Andre Paras declares love for stepmom; vows to protect her from naysayers

by Rachelle Siazon
Jun 3, 2020
Kapuso actor Andre Paras to stepmom Lyxen Diomampo: "No matter what people say against you I’m still here to back you up and protect you."
PHOTO/S: @andreparas Instagram

Isang madamdaming birthday message ang inihandog ni Andre Paras sa kanyang stepmom na si Lyxen Diomampo.

Kalakip nito ang litrato ni Andre na mahigpit na yakap si Lyxen.

Ibinahagi niya ito sa Instagram pasado alas-tres ng umaga nitong June 3, Miyerkules.

Bungad ng 24-year-old Kapuso actor: "HAPPY BIRTHDAY MOM [heart emoji]

"I want to thank you for being there for me and taking care of me all these years.

"I’m thankful that we were able to live a private and simple life."

Si Lyxen ang asawa ng ama ni Andre na si Benjie Paras.

Si Andre ay panganay na anak ni Benjie sa ex-wife nitong si Jackie Forster.

Bihirang magsalita si Andre tungkol sa pribadong buhay ng kanyang pamilya.

Pero naglabas ng saloobin ang aktor sa mga taong humuhusga sa kanyang stepmom nang wala raw sapat na basehan.

HOT STORIES

DISMAYED BY STEPMOM'S DETRACTORS

Ang totoo, ayon kay Andre, hanga siya sa mga magulang na sina Benjie at Lyxen sa maayos na pagpapalaki sa kanya.

Continue reading below ↓

"I hate how people think they know you and say hurtful and mean things.

"It makes you wonder how in the world people come up with these negative things yet we live a private life.

"If you were a bad person who raised me shouldn’t I also have a bad reputation and a bad life?

"No, that’s because you and dad raised me the way a child should be raised."

Inihayag din ng Descendants of The Sun actor na sa sobrang pagmamahal niya kina Lyxen at Benjie ay ayaw pa niyang umalis sa poder ng mga ito.

"I’m 24 and you and dad support me in moving out but I still choose to live under your roof because I don’t want to miss waking up to an amazing family."

May tatlong kapatid sa ama si Andre.

Dagdag na mensahe ni Andre para kay Lyxen, "No matter what people say against you I’m still here to back you up and protect you.

Continue reading below ↓

"I love you and thank you for being my mom."

BONDING WITH MATERNAL SIBLINGS

Kamakailan lang ay nakapiling naman ni Andre ang buong kapatid na si Kobe Paras, pati na ang tatlo nilang maternal siblings.

Si Jackie ang kumuha ng litrato nina Andre, Kobe, at tatlong anak ng aktres sa second husband niyang si Michel Franken.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa si Jackie dahil iyon ang unang pagkakataong kumpleto ang lima niyang anak sa isang group photo.

Mas madalas kasing si Kobe ang nakikitang kasa-kasama ni Jackie.

ALL GOOD BETWEEN ANDRE AND MOM JACKIE

Pero noon pang January 2020, una nang nilinaw ni Andre na "okay" sila ng kanyang inang si Jackie.

Madalas din daw nagkikita sina Andre at 22-year-old brother niyang si Kobe kapag may libre silang oras.

Sadyang hindi lang daw siya ma-post sa social media.

Sabi pa ni Andre sa ulat ng PEP Troika, "Ang isyu, pinagtatawanan na lang namin.

"Kasi, of course, ganoon talaga ang mga nasa social media. Kung ano ang makita, believe agad.

"Meron naman kaming private lives na, of course, hindi kailangang sabihin sa mga tao."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Andre Paras to stepmom Lyxen Diomampo: "No matter what people say against you I’m still here to back you up and protect you."
PHOTO/S: @andreparas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results