DJ Loonyo reveals true feelings for Ivana Alawi, falling-out with sexy star

by Rachelle Siazon
Jun 3, 2020
DJ Loonyo (left) on the "mess" he made involving Ivana Alawi (right) and a female friend: "For Claire, I'm sorry to drag your name in this... And for Ivana, for causing a lot of trouble in you. Know that I just love you."
PHOTO/S: @djloonyo / @ivanaalawi Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang alegasyong naudlot ang magandang samahan sa pagitan nina Ivana Alawi at DJ Loonyo, o kilala sa tambalang LooVana.

Hindi nakaligtas sa mapanuring avid fans ng dalawa na in-unfollow ni Ivana si DJ Loonyo sa Instagram at sa Twitter.

Ang itinuturong dahilan diumano ay isang non-showbiz girl na nauugnay sa binata.

May 27 nang basagin ni DJ Loonyo ang pananahimik niya sa isyu.

Sa pamamagitan ng Instagram Live, inamin ni DJ Loonyo na dumistansiya na sa kanya si Ivana.

Pero wala raw kinalaman ito sa sa kontrobersiya sangkot ang kaibigan ni DJ Loonyo na pinangalanan niyang "Claire."

Bungad ni DJ Loonyo sa kanyang higit 30-minute video: "I'm doing this, it's not because kailangan ko sagutin yung mga bashers.

"I'm doing this because these people are getting affected for what really happened.

"And these crazy bashers are getting into their lives, hindi lang sa akin.

"They don't deserve this bullshit. I deserve this bullshit 'coz I made a mess."

Continue reading below ↓

ON CLOSENESS WITH CLAIRE BEFORE IVANA

Ayon kay DJ Loonyo, si Claire ang babaeng madalas niyang makausap bago sila nagkaroon ng komunikasyon ni Ivana.

Naging malapit daw si DJ Loonyo kay Claire bandang "third week of March."

"First of all, bago pa yung Ivana na series, bago pa yung boyfriend prank, me and Claire were already exchanging messages.

"She's a good mother and all. Masarap kausap si Claire.

"Totoong tao. She knows all things in life too."

Nagkasundo raw sila sa maraming bagay.

Kuwento pa ni DJ Loonyo: "We're grooving. Nagdya-jive kami sa messages.

"As a guy who's single, it's normal for me.

"We're vulnerable to a lot of things, of course.

"I found I have to do something for this girl. Parang nakaramdam ako ng responsibility why me and this girl were exchanging messages.

"I think God wants me to do something for her."

Tingin ni DJ Loonyo, walang masama sa pakikipag-usap niya kay Claire.

Continue reading below ↓

Wala pa raw silang komunikasyon ni Ivana noong panahong iyon.

"And then, of course, I'm single, right?

"Wala akong karelasyon. As in zero, wala. Wala akong ka-message.

"Ano expect niyo sa tao na single? Of course, di ba?"

Aminado si DJ Loonyo na likas sa kanya ang pagiging "sweet guy."

Nais din daw niyang matulungan si Claire na "baguhin" ang isang aspeto sa buhay nitong hindi gusto ng binata.

Ani DJ Loonyo, "I took that responsibility and started inspiring her, and started exchanging a lot of good things for her to a point na pwedeng ma-misinterpret and all."

Tila dito nagkaroon ng problema—iba ang naiparamdam ni DJ Loonyo kay Claire gayong wala palang intensiyon ang binata na ligawan ito.

"But I have no plans to commit. Never ako nagkaroon ng plan para mag-commit.

"Kaya nga ako pumunta dito sa China is because I need to pursue my career and all.

Continue reading below ↓

"So, ginawa ko yun."

HOT STORIES

IVANA REACHES OUT TO DJ LOONYO

Hanggang sa nag-collaborate sina Ivana at DJ Loonyo.

April 7, 2020 nang ipalabas sa YouTube channel ni Ivana ang prank video kunsaan nagpanggap si DJ Loonyo na boyfriend ng actress-YouTuber.

