SC junks petition challenging cease and desist order against ABS-CBN

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2020
The Supreme Court has dismissed the petition of a lawyer who challenged the National Telecommunications Commission’s cease and desist order that forced ABS-CBN to stops its nationwide broadcast last May 5.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Ibinasura ng Supreme Court (SC) en banc ang petisyon ng isang abugado na naglalayong mabigyan agad ng prangkisa ang ABS-CBN matapos itong ipasara dahil sa cease and desist order na inihain ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon sa ulat ng The Manila Times kahapon, June 16, idinismis ng High Court ang petition for Certiorari, Prohibition, and Mandamus na isinampa ng abugadong si Paris Real dahil sa kawalan ng “legal standing” para maghain ng reklamo.

Ang legal standing ay isang termino sa batas kung saan sinasabing ang naperhuwisyo lamang ang maaring magsampa ng reklamo sa korte at hindi kung sinu-sino lamang.

Hindi rin pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman na isama ang petisyon ni Real sa nauna nang inihain ng ABS-CBN na petition for certiorari and prohibition noong May 7.

Sa kanyang petition for Certiorari, Prohibition and Mandamus, nais ni Real na i-convene ang Kongreso bilang Committee of the Whole upang pag-usapan at magkaroon ng diskusyon ukol sa prangkisa ng istasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

SC TO TACKLE ABS-CBN'S PETITION ON JULY 13

Ayon naman sa hiwalay na ulat ng Manila Bulletin ngayong araw, June 17, hindi pa raw naglalabas ng kopya ng resolusyon ang korte ukol sa inihain ni Real.

Nakasaad sa petisyon ni Real na hindi pa napapaso ang prangkisa ng network dahil sa kasalukuyang public health emergency dulot ng COVID-19 pandemic.

Bahagi ng nakasaad sa petisyon, “The expirations of the franchises of ABS-CBN and its permits to operate, certificates, and licenses from the NTC, were interrupted, tolled and/or suspended by the aforesaid Emergency Laws during the Community Quarantine and the same shall ‘continue to be valid sixty (60) days after the end of the government-imposed quarantine period.'"

Dagdag dito, “In fact, the same emergency laws mandate that the ‘holders of these permits, certificates, and licenses shall be given sixty (60) days from the end of the government-imposed quarantine period to file for the renewal of their permits, certificates, and licenses, without penalties or surcharges.’”

Continue reading below ↓

Sa July 13 pagdidiskusyunan ng Korte Suprema ang inihaing petition ng Kapamilya network laban sa cease and desist order ng NTC.

Ito ay ayon daw kay Supreme Court Chief Justice Diosdado M. Peralta.

Samantala, kasalukuyan pa ring dinidinig ng joint committee ng Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability sa Kongreso ang franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Ngayong araw, June 17, ang ikapitong pagdinig ng Mababang Kapulungan ukol sa napasong prangkisa ng network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Supreme Court has dismissed the petition of a lawyer who challenged the National Telecommunications Commission’s cease and desist order that forced ABS-CBN to stops its nationwide broadcast last May 5.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results