Angel Locsin wants maximum punishment for corrupt PhilHealth officials

by Arniel C. Serato
Aug 11, 2020
Angel Locsin on PhilHealth corrupt officials: “I’m against death penalty. But for the people who steal from the poor and sick, especially during a pandemic, you deserve the death penalty.”
PHOTO/S: Courtesy: @lalaflores16 on Instagram

Nanawagan si Angel Locsin ng mas mabigat na parusa sa mga corrupt officials ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Nasa sentro ng kontrobersiya ngayon ang state insurance dahil sa pag-amin ng isang dating opisyal nito na may mga naibulsa raw na pondo ang ilang matataas na opisyales ng ahensiya na umabot daw sa P15 billion.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, August 10, nagbahagi si Angel ng balita mula sa isang national daily tungkol sa krapsyon sa loob ng PhilHealth.

Sabi niya sa kanyang caption, “I’m against death penalty.

“But for the people who steal from the poor and sick, especially during a pandemic, you deserve the death penalty.”

Continue reading below ↓

Pero kalaunan, binawi ni Angel ang kanyang naunang pahayag.

Aniya, hindi na kamatayan ang dapat iparusa sa mga corrupt officials kundi pahirapan na lamang ang mga ito sa preso.

Sabi ng Iba ‘Yan host, “Changed my mind.

“Mahaba-habang pagkakakulong sa siksikan na preso, with no chance of parole sa mga walang pusong corrupt officials.”

Continue reading below ↓

VICE GANDA, NIKKO NATIVIDAD

Nauna nang pinuna nina Vice Ganda at Hashtags member Nikko Natividad ang katiwalian sa PhilHealth.

Ayon sa It’s Showtime host, hindi raw dapat kaawaan ang mga demonyong tiwali sa kanilang mga posisyon.

Sabi ni Vice sa kanyang tweet noong August 5, “Pakainin ng t*e ang mga fotaen*ng yan!

“Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila.

“Walang kompa-compassion sa mga demonyo! Mga ulul!”

Kinondena rin ng ni Nikko ang katiwaliang ito na nadiskubre sa imbestigasyon ng Senate Committee on the Whole.

Sabi niya sa kanyang tweet noong August 5 din, “Ayoko na pala mag artista mabagal pera.

"Mag aply nalang akong opisyales sa philhealth sure maabot ko lahat ng pangarap ko.”

Tinawag din niyang napaka-kurap daw ng kanyang bansang sinilangan.

Nakalagay pa sa isa niyang tweet, “Gusto ko ipagsigawan sa mundo na napaka corrupt ng bansang sinilangan ko.

"im so proud promise walang halong joke.

Continue reading below ↓

“Partida epidemya pa yan. Pano kung ordinary day lang.”

Patuloy pa ring dinidinig sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang anomalyang ito.

Bumuo rin ng task force si President Rodrigo Duterte upang resolbahin ang kontrobersiya at upang mapanagot ang maysala sa diumano’y P15-B fund fraud sa PhilHealth.

Sa kanyang address to the nation kagabi, binalaan ng Pangulo ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth.

Saad niya, “Wag kayong magkakamali itong PhilHealth.

“Sabi ko yayariin ko kayong lahat, maniwala kayo.”

Ang presidente at CEO ng Philhealth ay ang retired army general mula sa Davao City na si Ricardo Morales.

Itinalaga siya ni Duterte sa puwesto noong June 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on PhilHealth corrupt officials: “I’m against death penalty. But for the people who steal from the poor and sick, especially during a pandemic, you deserve the death penalty.”
PHOTO/S: Courtesy: @lalaflores16 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results