng ka-love team.

Bigla, nasambit ni Bea: “Na-miss kita.”

Napangiti si John Lloyd, nagsabi ng: “Na-miss kita.”

Nasa kalagitnaan ng pagtugtog si John Lloyd nang kumatok sa pinto at pumasok sa kuwarto si Elias.

Saglit na ipinakita ni John Lloyd sa camera ang anak.

Pinagkilala niya sina Elias at Bea.

Pagkatapos nito, nagpaalam na si John Lloyd sa aktres.

“Kailangan ko nang patulugin to,” ani John Lloyd.

“Sige lang,” sabi ni Bea.

“See you when I see you,” sabi ni John Lloyd.

THE BEA-JOHN LLOYD LOVE TEAM

Taong 2002 nang unang magkatrabaho sina John Lloyd at Bea.

Nagbida sila sa ABS-CBN teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay nang taong iyon.

Pumatok sa publiko ang kanilang tambalan at nagsunud-sunod ang kanilang projects.

Muli silang nagkasama sa mga teleseryeng It Might Be You (2003), Ikaw Ang Lahat Sa Akin (2005), Maging Sino Ka Man (2006).

Continue reading below ↓

Nagtambal din sila sa Kapamilya TV series na I Love Betty La Fea (2009) at A Beautiful Affair (2012).

Sa pelikula, nagkatrabaho sina John Lloyd at Bea sa My First Romance (2003), Now That I Have You (2004), at Close To You (2006).

Magkasama rin sila sa movies na All About Love (2006), Miss You Like Crazy (2010), at The Mistress (2012).

Pero sa pelikulang One More Chance pinakatinangkilik ng publiko ang kanilang love team.

Naging household names ang mga karakter nila sa pelikula na Popoy at Basha.

Nagkaroon pa nga ito ng sequel, ang A Second Chance.

Namayagpag din ito sa takilya noong 2015.

FANS WISH FOR REAL ROMANCE

Sa kabila ng showbiz hiatus ni John Lloyd noong 2017, nanatiling may komunikasyon sila ni Bea.

Huli silang nagsama sa isang proyekto noong February 14, 2020, Valentine’s Day.

Nagsagawa sina Bea at John Lloyd ng live script reading ng That Thing Called Tadhana sa Art Fair Philippines 2020 sa Makati City.

Continue reading below ↓

Ang That Thing Called Tadhana ang 2015 blockbuster rom-com movie na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Kinilig ang fans nina John Lloyd at Bea sa pagtatambal ng dalawa sa naturang Valentine’s Day event.

Iyon daw kasi ang unang beses na nagkasama sa Valentine’s Day ang magka-love team.

Iyon din daw, ayon sa fans, ang unang pagkakataong parehong single sina Bea at John Lloyd sa Araw ng mga Puso.

Nahiling tuloy ng Bea-John Lloyd fans na sana ay totohanan na silang magkarelasyon.

Sana raw ay ang dalawa na ang magkatuluyan.

Pareho pa ring single sina Bea at John Lloyd hanggang ngayon.

July 2019 nang nakahiwalay ni Bea ang aktor na si Gerald Anderson, matapos ang tatlong taong relasyon.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz (right) to Bea Alonzo (left) : “Nandoon ka nung nagmahal ako. Nandoon ka nung nasaktan ako. Nandoon ka nung wala akong matakbuhan. Nandoon ka nung kailangan ko ng kaibigan. Nandoon ka nung kailangan ko ng kausap."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results