Dalawang buwan bago nag-reach out sa kanya si Ivana, naisip na raw ni DJ Loonyo na sana ay magkaroon ng oportunidad na magkonek sila.

Balik-tanaw ni DJ Loonyo: "Ivana was really an energy. February pa lang, sabi ko, 'What if?'

"Kasi single nga ako. Sabi ko, 'Sino kaya puwede kong makaka-message pa? Makaka-inspire sa akin? Si Ivana kaya?'

"February pa lang. I didn't know that it will manifest.

"February pa lang, ina-attract ko na si Ivana. But I never messaged her."

Base sa lumabas na video noong April 7, plano ni Ivana na i-prank ang ina niyang si Fatima Marbella, na madalas nanonood ng TikTok videos ni DJ Loonyo.

Nakilala si DJ Loonyo bilang isang DJ/dancer/choreographer na gumagawa ng patok na dance challenges sa social media nitong panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Pero taong 2015 pa lang ay magkakilala na sina DJ Loonyo at Ivana.

Aminadong kinilig daw si DJ Loonyo nang lumapit sa kanya si Ivana at kinuntsaba siya para sa isang "boyfriend prank."

"Nung nag-message na si Ivana, 'Ganito, ganyan... maganda yung challenges mo.'

"The feeling was really different. Na kahit nagme-message kami ni Claire, the feeling was super different.

"I can't understand the feeling—yung kilig, yung pakiramdam."

Continue reading below ↓

ON HIDING CLAIRE FROM IVANA

Sobrang excited daw si DJ Loonyo dahil "2015" pa lang ay may paghanga na siya para kay Ivana.

Pero nagkamali raw siya nang itago niya kay Ivana ang pakikipag-usap niya kay Claire.

"First, she asked me, 'Wala bang masasaktan sa mangyayaring ito?

"So I told her—even if may kausap ako that time na si Claire—sinabi ko sa kanya na, 'Wala.'

"Kasi, technically, I am single."

Paliwanag ni DJ Loonyo, hindi naman daw siya nanligaw kay Claire, kaya tingin niya ay hindi na ito dapat banggitin pa kay Ivana.

"And then, malinaw sa akin kung ano yung intentions ko for Claire.

"Walang alam si Ivana nun. I completely hide Claire from Ivana.

"Kasi wala namang namamagitan sa amin ni Claire, e."

On hindsight, na-realize daw ni DJ Loonyo na hindi pa rin siya naging malinaw sa kanyang intensiyon.

"Meron akong irresponsible words na puwedeng umasa si Claire.

Continue reading below ↓

"But at the end of it, I'm technically single that time, and even up until now.

"So, nangyari yung prank. I lied to Ivana na wala akong nakaka-message."


DJ LOONYO FALLS FOR IVANA

Sa puntong ito ay inamin ni DJ Loonyo na naging totohanan ang feelings niya para kay Ivana.

Continue reading below ↓

Nahulog daw ang loob niya sa actress-YouTuber mula nang gawin nila ang boyfriend prank video.

Damang-dama raw ni DJ Loonyo ang totoong kilig nang magpanggap siyang nobyo ng dalaga.

Lahad niya: "To tell you honestly, even before nung 2015, alam ko na meron akong pagtingin kay Ivana.

"Pero that time, I have a girlfriend.

"So, parang ngayon, nangyari. Nung nangyari na, we were talking every day.

"After that boyfriend prank, talagang nag-uusap kami araw-araw.

"She was consistently helping me with a lot of things na hindi ko alam.

"She taught me a lot of things especially with YouTube."

Hanggang sa tuluyang nanligaw si DJ Loonyo kay Ivana.

May kislap sa matang paglalarawan pa ni DJ Loonyo:

"As time goes by, si Ivana was really my top priority. She's very special to me.

