Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Chuckie Dreyfus asserts Sunshine Cruz "did not message me directly"

by Bernie V. Franco
Jun 19, 2020
Chuckie Dreyfus speaks anew about ongoing rift with Sunshine Cruz: “Para lang siyang nanawagan sa ibang ka-miyembro namin at naglabas ng galit sa chatroom."
PHOTO/S: @chuckiedreyfus on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Muling sumagot si Chuckie Dreyfus sa pinakahuling pahayag ni Sunshine Cruz tungkol sa kung ano ang tunay na namagitan sa kanila noon.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng kampo ng dating child star na hindi na sila magsasalita tungkol sa isyu, pagkatapos maglabas ng official statement nitong Huwebes ng gabi, June 18.

Noong March 2020 pa nagsimula ang palitan ng mga salita sa pagitan nina Chuckie at Sunshine.

Nag-ugat ito nang ibunyag ni Chuckie sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! na naging kasintahan niya umano si Sunshine noong That's Entertainment days nila.

Mariin itong pinabulaanan ni Sunshine sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Bagamat totoong niligawan siya ni Chuckie, hindi raw naging sila.

Sa exclusive interview naman ni Chuckie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon ding March, pinanindigan nitong naging girlfriend niya si Sunshine.

Pagkalipas ng tatlong buwan, nitong June 14, muling nabuhay ang isyu nang sabihin ni Sunshine sa isang online interview na nagpaabot siya ng mensahe kay Chuckie pero “dinededma” at “seenzoned” lang siya ng aktor.

Continue reading below ↓

Nag-react dito ang kampo ni Chuckie.

Sa pamamagitan ng official statement kagabi, iginiit ng kampo ni Chuckie na walang natatanggap na mensahe ang aktor mula kay Sunshine.

Pagkalipas ng ilang oras matapos mailathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ng kampo ni Chuckie, nag-react din si Sunshine.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa Facebook, ipinost ng aktres ang screenshots ng mensahe niya kay Chuckie sa group chat ng Wednesday Group ng That's Entertainment.

Ang punto ni Sunshine, nabasa raw ni Chuckie ang message niya, pero hindi ito nag-react.

“I am not a liar,” diin pa ni Sunshine sa kanyang post.

HOT STORIES

CHUCKIE: "SUNSHINE did not message me directly."

Ngayong Biyernes ng gabi, June 19, isang mahabang mensahe ang inilabas ni Chuckie sa kanyang verified Facebook page.

Inisa-isa niyang sinagot ang mga bagong paratang ni Sunshine tungkol sa kanya.

Bungad ni Chuckie, “March pa po ang isyu na ito at ayaw pa rin mamatay-matay.

“Hindi ko alam kung bakit kailangan pagusapan na naman ito.”

Continue reading below ↓

Inamin ni Chuckie na mayroon ngang mensahe sa kanya si Sunshine sa kanilang group chat.

Pero hindi raw direkta para sa kanya ang mensahe.

Saad niya, “If you look at the screenshot that she shared, makikita po ninyo na she never addressed me directly sa group chat.

“Yes, she mentioned my name as MR. DREYFUS, but it was not addressed directly to me.

“Para lang siyang nanawagan sa ibang ka-miyembro namin at naglabas ng galit sa chatroom."

Patuloy ni Chuckie, “Yes, nabasa ko ang mga sinabi niya dun.

“But am I obligated to respond to a blast message?

“To be clear, Sunshine did not message me directly.

“To say that I ‘seenzoned’ her implies that she attempted to message ME.

“That never happened.”

SUNSHINE WANTS CHUCKIE TO RETRACT HIS STATEMENT

Hindi rin daw lingid sa kaalaman ni Chuckie na nakipag-ugnayan si Sunshine sa mga kaibigan nila para sabihan ang aktor na bawiin nito ang sinabing nagkaroon sila ng relasyon.

Continue reading below ↓

“Alam kong kinausap niya ang ibang common friends namin at gusto niya raw na i-retract ko ang sinabi ko sa Bawal Judgmental.

“But how does she expect me to respond?

“Bakit ko po ire-retract ang isang bagay na alam kong totoo? At dahil hindi ko ni-retract, inassume niya na ‘dinededma’ ko siya?”

Katuwiran pa ni Chuckie, “Also, if Sunshine really wanted to reach me, she could have just messaged me directly.”

Nag-react din si Chuckie sa isang mensahe ni Sunshine sa kanilang chat group.

“Sa isang screenshot ng group chat na shinare niya, she said, and I quote: ‘People should ALWAYS think of the consequences of things they say or do especially on national TV.’

“Ayan po. Sa kanya na po mismo nanggaling.

“Bakit po ako magsisinungaling on national TV kung alam ko naman ang consequences nun?”

Diin niya, “I was being candid and honest about it.

“My wife even knows all my exes/relationships from the very start. Also, I am a father to 2 children.

Continue reading below ↓

“What kind of example will I be showing them if Iie?”

Ayon pa kay Chuckie, “We have friends na alam ang totoong story… and that is enough for me.

“Kung ano man ang sinabi niya dati about her lovelife, labas na po ako dun.”

Ang tinutukoy ni Chuckie ay ang pahayag ni Sunshine na ang una niyang naging boyfriend ay ang dating asawang si Cesar Montano.

Pero malinaw na paninindigan din ni Chuckie hanggang sa huli ang rebelasyon niya tungkol sa kanila ni Sunshine.

“Ano ang mapapala ko if I make up stories? Para magpaingay?

“Kung magpapaingay na rin lang naman ako, hindi po sa ganitong paraan.”

Saad pa niya, “I'm not expecting na after this post ay tatahimik na siya gaya ng sabi niya. Sinabi na rin po niya yan dati.

“But anyways… I hope this clears everything. Kayo na po ang bahalang humusga.

“Salamat po.”

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Sunshine kaugnay ng mga bagong pahayag ni Chuckie.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chuckie Dreyfus speaks anew about ongoing rift with Sunshine Cruz: “Para lang siyang nanawagan sa ibang ka-miyembro namin at naglabas ng galit sa chatroom."
PHOTO/S: @chuckiedreyfus on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results