Sofia Andres looks forward to getting back to work: "Kailangan ko ring magtrabaho."

by Arniel C. Serato
Jun 25, 2020
Sofia Andres on positive feedback from netizens: "Overwhelming yun at dun ko naramdaman na maraming nagmamahal sa akin after everything that happened."
PHOTO/S: Courtesy: @iamsofiaandres on Instagram

Tiniyak ni Sofia Andres, 21, na babalikan pa rin niya ang pag-aartista kapag may oportunidad at maaari na niyang iwan pansamantala ang kanilang anak ni Daniel Miranda, 23.

Sina Sofia at Daniel ay mayroon nang isang malusog na anak na babae, si Zoe, seven months old.

Sa panayam niya kay MJ Felipe para sa ABS-CBN New, naitanong sa aktres kung magtatrabaho pa rin ba siya ngayong kailangan niya munang alagaan ang anak nila ni Daniel.

Sagot ni Sofia, “Hala! Uhm, naku, alam naman nating lahat na kailangan ko ring magtrabaho.

“Iba rin po kasi yung may trabaho ako at may trabaho yung tatay.”

Pero kahit mag-showbiz comeback man daw siya, sisiguraduhin ni Sofia na hindi mapababayaan ang tungkulin niya bilang isang ina.

Saad niya, “Para sa akin, iba yun, e.

"Pero prinamis ko sa sarili ko na kahit nagtatrabaho ako, bibigyan ko pa rin ng oras talaga yung anak ko, kasi responsibility ko yun, e.

Continue reading below ↓

“Hindi ko siya tinitingnan na, ‘Kasi babae ako, kailangan sa bahay lang ako.’

“Kasi, gusto ko, kahit anong mangyari, meron ako para sa kanya at para sa sarili ko.

“Ganun yung thinking ko kasi, e.”

HOT STORIES

POSITIVE FEEDBACK

Noong June 21, Father’s Day, itinaon ni Sofia ang pagbasag sa matagal nang pananahimik tungkol sa matagal nang usap-usapang nagdadalantao siya kaya siya nawala sa sirkulasyon.

Kinumpirma niyang nabuntis siya at nanganak sa Australia.

Ibinahagi rin ng aktres sa Instagram, sa unang pagkakakataon, ang larawan nila ni Daniel kasama si Zoe.

Naging positibo naman ang pagtanggap ng netizens sa kanyang pag-amin.

Reaksiyon dito ni Sofia, “Siyempre, overwhelming yun, at dun ko naramdaman na maraming nagmamahal sa akin after everything that happened.

“Kasi, di ba, nawala rin ako sa showbiz, madami ring issues and all that.

"Pero nung nababasa ko yung mga comments nila, nagpapasalamat ako na andito pa rin sila at saka yung mga bagong naging fan.

Continue reading below ↓

“Siguro nakaka-relate sila dun sa pinost ko.

“And maraming naka-relate din na young moms, na sinasabi nila na proud sila sa akin.

“Ayun, sobrang nakakatuwa kasi hindi ko ini-expect."

Pagbabalik-tanaw pa ni Sofia noong araw na nag-post siya sa Instagram, “Nanginginig nga ako, tapos namamawis yung kamay ko nung pinost ko yung video.

"Kasi hindi ko alam kung paano ba 'to tatanggapin ng mga tao."

Hindi pa raw pinag-uusapan nina Sofia at Daniel ang pagpapakasal dahil uunahin muna raw nila ang pag-aalaga sa kanilang baby.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres on positive feedback from netizens: "Overwhelming yun at dun ko naramdaman na maraming nagmamahal sa akin after everything that happened."
PHOTO/S: Courtesy: @iamsofiaandres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results