Angel Locsin on allegations she is “voiceless” on terrorism victims: “Do more research & stop reading fake news.”

by Jet Hitosis
Jun 8, 2020
Actress-humanitarian Angel Locsin says she has been supportive of some of Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP)'s campaigns, especially those concerning the coronavirus pandemic.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Sinupalpal ng actress-humanitarian na si Angel Locsin ang isang pinaniniwalaang online troll na inakusahan siyang “voiceless” para sa mga biktima ng terorismo.

Ang troll ay pekeng social media user na umaatake sa iba’t ibang personalidad online sa pagpo-post ng “inflammatory, irrelevant, or offensive comments or other disruptive content,” ayon sa Merriam-Webster.

Noong nakaraang buwan lang binuksan ang Twitter account ng netizen na nagkomento kay Angel.

At press time, mayroon lang itong tatlong followers, at walang maayos na detalye sa profile nito.

Nagkomento ang hinihinalang troll sa pag-tag ni Angel, 35, kay Senate President Tito Sotto sa isang tweet nitong Sabado, June 6.

Nag-react si Angel matapos na i-like ng 71-year-old senator ang isang tweet na nagsasabing “proNPA” ang aktres.

Nangangahulugang sumasang-ayon si Sotto sa pagbansag kay Angel bilang tagasuporta ng New People’s Army (NPA).

Ang NPA ang armed wing ng 51-year-old revolutionary organization na Communist Party of the Philippines (CPP).

Continue reading below ↓

Taong 2002 nang i-classify ng Bureau of Counterterrorism ng gobyerno ng Amerika ang CPP-NPA bilang Foreign Terrorist Organization (FTO) sa Pilipinas.

Sa FTO list ng Amerika, kahilera ng CPP-NPA ang Abu Sayyaf Group at Jemaah Islamiyah sa mga teroristang grupo sa Pilipinas.

ANGEL SIGNS ONLINE PETITION VS ANTI-TERRORISM BILL

Ipinost ang “proNPA” tweet nitong June 5, dalawang araw makaraang pirmahan ni Angel ang online petition laban sa pagsasabatas ng kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill.

Continue reading below ↓

Mariing tinututulan ng iba’t ibang sektor ang nabanggit na panukala, sa pangambang magamit ito upang bansagang terorista ang sinumang bumabatikos sa gobyerno.

Mensahe ni Angel kay Sotto: “I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence.

“You have the right to like any tweet.

“And we have the right to voice out our opinions.

“I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ONLINE TROLL CONFRONTS ANGEL

Hindi nag-react si Sotto.

Sa halip ay isang hinihinalang troll ang nag-reply kay Angel.

Ayon sa troll, idinadahilan ni Angel ang “abuse of power” kaya kontra ito sa Anti-Terrorism Bill, pero “voiceless” o hindi raw umaalma ang aktres kapag mga biktima na ng terorismo ang pinag-uusapan.

Buong komento ng troll: "Angel, to be transparent, 99.9% ng sinasabi mo is about abuse of power (mere suspicion) kaya ayaw mo ng ATB.

"Pero voiceless ka sa mga taong napatay o naapi ng mga terrorists. Anong masasabi mo?"

Kinontra ni Angel ang troll.

Tweet niya (published as is): “I don’t think so...

“I’m very vocal sa nangyari sa saf 44 and marawi seige..”

Ang SAF 44 ay ang pamamaslang ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong January 25, 2015, sa Mamasapano, Maguindanao.

Nakisimpatiya si Angel sa pamilya ng mga napaslang na police commando.

Continue reading below ↓

Nagbida rin ang aktres sa tribute episode ng Maalaala Mo Kaya para sa SAF 44 noong April 2015.

Nakaeksena ni Angel sa two-part tribute episode ng MMK sina Coco Martin at Ejay Falcon.

Samantala, ang Marawi Siege ay ang limang-buwang pakikipagbakbakan ng militar upang mabawi ang Marawi City, Lanao del Sur mula sa kamay ng teroristang Maute Group.

May 23, 2017 sinalakay ng Maute Group ang Marawi City, hanggang sa mabawi ito ng militar noong October 23 ng parehong taon.

Ilang linggo makaraang sumiklab ang bakbakan, personal na pumunta sa Marawi si Angel at nag-volunteer upang maghatid ng food packs at school supplies sa libu-libong evacuees.

“DO MORE RESEARCH”

Binigyang-diin din ng aktres sa troll na buo ang suporta niya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP.

Parehong matapang na humaharap sa banta ng terorismo ang mga sundalo at pulis sa bansa.

Bahagi pa ng sagot ni Angel sa troll: “I’ve supported the AFP and PNP with some of their campaigns and during this pandemic.

Continue reading below ↓

“You can ask them.

“I think you need to do more research & stop reading fake news.”

Sa isang press release nitong April 9, 2020, pinasalamatan ng Philippine Army si Angel sa pagdo-donate ng 25,000 face masks sa military frontliners.

Nang ihatid ni Angel sa Army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City, ang kahun-kahong face masks, sumali rin ang actress-humanitarian sa pagre-repack ng relief goods para sa mahihirap na pamilya.

Continue reading below ↓

Samantala, kasama ang Veterans Memorial Medical Center at ang PNP General Hospital sa mga nabigyan ng isolation tents ng UniTentWeStand campaign ni Angel noong March.

Continue reading below ↓

Gamit ang PHP11.4 million cash donations, nakapagbigay si Angel ng 246 tents sa 135 ospital sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsiya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-humanitarian Angel Locsin says she has been supportive of some of Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP)'s campaigns, especially those concerning the coronavirus pandemic.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results