PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Soberano on fan page modus: "LizQuen can't be bought."

Bea Alonzo and Angel Locsin reported the same modus.
Published Jul 24, 2020
Actress Liza Soberano is the latest Kapamilya artist whose fans' social media accounts have reportedly been targeted by a fan page-buying modus.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram

“LizQuen can’t be bought.”

Ito ang mariing mensahe ng Kapamilya actress na si Liza Soberano, 22, sa mga bumibili raw sa ilang fan pages nila ng kanyang reel-and-real partner na si Enrique Gil, 28.

Sa tweet ni Liza nitong Miyerkules ng gabi, July 22, ibinunyag niyang ilang netizens ang bigla na lang nagpahayag ng interes na bilhin ang social media accounts ng ilang grupo ng LizQuen fans.

Ang “LizQuen” ay pinagsamang pangalan nina Liza at Enrique.

Gayunman, bakas sa tweet ng young actress na buong-buo ang kumpiyansa niya sa loyalty ng fans nila ni Enrique.

Tweet ni Liza: “Saw that some random accounts are trying to buy some LizQuen fan accounts.

“Nice try but, LizQuen can’t be bought.”

Mensahe pa ni Liza sa fans nila ni Enrique: “Mighty proud of all of you [heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEA, ANGEL’S FAN PAGES REPORT THE SAME OFFER

Ang kapwa Kapamilya actress ni Liza na si Bea Alonzo ang unang nagbunyag ng tungkol sa umano’y pagtatangka ng ilang random accounts na bilhin ang fan pages ni Bea.

Sa Instagram Stories ni Bea, 32, nitong July 19, ibinahagi niya ang screenshots ng offer na natanggap ng mga administrator ng kanyang fan pages.

Nagtataka si Bea kung bakit bigla na lang nagkaroon ng interes ang ilang netizens na bilhin ang social media accounts ng kanyang fans.

Malaki rin daw ang inaalok na bayad sa administrators ng fan pages, kapalit ng kontrol sa account ng mga ito.

Sinabi pa ni Bea sa kanyang post, ilang social media accounts ng grupo ng fans ng iba pang Kapamilya artists ang tinatangka rin umanong presyuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakumpirma ito sa report ng ABS-CBN News, na nagsabing nakatanggap din ng parehong offer ang fan pages ng singer-actress na si Sarah Geronimo, ng aktor na si Piolo Pascual, at ng aktres na si Angel Locsin.

July 20 nang i-post ni Angel, 35, sa kanyang Instagram Stories na nakatanggap ang kanyang fans ng parehong offer.

Saad sa caption ni Angel: “After reading Bea’s post na may mga bumibili ng accounts… eto rin ang nabasa ko.

“What’s happening???”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kapansin-pansin, pawang fans ng Kapamilya artists ang nakatanggap ng magkakaparehong offer.

At dumating ang nabanggit na offer ilang araw makaraang ibasura ng Kamara ang franchise renewal appeal ng ABS-CBN nitong July 10.

FOR TROLLING AND HACKING PURPOSES

Mga troll operators ang karaniwang bumibili ng fan pages ng mga celebrity, ayon sa cybersecurity expert na si Angel Rodable.

Ang trolls ay grupo ng mga indibidwal na nagpo-promote o naninira ng personalidad, grupo o kumpanya; nagsisimula ng debate; o namemeke o nagpapakalat ng maling impormasyon, depende sa agenda ng kanilang kliyente.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Rodable nitong Lunes, July 20, posibleng estratehiya ito ng troll operators na naghahanda na ngayon para sa eleksiyon sa 2022.

Epektibo raw kasi ang fan pages, na karaniwang may libu-libong followers, sa mabilis na pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang kandidato o produkto.

“Buying a fan page, will immediately, if you want to disseminate something whether true or fake, you can do that in one post in a fan page,” quoted ng CNN si Rodable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, aniya, maaari ring gamitin ang celebrity fan pages sa pangha-hack.

Ayon kay Rodable, puwedeng gamitin ito sa phishing attacks, sa pamamagitan ng pagpapanggap na lehitimong website.

Paliwanag niya, kapag nag-post sa fan page ang hacker at na-click ng followers ang link sa pekeng website, magkakaroon na ng access ang hacker sa mahahalagang impormasyon ng nag-click.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Liza Soberano is the latest Kapamilya artist whose fans' social media accounts have reportedly been targeted by a fan page-buying modus.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results