Bea Alonzo tells John Lloyd Cruz to treat her for his 37th birthday

by Rachelle Siazon
Jun 26, 2020
Bea Alonzo posts throwback photo (center) with John Lloyd Cruz taken during their work trip to El Nido, Palawan, last year.
PHOTO/S: @beaalonzo / CTTO via lloydiebea_ Instagram

Kahit nasa Cebu pa ngayon si John Lloyd Cruz, hindi ito ligtas sa panlilibre kay Bea Alonzo.

Noong June 24 ay nagdiwang ang premyadong aktor ng kanyang ika-37 kaarawan.

Nagpaabot si Bea ng belated birthday greeting para kay John Lloyd, Huwebes ng gabi, June 25.

Naka-tag ang Instagram account ni John Lloyd na @dumpsitegallery.

Sabi ni Bea, "Happy birthday Idan! Hihintayin ko treat mo pagbalik mo!"

Idan ang palayaw ni John Lloyd sa mga kapamilya at malapit na kaibigan nito.

Mula ito sa Instagram Story ni Bea na may kalakip na litrato nila ni John Lloyd na kuha sa isang open-air eatery sa probinsiya.

Continue reading below ↓

Tila kuha ito nang mag-shoot sila sa El Nido, Palawan, para sa isang endorsement noong June 2019.

Kasalukuyang nasa Cebu si John Lloyd, at doon siya namalagi mula nang ipatupad ang ECQ noong Marso.

Hindi malinaw kung kailan babalik ng Maynila ang aktor. Sa ngayon ay abala ito sa pagtulong kahit sa maliit na paraan sa mga residente ng barangay na tinutuluyan ng aktor sa Cebu.

PREVIOUS SIGHTINGS

Sa parte ni Bea, minsan niyang nasabi na hindi naputol ang komunikasyon nila ni John Lloyd kahit noong panahong nag-lie-low ang aktor mula sa showbiz.

Noong February 5, namataang magkasama ang dalawa sa isang restaurant sa Makati.

Continue reading below ↓

Nasundan ang kanilang pagkikita noong February 18, at kasama pa nila ang kapanabayan ni John Lloyd sa showbiz na si Baron Geisler.

Kilala sina John Lloyd at Bea bilang perennial love team na nakagawa na ng pitong teleserye at walong pelikula.

Continue reading below ↓

Isa sa pinakasikat nilang tambalan ay ang iconic romance drama film na One More Chance.

Kaya marami sa kanilang avid fans ang natuwa nang magsama sila sa live script reading ng That Thing Called Tadhana, sa Ayala Triangle, Makati City, noong February 14.

Continue reading below ↓

LAGLAGAN VIDEO CHAT

Nitong nagdaang quarantine, sumalang ang dalawa sa Instagram Live para sa isang "unconfined" cinema project, na may halong laglagan portion tungkol sa makulay na love life ni John Lloyd.

Patunay raw na close sila ay alam ni Bea kung sino ang "first love" at "great love" ng aktor, pero mabilis na sinaway ni John Lloyd ang dalaga.

"Huwag na! Naniniwala na ako. Sobrang close tayo," napapangiting sabi ni John Lloyd.

Pero sa latter part ng kanilang usapan, ibinuking ni Bea na "G.L." o great love umano ni John Lloyd si Sarah Geronimo, na nakatambal ng aktor sa apat na box-office films.

Umiwas si John Lloyd na magkomento sa panunukso ni Bea.

Continue reading below ↓

Dati nang inamin ni John Lloyd sa isang TV interview na binigyan niya ng singsing si Sarah noong kasagsagan ng pagiging malapit nila. Ibinalik nga lang iyon ni Sarah dahil sa payo ng mga magulang nito.

Sa pagpapatuloy ng Instagram Live, biniro rin ni Bea si John Lloyd na paborito nito ang trilogy movie na My First Romance (2003), dahil kasama sa pelikulang iyon si Heart Evangelista.

Nanlaki ang mata ni John Lloyd nang banggitin ni Bea si Heart, pero wala nang ibang kinomento pa sina John Lloyd at Bea.

Sa YES! Magazine July 2010 issue, inamin ni John Lloyd na may ilang buwan silang nag-date ni Heart noong 2005.

BEA-JOHN LLOYD romance rumors in the past

Sa tagal nang pagtatambal nina John Lloyd at Bea, hindi rin sila nakaligtas sa romance rumors.

Noong January 2016, naging tampok ng espekulasyon ang diumano'y espesyal na unawaan nila.

Sinasabing naging extra close daw ang dalawa mula nang gawin nila ang pelikulang A Second Chance, na ipinalabas noong November 2015.

Continue reading below ↓

Tiyempo pa na noong January 2016, napabalita ang breakup ni Bea at boyfriend nito noong si Zanjoe Marudo, at sumunod na naulat ang breakup ni John Lloyd sa nobya nito noong si Angelica Panganiban.

Nang mga sumunod na buwan, sa hiwalay na panayam nina John Lloyd at Bea, pareho nilang pinabulaanan ang isyu. Nanindigan sila na mabuti lang silang magkaibigan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo posts throwback photo (center) with John Lloyd Cruz taken during their work trip to El Nido, Palawan, last year.
PHOTO/S: @beaalonzo / CTTO via lloydiebea_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results