"To a point na kapag nagme-message siya, automatic talagang masayang-masaya ako mag-reply.

"Kahit ultimo one line lang message niya, ang haba ng reply ko sa kanya."

Continue reading below ↓

Kusa raw na umibig si DJ Loonyo kay Ivana.

"You can't hide what you feel.

"For Ivana, it's not only about what I feel. It's what I think of her.

"Ang pagmamahal kasi, hindi 'yan parang nararamdaman mo lang, e.

"Kahit hindi siya mag-reply the whole day, I am completely okay.

"Kasi pag mahal mo yung tao, mahal mo yung tao.

"What I felt for Ivana is deeper than that.

"I decided to love her. I decided to do things that will make her feel happy and special."


Continue reading below ↓

Sa parte ni Ivana, naging bukas din siya sa madalas na pag-uusap nila ni DJ Loonyo.

Sa kanyang vlog noong April 16, Ibinuking si Ivana ng kanyang Mommy Fatima at kapatid na si Mona Louise Rey na madalas silang nag-uusap ni DJ Loonyo.

Sa sumunod na vlog ni Ivana noong April 21, makikitang tinawagan ni Ivana si DJ Loonyo na nakabase sa China.

Pinaamin ni Ivana si DJ Loonyo kung ano ang mayroon sa pagitan nila.

Sumagot naman ang binata na "napaka-special mo sa akin."

Madalas din silang magkulitan sa Twitter.


Continue reading below ↓

DJ LOONYO HIDES FEELINGS FOR IVANA FROM CLAIRE

Sa kabilang banda, hindi naputol agad ang komunikasyon ni DJ Loonyo kay Claire.

Madalas pa rin daw silang magpalitan ng mensahe, pero kaibigan lang daw talaga ang turing ni DJ Loonyo rito.

"At that time—hindi ko alam kung paano i-deliver—but I was toning everything down with Claire.

"As in, pinapababa ko yung nangyari.

"Wala akong intensiyon na magkaroon ng relationship with Claire.

"I want to highlight na I want to be a great friend for her na nag-i-inspire, to make her believe that she can do better with her life."

Bakit hindi niya agad inamin kay Claire na nahulog na ang loob niya kay Ivana?

Sagot ni DJ Loonyo: "Kasi ayoko masaktan din si Claire or ma-felt bad si Claire, and I'm into this situation already.

"I even asked God, 'Anong gagawin ko dito? How can I release this certain energy with Claire?'

Continue reading below ↓

"I decided to tone it down.

"Habang nag-uusap kami ni Claire, umaabot kami for hours. 'Coz I just want to be a good person for Claire."

Sa loob-loob daw ni DJ Loonyo, gusto niyang protektahan si Ivana.

At hindi niya alam kung paano sasabihin kay Claire na walang kinalaman si Ivana kung bakit nais na niyang lumayo rito.

Paliwanag ni DJ Loonyo: "Ayoko makasakit and all. Ayoko sabihin, 'Ito nararamdaman ko for Ivana.'

"Tapos biglang masasaktan yung isang tao. Ayoko ng ganun.

"Ayoko mag-isip siya na dahil kay Ivana kaya ko tinapos ito. Hindi.

"Kumbaga, gusto ko tapusin ito kasi hindi ito ang gusto ko."

Pero lalo lamang naging kumplikado ang sitwasyon dahil hindi naging tapat si DJ Loonyo kay Claire.

Pag-amin ng DJ-dancer: "I even lied to Claire na kung anong meron sa amin ni Ivana was just showbiz and all.

"Kasi siyempre, ayaw mong idiretso sa kanya.

"Ayaw mong masaktan to a point na i-bash niya yung tao or magtanim siya ng galit kay Ivana.

Continue reading below ↓

"Kasi it's not about Claire. It's not about Ivana.

"It's about what I feel inside for Ivana."

Mali nga, ayon kay DJ Loonyo, ang aksyon niyang iyon.

