PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Soberano says Pinoys in far-flung areas affected by ABS-CBN shutdown

Liza Soberano: "I hope this serves as an eye opener."
by Arniel C. Serato
Published May 18, 2020
Liza Soberano on ABS-CBN shutdown affects bringing news of the onslaught of typhoon Ambo nationwide: “I hope this serves as an eye opener. Yes, there are options, but not everyone has that luxury.”
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Facebook

Para sa Kapamilya actress na si Liza Soberano, 22, isang "eye opener" ang pananalasa ng bagyong Ambo sa epekto ng pagkawala sa himpapawid ng ABS-CBN.

Nitong Biyernes, May 15, ni-repost ni Liza sa kanyang Twitter account ang artikulo tungkol sa nalalapit na pananalasa ng Bagyong Ambo sa bansa.

Nakalagay sa titulo ng balita mula sa InterAksyon.com: “Closure of ABS-CBN broadcast operations affects Filipinos in far-flung areas amid Ambo’s onslaught”

Nakapaloob sa balita ang palitan ng kuwentuhan ng ABS-CBN News reporter na si Jeff Canoy at mga pulis sa checkpoint border ng Aurora province.

Base sa report, nalungkot din daw ang mga pulis na sa online na lamang maa-access ng mga kababayan nila ang ABS-CBN dahil mahirap daw ang internet connection sa bundok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang caption, sinabi ni Liza na sana raw ay magsilbi itong "eye opener."

Alam niyang may ibang "options" ang mga taong may computers at mobile phones, pero hindi raw lahat ay may ganoong "luxury."

Buong tweet ni Liza: “I hope this serves as an eye opener. Yes, there are options, but not everyone has that luxury.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nanalanta ang Bagyong Ambo madaling-araw ng Sabado, May 16, kung saan nag-landfall ito sa bayan ng San Policarpo, Eastern Samar.

Umabot sa 25,000 pamilya o 82,000 indibidwal ang naapektuhan sa halos 60 siyudad at bayan sa buong bansa ang naapektuhan ng bagyo.

May 54 tao ding nasugatan sa pananalasa nito.

Umabot naman sa halos isang bilyong piso ang pinsala sa agrikultura na iniwan ni Ambo.

HOT STORIES

NETIZENS REACT

Sa thread ng tweet na ito ni Liza, sinang-ayunan siya ng karamihan ng kanyang followers at tagahanga.

Narito ang ilan sa kanila:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHERE TO ACCESS ABS-CBN CONTENT?

Sa bisa ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC), nagsara ang operasyon ng ABS-CBN Corporation noong May 5.

Ito ay matapos mapaso ang prangkisa ng network noong May 5.

Ang ABS-CBN ang pinakamalaking free-to-air TV broadcast station sa Pilipinas.

Bukod sa flagship na Channel 2, mayroon itong 41 pang TV stations.

Mayroong 23 radio stations din ang network, kabilang ang DZMM sa AM band at MOR 101.9 sa FM.

Tigil-operasyon ang lahat ng ito.

Gayunman, marami pang ibang platforms ang ABS-CBN na napaglalabasan ng news, entertainment, at sports contents nito.

Patuloy na naghahatid ang network ng balita at impormasyon online sa pamamagitan ng website nitong news.abs-cbn.com.

Nagbo-broadcast pa rin ang ABS-CBN News Channel.

Hindi saklaw ng cease-and-desist order ang mga cable news channel, tulad ng ANC.

Regular din ang news update sa mga social media accounts ng ABS-CBN sa Facebook, Twitter, at Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa larangan ng entertainment at sports, nariyan pa rin ang website ng network na abs-cbn.com, gayundin ang YouTube channel at mga social media accounts ng ABS-CBN.

Napapanood din sa video streaming service app nilang iWant ang marami sa popular shows ng network.

Ngunit pa iba rin ang paghahatid-balita ng ABS-CBN sa free TV.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso.

Noong May 14, nagpasa ang Committee of the Whole ng Congress ng provisional franchise para sa istasyon hanggang October 31, 2020.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang nagpapanukala ng House Bill 6732 o An Act Granting the ABS-CBN Broadcasting Corporation A Franchise to Construct, Install, Operate, and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations in the Philippines, and For Other Purposes.

Ngayong araw, May 18, gaganapin ang Third Reading ng nasabing panukala sa plenaryo.

Kapag pumasa sa Kongreso, isusumite ang panukala sa Senado.

Pagkatapos ay ibibigay ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang legda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Speaker Cayetano, baka sa unang linggo ng Hunyo ay makakabalik na sa ere ang ABS-CBN.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano on ABS-CBN shutdown affects bringing news of the onslaught of typhoon Ambo nationwide: “I hope this serves as an eye opener. Yes, there are options, but not everyone has that luxury.”
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results