Kat Alano thanks supporters after joining #HijaAko movement

by Jet Hitosis
Jun 18, 2020
In a radio interview on April 2014, then video jockey and TV host Kat Alano reveals that she was raped by a "public figure." In a tweet on June 15, 2020 recalling the incident, Kat describes her alleged rapist as a "still famous celebrity."
PHOTO/S: @katalano on Instagram

Nagpasalamat ang disc jockey na si Kat Alano sa natanggap niyang suporta mula sa netizens kasunod ng pagbabahagi ng sariling kuwento para sa #HijaAko movement.

Ang #HijaAko movement ay isang Twitter thread laban sa rape culture at victim blaming.

Nagsimula ito sa naging sagutan ni Frankie Pangilinan at ng broadcaster na si Ben Tulfo tungkol sa kaugnayan ng pagdadamit ng babae sa sex crimes.

Continue reading below ↓

Gamit ang #HijaAko, matapang na nagbahagi ang Twitter users ng sarili nilang karanasan ng sexual abuse.

Kabilang sa kanila si Kat, 34, na nagsabing T-shirt at jeans ang suot niya nang gahasain ng isang “still famous celebrity.”

Sa #HijaAko tweet ni Kat nitong June 15, binansagan niyang “#rhymeswithwrong” ang suspek.

Continue reading below ↓

RAPE SUSPECT STILL NAMELESS AFTER 15 YEARS

Taong 2014 nang ibunyag ni Kat ang panghahalay sa kanya ng isang “public figure” noong siya ay 19 years old pa lang.

Kung susumahin, nangyari ang panghahalay kay Kat noong 2005.

Pero hanggang ngayon, makalipas ang 15 taon, hindi pa rin direktang pinapangalanan ni Kat ang tinagurian niyang “serial rapist.”

Umani ng simpatiya at suporta mula sa netizens ang tweet na ito ni Kat.

Pinuri nila ang kanyang katapangan at katatagan sa kabila ng naranasang pang-aabuso.





Continue reading below ↓

Naniniwala sila sa ipinaglalaban ng Filipino-British DJ, kahit daw noong una pa man itong lumantad noong 2014.


Continue reading below ↓

Maraming Twitter users ang humihiling at nananalangin na sana, sa bandang huli, ay makamit ni Kat ang hustisya sa kanyang sinapit.

Continue reading below ↓

THANKFUL KAT

Nitong Miyerkules, June 17, ipinost ni Kat sa Instagram ang pasasalamat sa lahat ng nakikisimpatiya at sumusuporta sa kanya.

Masaya raw siya na sa wakas, makalipas ang maraming taon, naiintindihan na ng publiko ang kanyang ipinaglalaban.

Simpleng “#rhymeswithwrong” ang litrato sa post ni Kat.

Caption niya (published as is):

“Say it loud.

“Say it now.

“Thank you to everyone who has show support.

“I can’t explain how it feels to know that people finally understand.

“#rhymeswithwrong #rapeisrape #hijaako”

Continue reading below ↓

Sa comments section, marami pa rin ang nagsasabi kay Kat na panahon nang pangalanan at kasuhan niya ang suspek.

Sinagot na ni Kat ang katanungang ito sa isang tweet nitong June 16.

Ayon kay Kat, sa simula pa lang ay tiniyak na raw ng kampo ng suspek na mababasura ang lahat ng kasong isasampa niya laban dito.

Gaya sa inilunsad ng suspek na “smear campaign” laban sa kanya noong 2014, sinabi ni Kat na handa raw ang celebrity “[to] discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing.”

Continue reading below ↓

Dating Studio 23 video jockey (VJ) at TV host si Kat, na may asawa at anak na ngayon.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a radio interview on April 2014, then video jockey and TV host Kat Alano reveals that she was raped by a "public figure." In a tweet on June 15, 2020 recalling the incident, Kat describes her alleged rapist as a "still famous celebrity."
PHOTO/S: @katalano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results