"So, itinago ko yun. Sinabi ko kay Claire na it's just showbiz.

"So, maiintindihan mo na masasaktan yung tao.

"And then, sabi ko ano lang, 'Hindi kami nag-uusap ni Ivana.' Kasi ayoko magtanim siya ng galit.

"And I know it's a mistake. I'm completely aware that time that it's a mistake."

Ayon pa rin sa salaysay ni DJ Loonyo, sa paglipas ng mga araw ay tinapat na rin niya si Claire.

Napagtanto raw ni DJ Loonyo na hindi niya matutulungan si Claire sa kung anumang aspeto ng buhay nito na gusto sanang ayusin ng binata noon.

"Maybe that second week of April, I think I decided to cut things for Claire, kasi bumalik siya...

"Basta I can't tell it specifically.

"I see it as an opening or a hole, na parang, 'Let's end it here.' Any conversation, wala.

Continue reading below ↓

"Kasi tinutulungan ko siya mas maging better version ng sarili niya. Ini-inspire ko siya na she can do more.

"E, bumalik siya sa ganun. So, okay."

Mula second week of April hanggang May, tutok na raw si DJ Loonyo kay Ivana.

Dagdag niya, "From that time, malinis. It was just Ivana all throughout."

DENIES USING IVANA FOR FAME

Base pa rin sa Instagram Live video ni DJ Loonyo, mariin niyang pinabulaanan ang alegasyong ginagamit niya si Ivana para sa kasikatan.

Todo-batikos daw kasi ang bashers kay DJ Loonyo.

Tingin nila, dumikit umano si DJ Loonyo kay Ivana dahil sikat ito bilang web star.

Si Ivana ay mayroong 6.98 million subscribers sa YouTube.

Si DJ Loonyo naman ay nagsimula sa YouTube noong buwan ng Abril, at mayroon nang 1.27 million subscribers sa kasalukuyan.

Pero pinabulaanan ni DJ Loonyo ang alegasyong ginamit niya ang "hype" sa tambalan nila ni Ivana na "LooVana."

Continue reading below ↓

Napatunayan din naman daw niyang mayroon siyang sariling followers bago pa sila nag-collaborate ni Ivana.

Bukod sa kanyang TikTok videos, nakilala si DJ Loonyo dahil sa viral Facebook Live video niya tungkol sa personal niyang karanasan sa lockdown sa China noong Marso.

Giit ni DJ Loonyo: "I never used Ivana. Not even a single minute na intention na gagamitin ko si Ivana.

"Kapal ko naman. Never ako nanggamit ng tao.

"Para what? Para sumikat or para makuha yung gusto ko?

"Never ko inisip na ginagamit yun. Alam ni Ivana 'yan."

Pinag-ingatan pa raw ni DJ Loonyo na hindi matunugan ng netizens ang panliligaw niya kay Ivana.

Nagkataon lang daw na si Ivana mismo ang nag-post ng bouquet of Ecuador roses na ipinadala niya rito noong May 7.

Walang inilagay na caption si Ivana sa Twitter post niyang iyon.

Sabi naman ni DJ Loonyo: "I never told Ivana to post something about the flowers.

Continue reading below ↓

"I even get the private na gagawa ng flowers, para siguradong hindi lalabas itong ganitong klaseng action ko.

"Ayaw ko malaman ng media or ng social media. Gusto ko yung personal actions ko towards Ivana is just low-key.

"Kasi hindi naman kailangan malaman ng tao kung ano yung gusto ko mangyari sa nararamdaman ko for Ivana."

Continue reading below ↓

Base sa timeline na inilahad ni DJ Loonyo, regular pa raw ang komunikasyon nila ni Ivana noong May 7.

Binibigyan pa raw nila ng payo ang isa't isa sa mga bagay-bagay.

DJ LOONYO TURNS TO CLAIRE FOR "ADVICE"

Hanggang sa dumanas daw ng "anxiety issue" si DJ Loonyo.

