Magkarelasyon na ba ang Kapamilya stars na sina Enzo Pineda, 30, at Michelle Vito, 22?
Ito ang katanungan ng maraming followers ng dalawa dahil sa magkaparehong posts nila sa Instagram noong Miyerkules, August 12.
Nagkataong nagdiwang si Enzo ng kanyang ika-30 kaarawan noong araw na iyon.
Kuha ang larawan sa Italian-
Sabi ni Michelle sa kanyang pagbati sa binata, “happy birthday my [heart emoji].”
Naka-tag dito si Enzo.
CELEBS AND NETIZENS REACT
Sa comments section, nagparamdam ng kanilang kilig ang kapwa nila celebrities na sina Alexa Ilacad, Miles Ocampo, Elisse Joson, Alora Sasam, DJ Chacha, at Jef Gaitan.

Puro “heart” emojis naman ang komento ng followers ni Michelle sa kanyang post na ito.

“MY HEART IS FULL”
Sa kanyang Instagram, nag-post din ng kaparehong litrato si Enzo.
Sinamahan niya ito ng isang video kung saan nag-blow siya ng candle ng kanyang birthday cake na hawak-hawak ni Michelle.

May isa ring larawan kung saan magkayakap sila ng aktres.

Nakalagay sa caption: “My heart is full. Thank you for the warm wishes.”
Nagpaabot din ng kanilang pagbati sa kaarawan ng aktor ang mga kaibigan nitong sina Rodjun Cruz, Teejay Marquez, Ashley Ortega, Vance Larena, David Licauco, Rovilson Fernandez, Cathy Valencia, Elijah Canlas, at Vince Velasco.

Posibleng nagkalapit sina Enzo at Michelle nang magsama sila sa ABS-CBN drama series na Nang Ngumiti Ang Langit noong 2019.
Ang huling nakarelasyon ni Enzo ay ang commercial model na si Claudine Jay.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
