ABS-CBN President Carlo Katigbak counters House Deputy Speaker’s allegations

by Jet Hitosis
Jun 2, 2020
ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak (right) subtly takes a swipe at Solicitor General Jose Calida: “May nagsabi po kanina na ABS-CBN deceived many when we said that we are in the service of the Filipino. I believe there are many voices who will speak out and assert that our service to them has been genuine and real."
PHOTO/S: Jerome Ascano, Carlo Katigbak on Facebook

Isa-isang sinagot ni ABS-CBN President and Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak ang mga alegasyon laban sa Kapamilya network.

Ginawa ito ni Katigbak, 50, nang muli siyang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa franchise renewal ng ABS-CBN nitong Lunes, June 1.

Sa hearing, sinagot ng ABS-CBN top honcho ang apat sa mga argumentong inilatag ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa naunang pagdinig nitong May 26.

Hinaharang kasi ni Marcoleta, SAGIP Party-list representative, ang pagkakaloob ng panibagong 25-taong prangkisa sa ABS-CBN.

RELATED STORY

THE 50-YEAR CAP

Unang nilinaw ni Katigbak ang sinabi ni Marcoleta na nililimitahan daw ng batas sa 50 taon ang prangkisa ng isang broadcast network.

Ayon kay Marcoleta, lumampas na ang ABS-CBN sa limitasyong ito, dahil 53 taon na nitong ginagamit ang frequency mula sa gobyerno.

Pero iginiit ni Katigbak na ang tagal ng bisa ng franchise ang hindi dapat lumampas sa 50 taon, at hindi ang buhay ng isang kumpanya.

Continue reading below ↓

Ibinigay na halimbawa ni Katigbak ang ilang kumpanya na mahigit 50 taon na, pero nabigyan pa rin ng prangkisa.

Kabilang sa mga ito ang TV5, na 60 taon na; ang IBC, 65 taon; at ang PLDT, na 91 taon nang nag-o-operate.

GABBY LOPEZ’S CITIZENSHIP

Itinanggi ni Katigbak ang alegasyon ni Marcoleta na hindi Pilipino si ABS-CBN Chairman Emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III.

Sina Katigbak at Lopez ay magpinsan.

Paliwanag ni Katigbak, nakasaad sa 1935 Constitution na ang isang isinilang sa mga magulang na Pilipino ay awtomatikong kikilalanin bilang isang Pilipino.

Ang US citizenship ni Lopez, ayon kay Katigbak, ay ibinigay dito dahil sa Amerika ito isinilang.

“Ang pagiging American citizen at paghawak ng US passport ay hindi nangangahulugan na hindi siya Pilipino,” katwiran ni Katigbak.

Si Lopez ay anak ni Eugenio "Geny" Lopez Jr., ang founder ng ABS-CBN.

Inaresto at limang taong nakulong si Geny noong panahon ng martial law.

Continue reading below ↓

Nang nakatakas, nagpunta si Geny sa Amerika at doon na nakapag-asawa, kaya doon isinilang si Gabby Lopez.

RELATED STORY

PHILIPPINE DEPOSITARY RECEIPTS

Nagbigay-linaw rin si Katigbak sa pag-iisyu ng ABS-CBN ng Philippine Depositary Receipts (PDRs), na pinaparatangang katumbas daw ng foreign ownership sa kumpanya.

“Ang PDR ay hindi isang share or pagmamay-ari sa ABS-CBN,” ani Katigbak.

“Malinaw po ito, kasi ang humahawak ng PDR ay hindi nakakaboto sa kahit anumang bagay sa pamamalakad ng ABS-CBN.

“Paano ka magiging isang may-ari kung hindi ka puwedeng bumoto sa anumang bagay na may kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya?”

Bukod dito, aprubado ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagbebenta ng PDRs, sabi ni Katigbak.

Dagdag pa ng ABS-CBN President, nagbenta rin ng PDRs ang GMA-7, “pero hindi naman ito naging issue sa pagbibigay ng prangkisa nila.”

THE LOPEZES AND ABS-CBN

Ang ikaapat na issue ay tinawag ni Katigbak na “pinakamasakit na paratang.”

Ito ay ang pagkuwestiyon sa legalidad ng pagbawi ng pamilya Lopez sa ABS-CBN pagkatapos ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Continue reading below ↓

Isa ang ABS-CBN sa mga media company na inangkin ng gobyerno kasunod ng deklarasyon ng batas militar noong 1972.

Paliwanag ni Katigbak: “Hindi po ibinenta ng Lopez family ang ABS-CBN.

“Basta ginamit na lang ng iba ang mga facilities ng ABS-CBN na walang binayaran.

“Kaya hindi po totoo ang paratang na bigla na lang napasakamay muli ng mga Lopez ang ABS-CBN.

“Dahil sila naman ang tunay na may-ari nito.”

Aniya pa, ang pagbabalik ng ABS-CBN sa mga Lopez ay dinesisyunan ng Philippine Commission on Good Government (PCGG), Office of the President, at Korte Suprema.

“'Yan po ang aming katotohanan,” ani Katigbak.

“OUR SERVICE TO THEM HAs BEEN GENUINE AND REAL”

Sa pagtatapos ng pahayag ni Katigbak, sinagot din niya ang akusasyon ni Solicitor General Jose Calida, sa naunang opening statement nito sa pagdinig.

Inilitanya ni Calida ang lahat ng umano’y paglabag sa batas ng ABS-CBN, na ipinunto sa mismong quo warranto petition na inihain nito sa Supreme Court.

Continue reading below ↓

Pagkatapos, sinabi ni Calida: "For decades now, ABS-CBN has been deceiving the Filipino people.”

Bagamat hindi pinangalanan ni Katigbak si Calida, quoted naman niya ang sinabi ng tumatayong abogado ng gobyerno.

“May nagsabi po kanina na ABS-CBN deceived many when we said that we are in the service of the Filipino.

“I believe there are many voices who will speak out and assert that our service to them has been genuine and real.

“Sana ang taumbayan na lang po ang magsasabi kung ang serbisyo namin ay naging tunay at makahulugan sa kanila,” pagtatapos ni Katigbak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak (right) subtly takes a swipe at Solicitor General Jose Calida: “May nagsabi po kanina na ABS-CBN deceived many when we said that we are in the service of the Filipino. I believe there are many voices who will speak out and assert that our service to them has been genuine and real."
PHOTO/S: Jerome Ascano, Carlo Katigbak on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results