Iyon daw ang panahon na, aniya, "I needed a lot of attention."

Hindi raw niya maistorbo si Ivana. Lalo pa't ito raw ang tipo ng babaeng ayaw ng idinadaan sa "cell phone" ang panliligaw.

Sabi pa ni DJ Loonyo: "Of course, si Ivana is just protecting herself too.

"Gusto niya personal, which is sinabi naman niya na pag-uwi or if ever. So, naintindihan ko yun.

"As a single guy, alam ko mahal ko si Ivana, alam ko may nararamdaman ako kay Ivana."

Pero dahil walang makausap, nag-reach out daw si DJ Loonyo sa kaibigan niyang si Claire.

"That time, I called Claire.

Continue reading below ↓

"Kasi si Claire, makakaintindi siya, kaya niya magbigay ng advice and all.

"Nag-usap kami. I know I was drunk at that time."

Nag-sorry raw sa isa't isa sina Claire at DJ Loonyo sa anumang samaan ng loob nila.

Buong akala naman ni DJ Loonyo, malinaw kay Claire na tumawag lang siya bilang kaibigan.

Patuloy niya: "And then, I just said na, 'You know, you deserve a guy that will understand you and all. You're a great person and all.'

"Nagulat ako kinabukasan, na-misinterpret niya.

"I told her, 'Sinabi ko yun because I want to be a great friend of yours, kaya ako nag-advice.'

"Yun pala ang inisip niya, akala niya ako yung guy na nire-refer ko dun sa sinasabi ko—which is hindi."

Tinapat daw ni DJ Loonyo si Claire na hindi siya ang lalaking para rito.

"From there, nagkaroon na naman ng commotion. Hindi yun ang gusto ko mangyari.

"'Alam mo, Claire, na it's complicated, ayoko,' so gumanun na ako."

Continue reading below ↓

ONE-WEEK SILENCE BETWEEN DJ LOONYO AND IVANA

Bukod sa anxiety issue, nagkaproblema rin daw si DJ Loonyo sa negosyo niyang dance studio sa China.

Naipit daw siya sa isang "business war," at ayaw raw niyang idamay si Ivana sa "bigat" na kanyang nararamdaman.

Pero aminadong nagtampo si DJ Loonyo dahil hindi siya hinanap ni Ivana noong biglang naputol ang kanilang komunikasyon.

Isang linggo raw siyang hindi nagparamdam sa actress-YouTuber.

Ani DJ Loonyo: "I never messaged her one week.

"Sana man lang kinumusta niya ako sa nangyari sa akin.

"Nandun yung ganung klaseng, alam mo yun, the child in me, na sana matanong niya ako and all."

Iyon daw ang linggong naging abala si DJ Loonyo sa paggawa ng dance steps para sa "Bawal Lumabas" song ni Kim Chiu.

Lumabas ang YouTube vlog niyang iyon noong May 25.

Nakapaglabas din daw si DJ Loonyo ng dance challenges sa Instagram, at hindi ipinahalata na may pinagdadaanan siyang problema.

Continue reading below ↓

Nang handa na siyang mag-open up kay Ivana, ang dalaga naman daw ang nagtampo kay DJ Loonyo.

Nagkalamat daw ang pagkakaibigan nila dahil sa pambabalewala niya sa pinagsamahan nila.

"Nage-gets ko. Hindi ko naisip yung mararamdaman ni Ivana.

"When I messaged her after one week, na ready ako to tell her what really happened to me the past week...

"Of course, nandun yung damage na, 'Bakit ime-message mo lang ba ako pag positive ka? Paano kung negative ka?

"'Hindi mo man lang naisip nararamdaman ko nung di ka nag-message. You suddenly ghosted me.'"

Humingi raw ng paumanhin si DJ Loonyo kay Ivana.

"Naintindihan ko yun. I said sorry for her. I told her my sincerest apology and all.

"Because I have my own reasons—na mali.

