May mga netizen na natuwa dahil sa wakas daw ay nagsalita si Toni Gonzaga hinggil sa pagpapasara sa ABS-CBN, ang kanyang home network.
Sabi nga ng ilan, mas mabuti ang magsalita kahit huli man.
Pero, napansin ng ibang netizens na may “contradiction” sa pahayag ng Kapamilya TV host-actress.
Pagpuna ng netizens, nagsalita nga raw si Toni, pero biglang may pagkabig.
TONI GONZAGA PUTS BLAME ON PEOPLE IN POSITION
Sa ginawa niyang post, tinukoy ni Toni ang mga nasa posisyon bilang responsable sa pagpapasara sa ABS-CBN.
Tila ito na ang pinakaprangkang pahayag ni Toni kaugnay ng shutdown ng kinabibilangan niyang television network.
“Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN. You may have the power now but it will not be forever," malamang mensahe ni Toni sa Instagram nitong July 18, 2020, Sabado.
May mga post noon si Toni, pero kadalasan ay pakikidalamhati lamang ang mga ito sa hamon na hinarap ng Kapamilya network sa franchise issue.
Sa post ni Toni kahapon, sinabi niyang ramdam na niya ang unti-unting pagkawala ng trabaho ng kanyang mga kasamahan.
Published as is: “Everyday ang sakit mag bukas ng viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin,” hayag ni Toni.
Kalahati ng kanyang post ay maka-Diyos: “I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names.”
“We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times.”
Buwelta uli niya: “Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever.
“Troubles come to pass, they don’t stay. Jesus said, when you go through deep waters I will be with you.
“One day He will wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. Babangon tayong lahat muli”
Magkahalo ang libu-libong comments sa post ni Toni: may mga natuwa at meron ding bumatikos.
Ang iba, pinuri ang aktres sa pagsasalita, bagamat natagalan daw ito bago niya gawin.
Sa Instagram Story, may mensahe pa si Toni na “Itutuloy namin ang laban.”
TONI TAKES BLAME AWAY FROM PEOPLE IN POSITION
Sinegundahan ni Toni ang kanyang post ng dagdag na komento, na hindi nakaligtas sa mata ng mabusising netizens.
Ano raw itong "passive-aggressive" statements ni Toni matapos lang nitong maghayag ng suporta sa Kapamilya network.
Dismayado raw sila.
Ganito ang isinunod na post ni Toni: “This is not putting blame on people in position. This is a reminder to us that no matter who is in position Jesus is still the King of Kings.”
Pinunto ng netizens na taliwas ito sa naunang post ni Toni: “Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN."
Sunod niyang komento: “This is to remind our kapamilyas, there is hope. There’s still tomorrow."
Pagkatapos ay bumalik siya sa pagtukoy sa mga may sala: “We will not forget what the people who have power did to us," pero sinundan naman niya ng "and we respect their decision with all humility."
At pagkatapos ay sinundan niya ng, “As one We will also continue to stand up for our company who gave us so many opportunities to help our families. We don’t know what the future will bring. But we know, God is holding us in the palm of His hands.”
Marami ang nag-react sa pagkabig ni Toni, at pinuna siya: "You're contradicting your own words."
Ang iba naman, binatikos siya sa tinuran niyang hindi kakalimutan ang ginawa ng mga nasa kapangyarihan, at ang pagsingit niya ng pagiging maka-Diyos gayo't "ginawa lang and dapat para sa abs."
Narito ang ilan sa mga pagkastigo ng netizens sa post ni Toni.
DUTERTE SUPPORTER
Samantala, inungkat ng ilang netizens ang pagiging supporter ni Toni kay Pangulong Rodrigo Duterte, na makailang beses nagsabi sa publiko na titiyakin niya ang pagsasara ng ABS-CBN.
Nakatanggap ng batikos si Toni noong May 2019 nang dumalo siya sa private party ng Pangulo, kasama ang kapatid na si Alex Gonzaga at asawa na si Paul Soriano.
Kasama niya ang iba pang celebrity supporters sa pagtitipon, kagaya nina Robin Padilla, Phillip Salvador, John Lloyd Cruz, Richard Gomez, Ai-Ai delas Alas, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, Vhong Navarro, at iba pa.
Narito ang ilan sa puna kay Toni...
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika