KC Concepcion opens up about new love life: "Kinikilig ako."

by Arniel C. Serato
Jun 15, 2020
KC Concepcion on her love life: "Sasabihin ko sa inyo pagdating ng time na alam ko na.”
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram

Nagpahiwatig si KC Concepcion na may nagpapakilig sa kanya ngayon.

“Kung sa heart, okay naman ako.

“I mean, may mga kausap ako and, thank you Lord, di ba, na kinikilig ako,” deklarasyon ni KC tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa online show na I Feel U na lumabas kahapon, June 14, ipinaliwanag din ni KC na seryosong relasyon na ang hinahanap niya ngayon.

Saad ng 35-year-old actress, “Kasi siyempre, ang hanap natin ngayon, yung medyo mas deeper.

“Hindi na yung for play-play.

“Sasabihin ko sa inyo pagdating ng time.”

Hindi naman nagbigay si KC ng clue kung sino ang tinutukoy niyang nagpapakilig sa kanya ngayon.

Pero nitong mga nakaraang buwan ay nauugnay ang pangalan ng aktres sa The Black Eyed Peas member na si apl.de.ap, 45.

Hanggang ngayon ay wala pang tuwirang umaamin sa kanila kung may relasyon na nga sila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

LAST RELATIONSHIP

Sa pagkakaalam ng publiko, ang huling nakarelasyon ni KC ay ang French filmmaker-businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

August 2018, inamin ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na boyfriend niya si Pierre.

Nagkakakila sila noong taong 2011 sa gala dinner ni former U.S. President Bill Clinton.

Kalagitnaan ng 2019, umalingawngaw ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Pero hindi ito tuwirang inamin ni KC.

Nahalata lamang ng netizens at followers niya sa social media na bihira na silang mag-post ng mga larawang magkasama sila.

Ang iba pang naging nobyo ni KC mula sa showbiz ay sina Piolo Pascual, Paulo Avelino, Rico Blanco, Lino Cayetano, at Aly Borromeo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion on her love life: "Sasabihin ko sa inyo pagdating ng time na alam ko na.”
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results