"Tao tayo, nagkakamali. Normal tayo."

Ang sinasabi ni DJ Loonyo na biglang paglaylay ng komunikasyon nila ni Ivana ay tugma sa sinabi ng dalaga sa vlog nito noong May 14.

Continue reading below ↓

Kinumpirma rito ni Ivana na ang flowers na ipinost niya sa Twitter noong May 7 ay galing nga kay DJ Loonyo.

Pero aniya, "friends" lang sila at "we don’t talk as much as we talk before…"

Nabanggit pa noon ni Ivana na hindi niya isinasara ang pintuan kay DJ Loonyo, sakaling magbalik na ito sa Pilipinas.

Hanggang sa nagkaroon nga raw ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.


Continue reading below ↓

IVANA UNFOLLOWS DJ LOONYO

Kinumpirma ni DJ Loonyo na kamakailan lang ay in-unfollow siya ni Ivana sa Twitter at Instagram.

Tingin ni DJ Loonyo ay wala iyong kinalaman sa kontrobersiya sangkot si Claire.

Giit niya, "I believe Ivana unfollowed me not because of Claire.

"But it's because of what happened first—yung one week na hindi ako nag-message for my stupid reason.

"Nakakabobo rin talaga yung pagmamahal, guys, sa totoo lang."

Pero in-unfollow rin daw siya ni Claire sa social media.

"Nag-unfollow si Claire because...

"Hindi mo rin maintindihan si Claire minsan, e. Bigla-bigla na lang.

"Nag-unfollow siya because of her personal reasons.

"Never kami nag-away. Wala."

Hanggang sa nagulat na lang daw si DJ Loonyo sa isyung inuugnay si Claire sa pag-unfollow sa kanya ni Ivana.

"And then this chaos came up. It's because of these stupid bashers.

"Sobrang init lang ng pananaw nila sa akin."

Umapela si DJ Loonyo na sana ay huwag sisihin ng bashers sina Ivana at Claire.

Continue reading below ↓

"Just to clear things, I never used Ivana.

"Claire was a good person—mautak na tao, she loves her family so much, she loves her daughter so much.

"Ako lang dapat target niyo. They're just victims of how I mishandled the situation.

"Don't drag people's names. Ako na lang."

Continue reading below ↓

DJ LOONYO APOLOGIZES TO IVANA AND CLAIRE

Sa huli, inako ni DJ Loonyo na siya ang puno't dulo ng kontrobersiya.

Alam daw niyang mali na itinago niya si Claire kay Ivana, at si Ivana kay Claire.

"Wala naman ibang ihe-hate dito kundi sa akin kasi sa akin naman nanggaling ang desisyon.

"The mistake was from me. It happened on that moment.

"There's a reason why it happened on that moment.

"I mishandled it, I understand."

Humingi ng dispensa si DJ Loonyo kina Ivana at Claire.

"For Claire, I'm sorry to drag your name in this. I'm sorry that people dragged your name because of me.

"And for Ivana, for causing a lot of trouble in you.

"Know that I just love you. Know that you're really special to me. Know that you're really important to me."

Paulit-ulit na idiniin ni DJ Loonyo na sinsero ang pagtatangi niya kay Ivana.

"Hindi ko siya niloko. Pag niloko mo yung tao, hindi totoo yung nararamdaman mo.

Continue reading below ↓

"Yung nararamdaman ko kay Ivana is real and pure."

Pero maiintindihan daw niya kung isang taon daw siyang hindi kausapin ng dalaga.

Ani DJ Loonyo, "I just love Ivana. I'm gonna continue supporting her all the way.

"I'm gonna continue loving her from afar."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo (left) on the "mess" he made involving Ivana Alawi (right) and a female friend: "For Claire, I'm sorry to drag your name in this... And for Ivana, for causing a lot of trouble in you. Know that I just love you."
PHOTO/S: @djloonyo / @ivanaalawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results