Non-showbiz girl reveals Ivana Alawi messaged her amid DJ Loonyo issue

by Rachelle Siazon
Jun 4, 2020
Claire Gomez (left), the non-showbiz girl being linked to DJ Loonyo (center), clarifies she has nothing to do with his rift with Ivana Alawi (right).
PHOTO/S: Youtube / @djloonyo / @ivanaalawi Instagram

Lumantad ang non-showbiz girl na si Claire Gomez matapos masangkot sa isyung pag-unfollow ni Ivana Alawi sa social media accounts ni DJ Loonyo.

Si Claire ang itinuturong dahilan diumano ng biglaang pagkaudlot ng magandang samahan nina Ivana at DJ Loonyo, na kilala sa tambalang LooVana.

Pero nilinaw ni Claire na wala siyang kinalaman kung bakit nagdesisyon si Ivana na dumistansiya kay DJ Loonyo.

May 29, 2020 nang ilabas ni Claire ang kanyang bersiyon ng pagkakakilanlan nila ni DJ Loonyo, sa pamamagitan ng Instagram Live video, na kumalat sa social media.

Pahayag ni Claire: "Ayoko makasira ng ibang tao. Pero ako yung nasisira.

"I was just asking Rhems to clear my name.

"Na baka puwedeng i-clear mo lang na hindi naman talaga ako ang rason kung anong issues niyo ni Ivana right now.

"And he did that."

Rhems ang palayaw ni DJ Loonyo, na ang full name ay Rhemuel Lunio. Kasalukuyang nakabase si DJ Loonyo sa China kunsaan may-ari siya ng isang dance studio.

Continue reading below ↓

Si Ivana ay Kapamilya actress at kilalang YouTube star.

Habang si Claire ay hindi tiga-showbiz, pero katulad ni Ivana ay naninirahan sa Pilipinas.

Ayon kay Claire, dalawang beses nag-Instagram Live si DJ Loonyo para linawin ang kontrobersiya sangkot silang tatlo nina Ivana.

"Pero nagulat ako nag-Live siya ulit because I told him I knew everything already."

DJ LOONYO'S DETAILED EXPLANATION

Ikalawang Instagram Live ni DJ Loonyo ang lumabas noong May 27, 2020.

Dito inamin ng DJ-dancer na nag-overlap ang panliligaw niya kay Ivana at pakikipagkaibigan niya sa isang non-showbiz girl na si Claire.

Detalyadong ipinaliwanag ni DJ Loonyo na "third week of March" nang makagaanan niya ng loob si Claire dahil "totoong tao" at "masarap kausap" ito.

Aminado si DJ Loonyo na naging "sweet" siya kay Claire "to a point na puwedeng ma-misinterpret and all."

Pero wala raw siyang intensiyong mag-commit sa isang relasyon noon.

Hanggang sa nag-collaborate sina Ivana at DJ Loonyo para sa "boyfriend prank" video ni Ivana, na lumabas sa YouTube noong April 7.

Continue reading below ↓

Lahad ni DJ Loonyo, mabilis na nahulog ang loob niya kay Ivana at niligawan niya agad ito.

Inamin niyang nagkamali siya na hindi ipagtapat kay Ivana na may non-showbiz girl siyang madalas nakakausap bago sila naging close.

Kahit pa raw tingin niya ay "technically single" siya, inako ni DJ Loonyo na mali rin na hindi niya sinabi kay Claire na nanliligaw na siya kay Ivana.

Pero bandang "second week of April," pinutol na raw ni DJ Loonyo ang komunikasyon nila ni Claire.

Maliban sa dalawang beses na pag-uusap nila noong Mayo, may isang linggong hindi nagkibuan sina DJ Loonyo at Ivana.

HOT STORIES

CLAIRE BLOCKS DJ LOONYO

Sa pagpapatuloy ng salaysay ni Claire, sinabi niyang nagdesisyon siyang i-block si DJ Loonyo sa social media.

Kapag na-block ang isang tao sa Instagram o Twitter, automatic na maa-unfollow ito sa social media.

Pag-amin ni Claire, "I blocked him kasi he made me confused kung ano yung trato niya sa akin.

Continue reading below ↓

"Na-confuse ako dun, and that's my personal reason."

Pero wala raw kinalaman si Ivana sa kanyang desisyon.

Ni hindi nga raw niya alam na nanliligaw pala si DJ Loonyo kay Ivana.

Nagulat na lang daw si Claire nang makatanggap siya ng mga mensahe mula sa bashers na sinisisi siya sa pag-unfollow ni Ivana kay DJ Loonyo sa social media.

CLAIRE SAYS IVANA MESSAGED HER

Hanggang sa si Ivana na raw ang mismong nag-reach out kay Claire.

"When Ivana messaged me nung pumutok yung issue—na yun nga, ako ang dahilan kung bakit siya in-unfollow ni Ivana..."

Tukoy pa ni Claire kay DJ Loonyo, "Kasi ako yung unang nang-block sa kanya, e. Night ko siya blinock.

"Then, the next day, Ivana blocked him too.

"So, nakonek sa akin kung bakit siya in-unfollow ni Ivana.

"Kaya nagulat ako kasi hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Ivana."

Ayon na rin sa Instagram Live ni DJ Loonyo noong May 27, ang paliwanag niya noon kay Claire tungkol sa ugnayan nila ni Ivana ay "it's just showbiz."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Claire ukol dito, "If you were treating me as a good friend, fine.

"Then, why will you lie to me that you really have feelings for Ivana?

"Which is okay lang naman sa akin."

Hanggang sa nalaman na lang daw ni Claire na itinago rin pala siya ni DJ Loonyo kay Ivana.

Ani Claire, "Kasi wala rin alam si Ivana, e. Wala rin siyang alam sa mga nangyayari."

Maayos daw ang naging pag-uusap nina Claire at Ivana.

Dugtong ni Claire, "She messaged me to lift me up, to comfort me.

"Kasi nakarating sa kanya na bina-bash ako. Ako yung sinisisi dahil dun.

"So that's the only time na we both knew kung ano yung totoo."

MESSAGE FOR BASHERS

Paulit-ulit namang umapela si Claire sa mga bumabatikos sa kanya.

Inakusahan daw siyang "retokada" at pati ang pagiging "single mom" niya ay pinupuntirya ng bashers.

"Kung sarado ang isip niyo, huwag niyo akong idamay.

Continue reading below ↓

"Whatever happened to Ivana and Loonyo, sa kanila na yun. Huwag niyo akong tanungin."

Wala raw siyang kasalanan dahil naging mabuting kaibigan lang siya ni DJ Loonyo.

May mga naninira raw kasi kay Claire sa kabila ng paliwanag ni DJ Loonyo na wala siyang kinalaman sa alitan ng binata at ni Ivana.

Ang totoo, ayon kay DJ Loonyo, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Ivana matapos niyang hindi magparamdam dito ng isang linggo dahil sa personal issues.

Dagdag ni Claire, "Sana na-record niyo. Huwag kayong magbulag-bulagan. Huwag kayong bingi.

"He made me believe. He fooled me also.

"Huwag niyo ako i-bash. Yun lang."

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng komento sina DJ Loonyo, Ivana, at Claire sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanilang social media accounts.

Ilalathala namin ito sa oras na magpadala sila ng mensahe.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire Gomez (left), the non-showbiz girl being linked to DJ Loonyo (center), clarifies she has nothing to do with his rift with Ivana Alawi (right).
PHOTO/S: Youtube / @djloonyo / @ivanaalawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results