Daniel Miranda very proud of Sofia Andres: “Such a strong and beautiful girl.”

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2020
Cebu-based international race car driver Daniel Miranda, 22, and actress Sofia Andres, 21, are now proud parents to Baby Zoe.
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram

Nangako ang international race car driver na si Daniel Miranda, 23, na nasa likod lang siya palagi ng partner niyang si Sofia Andres, 21, at ng 6-month-old nilang anak na si Zoe.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, June 22, pinapurihan ni Daniel si Sofia dahil sa pagiging matibay nito.

Sabi niya: “I’m so proud of you love, such a strong and beautiful girl. I’ll be here for you and Zoe always.”

Continue reading below ↓

Sagot ni Sofia sa post ng partner: “I love you more.”

HOT STORIES

SOFIA-DANIEL LOVE STORY

Kung pagbabasehan ang mga posts nila sa social media, halos dalawang taon na ang relasyon nina Daniel at Sofia.

October 29, 2018 nang unang mag-post si Sofia ng larawan nila ng Cebu-based international race car driver na kuha sa isang beach.

Continue reading below ↓

Magkatabi silang nakaupo sa hagdanan.

Walang caption na inilagay si Sofia rito.

Kinabukasan, October 30, 2018, ni-repost ni Daniel ang parehong larawan sa kanyang Instagram account.

Wala rin siyang isinulat sa caption.

Dito na nagsimulang kumalat ang usap-usapang may namumuong relasyon sa dalawa.

February 20, 2019, “my love" na ang tawag ni Sofia kay Daniel.

Continue reading below ↓

Noong May 20, 2019, umugong ang usapang hiwalay na ang dalawa matapos burahin lahat ni Sofia ang mga larawan nila ni Daniel sa Instagram.

Continue reading below ↓

Pero noong May 23, 2019, mariing pinabulaanan ni Sofia na hiwalay na sila ng boyfriend.

August 2019, nagpalitan ng “I love you” sa Instagram ang dalawa.

SOFIA IS NOW A MOM

Sa mga panahong iyon, usap-usapang nang buntis umano si Sofia.

Sa ilang anggulo kasi ng kanyang social media posts, nahahalata raw ang paglaki ng kanyang tiyan.

Continue reading below ↓

May nakapansin ding netizens na puro close-up na lamang ang mga larawang ipinu-post ng Kapamilya actress.

Laman na rin siya ng ilang blind items.

Pero hindi ito tuwirang itinanggi o inamin ni Sofia o ni Daniel.

Hanggang nitong June 21, 2020, Father’s Day, si Sofia na mismo ang umaming nanganak siya sa Australia noong November 24, 2019.

Bahagi ng kanyang Instagram post: “I also want to celebrate my greatest love, Daniel.

"I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world.

"Not only that, you also been part in giving me my greatest happiness—our little angel.

“Right now I really feel complete, because I have my dad who always has my back, my love who loves me for who I am and now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times.”

Continue reading below ↓

Napabinyagan na rin nina Sofia at Daniel ang kanilang anak noong February 7, 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cebu-based international race car driver Daniel Miranda, 22, and actress Sofia Andres, 21, are now proud parents to Baby Zoe.
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results