Did Romnick Sarmenta confirm his relationship with Barbara Ruaro?

by Rachelle Siazon
Jun 14, 2020
Romnick Sarmenta draws a sketch of a woman that looks like Barbara Ruaro followed by a sketch of a couple embracing each other. Then Romnick writes a love poem that reads, "Iisa lamang ang tanging hiling / Ikaw / Ikaw at ikaw ang laging makapiling."
PHOTO/S: PEP File / Courtesy of Barbara Ruaro

Kinumpirma na ba ni Romnick Sarmenta na ang indie actress na si Barbara Ruaro ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso?

Kahapon, June 13, nag-post si Romnick sa Instagram ng sketch ng mukha ng isang babaeng kamukha ni Barbara.

Sa caption, may tula na nagsasabing inspirado si Romnick gumihit upang ipakita ang nilalaman ng kanyang damdamin.

"Minsan ang kamay ay kumilos / Sumunod sa indayog ng puso / Lumikha ng guhit na may hubog / Alinsunod sa bulong ng loob," saad sa isang bahagi ng tula.

Continue reading below ↓

Sa comments section, kinumpirma ng 48-year-old actor na siya ang nag-drawing ng sketch sa kanyang post.

Sinundan niya ito ng isa pang sketch ng dalawang taong magkayakap.

Mayroon din siyang ginawang tula na naglalarawan ng pag-ibig na nagsimula sa simpleng pagkakakilanlan.

Bahagi pa ng tula: "Hanggang isang araw, puno ng kasiguruhan / Ang tugon ay ikaw sa aking kawalan

Continue reading below ↓

"Sa lahat ng panahon na darating sa akin / Magpapasalamat sa langit / Sa Panginoon ay laging babanggitin

"Iisa lamang ang tanging hiling / Ikaw / Ikaw at ikaw ang laging makapiling."

Ang tatlong magkakasunod na posts ni Romnick ay nilagyan niya ng hashtag na #alwaystogether."

Ni-like ni Barbara ang tatlong posts ni Romnick.

Continue reading below ↓

Simple pero malaman ang blushing emoji na reply ni Barbara sa sketch ng profile ng mukha niya.

Sa "YAKAP" post ni Romnick, nag-comment si Barbara ng heart at praying emojis.

Nag-reply naman ang aktor ng heart at praying emojis.

Continue reading below ↓

ROMNICk ASKS fans TO RESPECT HIS NEWFOUND LOVE

Ngayong Linggo, June 14, naglabas ng mensahe si Romnick para sa kanyang fans na nag-iiwan ng mensahe tungkol sa bago niyang karelasyon.

Umapela siya na sana ay bigyang respeto ang taong napupusuan niya.

Hindi tuwirang binanggit ni Romnick, pero tila may kaugnayan ito sa fans niya at ng dating ka-love team na si Sheryl Cruz.

May ilang netizens kasing nagkokomento sa posts ng aktor na sana ay sila pa rin ni Sheryl ang magkatuluyan sa huli.

Ang kabuuang pahayag ni Romnick:

"The simple truth is that no matter who I end up with, people will have things to say.

"If you are a supporter, I appreciate you. I do.

"But I also believe that true supporters know how to respect those they support... and that means being respectful when they comment on their posts.

"Especially when they are about other people you know nothing about. Or the circumstances in their lives.

Continue reading below ↓

"Respect begets respect."

ROMNICK AND BARBARA'S SWEET EXCHANGES

May 1 nagsimulang ipamalas ni Romnick ang kanyang pagiging makata pagdating sa babaeng iniirog.

May tula siya na ang title ay "BLOOM" at sinamahan niya iyon ng litrato ng bouquet of flowers sa Instagram.

Nang muling nabahagi si Romnick ng litrato ng bouquet of roses nitong June 5, hawak ito ng isang babaeng hindi kita ang mukha pero may tattoo sa right forearm na tulad ng kay Barbara.

Continue reading below ↓

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens na halos kapareho iyon ng litratong ipinost ni Barbara noong May 19.

Noong Biyernes, June 11, nagpasalamat pa si Barbara sa flowers na natanggap niya kay Romnick, na tinatawag niya sa palayaw na "Nicko."

Nicko ang palayaw ni Romnick.

Sa Facebook, minsan nang tinawag ni Barbara na "my Nicko" si Romnick, at naka-tag pa sa mensahe ang buong pangalan ng aktor.

Continue reading below ↓

Consistent din ang dalawa sa palitan ng heart, lovestruck, at flying kiss emojis sa Instagram.

MADE WITH LOVE

Base pa rin sa Instagram posts ng aktor, tila madalas ipagluto ni Barbara ng pasta si Romnick.

Noong June 5, nag-post si Romnick ng litrato ng pasta with bacon. Kalakip nito ay ang mensahe para sa babaeng bumihag daw sa kanyang puso.

"F O R T W O

"You've been awesome

"Preparing food and caring for me

"Getting up to make sure I have something to eat before an online meeting...

"I cannot thank you enough for the kindness and generosity of your heart So I give you mine

"Thank You And thank you."

Continue reading below ↓

Heart at grinning emojis ang simpleng komento ni Barbara rito.

DATING HISTORY

Si Romnick ay hiwalay sa asawang si Harlene Bautista noon pang October 2018.

Noong buwang iyon, ipinahiwatig ni Harlene siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Romnick, pero sa huli ay mutual ang kanilang naging desisyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 2019, sinabi ni Romnick na hindi third party ang dahilan kung bakit natuldukan ang 19 years na buhay mag-asawa nila ni Harlene.

“It’s just something that has happened along the way and, you know, I guess we woke up realizing na eto na yun," bahagi ng pahayag ng aktor.

Si Barbara naman ay dating nakarelasyon ang Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro.

Noong September 2019, dumaan sa matinding pagsubok si Barbara.

Sa pamamagitan ng Facebook post, isinapubliko niya ang pagkawala niya sa relasyon nila ng isang taong pisikal na nanakit diumano sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya, nangako si Barbara na sisiguraduhin niyang makakamit ang hustisya para tuluyang maghilom ang "internal wounds" na sinapit niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Romnick Sarmenta draws a sketch of a woman that looks like Barbara Ruaro followed by a sketch of a couple embracing each other. Then Romnick writes a love poem that reads, "Iisa lamang ang tanging hiling / Ikaw / Ikaw at ikaw ang laging makapiling."
PHOTO/S: PEP File / Courtesy of Barbara Ruaro
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results