Frankie Pangilinan: “Rape would not exist without rapists.”

by Jet Hitosis
Jun 18, 2020
Frankie Pangilinan on victim blaming comments: “I think it gives this false premise that there’s something that we could have done to stop having been abused, to stop having been raped, and that’s not fair. That is incredibly invalidating to victims.”
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram

“Rape would not exist without rapists.”

Ang katotohanang ito ang gustong bigyang-diin ni Frankie Pangilinan sa mainit pa ring usapin tungkol sa rape culture at victim blaming.

Sinabi ni Frankie, 19, hindi na dapat pinagdedebatehan pa kung ano ang kaugnayan ng pagdadamit ng babae sa pagkakaroon ng sex crimes.

Ang sexual abuse o panggagahasa ay simpleng issue lang ng pagkakaroon ng prinsipyo na gawin ang tama, aniya.

“It’s a thing of principle, it’s not politics, it’s not glamour, it’s just principle.

“It’s right and wrong,” sabi ni Frankie nang makapanayam ng ANC nitong Miyerkules, June 17.

Kaya “very alarming” daw para kay Frankie ang naging tweet ng veteran broadcaster na si Ben Tulfo, na mistulang nagkukunsinti ng rape culture sa bansa.

Bilang public figure at miyembro ng media, malawak ang impluwensiya ng 65-year-old radio and TV personality, ayon kay Frankie.

Posibleng ipagpalagay ng mga sumusuporta kay Ben na laging tama ang pananaw nito.

Continue reading below ↓

Sabado, June 13, nang kinontra ni Ben ang tweet ni Frankie tungkol sa Facebook post ng Lucban Municipal Police na nagbabawal sa mga babaeng magsuot ng maiksi upang makaiwas sa sex crimes.

Nag-react si Ben, tinawag niya si Frankie ng “Hija,” at sinabing “a sex offender's desire to commit a crime will always be there.”

Continue reading below ↓

Nagbabala pa si Ben sa kababaihan: “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.”

Bilang sagot, inulit ni Frankie sa broadcaster ang nauna niyang tweet tungkol sa victim blaming.

Reply ni Frankie kay Ben (published as is): “the way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever.”

Continue reading below ↓

“RAPE CULTURE IS REAL”

Nang kontrahin ni Ben ang tweet ni Frankie, mistulang kinumpirma ng broadcaster na nababastos ang kababaihan dahil sa pananamit ng mga ito.

“I felt, like, it was unfair for a public figure of his stature to say that so boldly to his audience,” sabi ni Frankie.

Continue reading below ↓

Ang problema raw, ayon sa dalaga, ay nasa kultura na ang pagbibigay importansiya sa pagiging lalaki.

Pero hinuhusgahan daw naman ang kababaihan anuman ang isuot na damit.

“The root of the problem, the bigger thing here, is that rape culture is real.

“There’s a culture that constantly perpetuates this type of over masculinization, where they are constantly kind of pushed to always talk about their sexuality, whereas women are shamed for it, constantly.

“There’s no winning when you’re a girl.

“If you cover up too much, you’re also teased for being a prude.

"But then, if you reveal too much also, you’re called a slut or something like that.”

HOT STORIES

THE “UNACCEPTABLE” IDEA OF SEX CRIME

Para kay Frankie, nakakaalarma ang hindi katanggap-tanggap na ideya ni Ben tungkol sa sex crimes.

“It was very alarming for me that a public figure in the Philippines can say things like this so openly.

Continue reading below ↓

“For me, personally, I find it unacceptable.”

Muling nanindigan si Frankie na maling isisi sa pananamit ng babae ang pambabastos na naranasan niya.

Nagbibigay raw ito ng maling ideya na may magagawa ang isang babae upang makaiwas na mabiktima ng sex crimes.

At, aniya, hindi ito makatarungan para sa mga aktuwal na nakaranas ng sexual abuse.

Sabi ni Frankie, “I think that was the very dangerous thing with such comments regarding what women wear.

“I think it gives this false premise that there’s something that we could have done to stop having been abused, to stop having been raped.

“And that’s not fair.

“That is incredibly invalidating to victims.”

FRANKIE ON BEING CALLED “HIJA”

Sa tweet ni Ben kay Frankie, tinawag niyang “Hija” ang panganay ni Senator Francis Pangilinan at ng actress-singer na si Sharon Cuneta.

At para kay Frankie, “very, very condescending” ang nabanggit na pagtukoy sa kanya ng broadcaster.

Continue reading below ↓

Malinaw raw nitong ipinahihiwatig na balewala ang opinyon niya dahil lang sa kanyang edad.

“Hija is a term that is constantly use in a condescending manner.

“Especially when speaking to youth like me, when we have something to say, when we have a point to make.

“The first instinct was to invalidate everything I was saying based upon my age.

“It was very, very condescending.

“It was very intentional, it was kind of meant to portray me as someone young and naive and doesn’t really know my way around the world yet.”

Pero giit ni Frankie, hindi ito fair para sa kabataang tulad niya na sinisikap na matuto, sa larangan ng edukasyon at maging sa pagkamulat sa iba’t ibang social issues.

“I’m nineteen.

“It’s incredibly invalidating to people like me who are doing their best to be educated and doing their best to be aware and learning more and more about things like this, especially women.”

Continue reading below ↓

SUPPORT #HIJAAKO MOVEMENT

Dahil sa sagutan sa Twitter nina Frankie at Ben, inilunsad at nag-trending nitong Linggo, June 14, ang #HijaAko.

Sa kasalukuyan, daan-daang Twitter users na ang nakibahagi sa #HijaAko movement ni Frankie.

Gamit ang hashtag, lakas-loob na nagkuwento ang netizens ng sarili nilang karanasan ng sexual abuse o rape.

Kabilang dito ang aktres na si Lauren Young at ang disc jockey na si Kat Alano.

Ayon kay Frankie, sa halip na panghuhusga, mahalagang makatanggap ng suporta ang mga babaeng lumantad at umaming sexual abuse victims sila.

“For now, I think that the most important thing that we can all do to support the movement is to realize that this movement is made for women, by women.

“What I would encourage everyone to do is to just to scroll through the hashtag that we made and scroll through everyone’s story, everyone’s experiences.

“Take the time to learn from this experiences.

Continue reading below ↓

“Take the time to learn from our struggles.

“Take the time to learn from such pain.”

Ito, ayon kay Frankie, ay upang maunawaan ng lahat na, “things like this happen far beyond anyone’s control.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan on victim blaming comments: “I think it gives this false premise that there’s something that we could have done to stop having been abused, to stop having been raped, and that’s not fair. That is incredibly invalidating to victims.”
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results